Second Warning
..."Akala ko ba hindi na mauulit?" Salubong ang kilay na tanong ko sakaniya nang harapan kaming maupo.
Yumuko siya at umiling, inabot ng ilang minuto bago siya maka-sagot
"I know i don't have rights, but i get jealous. Especially when you are with Carl. Alam ko na gusto mo siya before." Mariin na sabi niya at hindi parin ako tinitingnan
"2 weeks punishment. Ikaw maglilinis ng corridor." Malamlam na sabi ko sakaniya at nakita ko siyang napa-pikit nang mariin
"Problem?" taas kilay na sinabi ko at umiling siya.
---
Pumasok na ako sa klase ko, katabi ko siya, si Carlo. Hindi siya makulit tulad kanina.
Napansin ko rin na nakayukyok lang siya sa desk niya.
Ano kayang problema nito?
"Ikaw darling huh, tinititigan mo ako. Mahal mo na nga ako" Nagulantang ako nang bigla siyang magsalita habang nakatingin sa akin, kumindat siya at nginuso ang labi
"Manyak." Sabi ko at ngumisi siya. Bumalik naman ito sa pagkaka-yukyok sa desk.
Nagtest kami sa subject na iyon, kaming dalawa ni Carlo ang nakakuha ng highest dahil pareho kaming perfect scorer.
"Good job Ms. President and Mr. Carlo for being the top scorer of this grade level." bati samin ni Sir Casea.
"Couple goals... i guess.." rinig kong sabi ni Carlo at natigalgal ako "Hindi po sir, nagkataon lang po." marahan kong sinabi at pinipigilan ang inis ko
Tumango siya at tumawa, agad naman na nanlisik ang mata ko sa gawi ni Carlo. Ngumisi siya na parang hindi siya satisfied sa reaction ko.
Natapos ang subject na iyon at pinaalalahan ko ang staff na si Mr. Lim ang maglilinis at mag aayos ng library at corridor.
Nang matapos ang klase, dumaan ako sa library para silipin sana si Carlo at mangamusta sana sa first day niya.
Nakita ko siyang mausisa at ginagawa nang maayos yung pinatatrabaho sakaniya.
Ganado siya at masigla habang inaayos tila walang reklamo sa kung ano mang ipinapagawa ko sakaniya
Pinagmasdan ko bawat kilos niya, naka sando lang siya dahil nagtanggal siya ng polo, nainitan yata
Nakikita ang braso niyang may hulma, nag g-gym ata? matangos ang kaniyang ilong at mapungay ang mata. Magulo ang buhok nito ngunit bagay pa rin sakaniya. Gwapo pala siya? okay na sana eh, mahangin lang.
Patuloy ko lang siyang pinagmamasdan
Nang....
Magtama ang tingin namin
Agad akong umiwas at nagtago.
Bakit ba ako nagtatago? Tinitingnan ko lang naman kung ginagawa niya nang maayos ang pinagagawa ko sakaniya ah
Bumalik ako sa kinatatayuan ko at pumunta sa pinto. Nakita ko siyang kanina pa naka-ngiti sa akin.
"Hi President!" Sabi nito at hindi parin nawawala ang ngiti. "Ikaw ah nang-sstalk ka ah..." akusa niya agad at namilog ang mata ko
"Huh? Tinitingnan ko lang kung maayos mo bang ginagawa trabaho mo dito." seryosong sabi ko sakaniya habang nakasalubong ang kilay
"Tsk..." rinig kong sabi niya at tumalikod sa akin. "Wag mo nga akong tini-tsk jan." Inirapan ko siya at humalakhak ito
"Okay, anong gusto mo?" humarap at lumapit siya sa akin "Ang gusto ko ay ang bumait ka na. Babu!" Pamamaalam ko naman agad sakaniya at tumalikod na ako.
Naisipan ko nang umuwi dahil maggagabi na rin dito at takot pa naman ako sa dilim.
Naglalakad ako sa corridor papuntang gate, sinuot ko ang airpods ko at nakinig ulit sa kanta ni Solomon.
Nang may narinig ako...
"Handa ka na ba?"
Oo.
...
![](https://img.wattpad.com/cover/358791104-288-k436735.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Mystery / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...