XXV

4 2 0
                                    


...

Agad kong tinawagan si Heiron para alamin kung anong mayroon, utang na loob kauuwi ko lang galing presinto, dahil akala ko ay okay na kaso ano itong natanggap ko?

From: Heiron:
Hey, nagsalita na si Carlo, and yung mga evidence ay itinuturo lahat kay Caleb parin pero may mga parts na hindi malinaw at nadadangwit pangalan ni Russel at Dyzal dito. If okay ka na, pwede ka pumunta dito for clarifications.

Agad akong nag-alala dahil bakit nadadamay si Dyzal at Russel, kilala ko sila at alam kong hindi nila magagawa 'yon.

Ilang minuto akong nag-isip nang tumunog ulit ang phone ko, nakita kong may nag text sa akin kaya naman inopen ko ito kaagad.

From: Unkown Number
Masaya ka na? Maraming nadadamay sa ginagawa mong imbestigasyon Jaile. Malakas ang kapit niya kahit kanino, kaya kahit sino ay pwede pagbintangan. Iniisa-isa na niya ang mga mahal mo sa buhay.

Agad ko namang binitawan ang cellphone ko at ibinato sa malayo, nanginginig ako sa mga sinabi niya, pano kung patayin niya lahat ng mahal ko sa buhay? bakit kilalang kilala niya ako? bakit kailangan ko maranasan ito?

Nanginginig ako sa takot sa sulok ng kwarto nang maya maya ay hinulog ko ang mga gamit na nasa mesa ko, lahat ng puwede kong pagbuntungan ng galit ay nagawa ko na.

"AHHHH!" sigaw ko nang may maramdaman akong pumasok sa loob ng kuwarto ko.

Ngunit kahit ilang minuto na ay hindi ito lumalapit sa akin. Ngunit kita ko ang anino niya mula sa pinto.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko, nang may makita akong kutsilyong duguan sa pintuan ng kuwarto ko.

Hindi ako makagalaw kaya't ko itinuloy ang pag-iyak

"TAMA NA!" sigaw ko nang may dali-daling pumasok sa kuwarto ko.

Nakita ko si Matt na nakatingin sa kutsilyong nasilayan ko kanina at onti-onting ibinaling ang tingin sa akin.

Kinuha ni Matt ang cellphone ko na nagriring sa sulok ng kuwarto ko kung saan ko ito ibinato.

Tumakbo si Matt sa gawi ko "Jaile, anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya

Tinuro ko ang pinto habang nakayukyok parin ang ulo sa mga binti ko "Anong mayroon sa pinto?" tanong pa niya.

"Bakit may duguang kutsilyo roon? Jaile ayos ka lang ba? sa iyo ba yun?!" onti-onti nang lumalakas ang boses niya

At duon ko na itinuon ang paningin ko, sakanya.

"Andyan na siya"

"Andito lang siya!"

Nababalisang sabi ko habang nakatingin sa kawalan

"Sino?!" dali-daling tumayo si Matt para tawagan ang hotline number ng presinto.

"Jaile, hindi ikaw to." seryosong sabi niya pagkatapos niya tumelepono.

"Hindi ko na alam, Matt." sagot ko dito

Nang matapos, lumapit siya sa akin at ako naman ang inasikaso "Jaile, mag-ayos ka muna, kumalma ka ha." sabi nito habang hinihimas ang ulo ko

Tumango naman ako at pumunta ng banyo at nilisan ang sarili, lumabas ako nang wala na si Matt sa kuwarto, kaya naman sinilip ko ang bintana ngunit wala ring tao.

"Matt?" hanap ko sakaniya

"Mateo! Asan ka?!" sigaw ko baka sakaling marinig nya

Bumaba ako papunta sa sala nang may makita akong martilyo, pulang martilyo na may dugo rin.

Kaya naman hinanap ko si Mateo.

"Matt?!!!!!" naiiyak na sigaw ko habang umiikot sa bahay para hanapin siya

And there he was...

"Jaile..." rinig kong sabi nito

"MATEO!" I rushed onto him nang makita ko siyang naliligo sa sarili niyang dugo.

"Who did this to you?!" agarang tanong ko ngunit nawalan na siya ng malay at mga ilang minuto ay dumating na ang mga pulis at ambulansya

"Matt please hang in there." hagulgol ko dito habang nakasakay siya sa gurney, life less due to blood loss

"Jaile!" rinig kong sigaw mula sa hindi kalayuan, tumingin ako sa likod ko nang makita ko na may tumatakbo papunta sa gawi ko.

"Leo?" tanong ko sa sarili dahil malabo ang paningin ko sanhi ng mga luha na nasa mga mata ko.

Nang makalapit, "Leo!" yinakap ko si Leo habang nakatingin kay Matt na nilalagay na sa ambulance.

"Anong nangyari?" paunang tanong nito nang humiwalay ako sa bisig niya

Kwinento ko ang nangyari kanina, para akong nanghihina na hindi ko alam

"Ikaw? bakit ka andito?" tanong ko naman sakaniya dahil bigla siyang sumulpot.

"Dadalhan sana kita ng documents na ibinilin sakin ni Heiron na ipadala sayo kaso nakita ko andaming pulis at ambulansya na papunta sa bahay niyo kaya naman tumakbo na ako." paliwanag nito

"Documents?" seryosong tanong ko at tumango siya.

Umupo kami nang maayos sa bench malapit sa sasakyan ng pulis at inabot sakin ni Leo ang brown envelope.

"Sabi ni Heiron nakita niya raw yan sa drawer ni Mr. Noviern Queca after the night na maospital si Carl." kwento niya.

Nilalaman yon ng bank check na may halagang isang milyon.

Ngunit walang nakalagay kung sino ang nagtransfer o galing kaninong account yung pera.

Parang plinano ito at sinadya na hindi lagyan baka sakaling mabunyag.

"Jaile!" rinig kong sigaw nanaman

Kaya tumingin ako sa kabilang gawi at nakita ko si Dyzal.

"DK..." yumakap ako nang mahigpit sakaniya at umiyak.

"Nabalitaan ko na lahat kay chief so dont mind na magkwento, I know na traumatizing iyon sayo." malambing na sabi nito habang hinihimas ang likod ko para tumahan.

Matapos ang ilang minuto, lilingon sana ako sa gawi ni Leo pero bigla nalang siyang nawala rin.

Baka siguro umuwi na at nagawa naman na niya ang iniuutos sakaniya ni Heiron.

Pero hindi niya iniwan yung dokumento sa akin. Baka nakalimutan niya lang kaya naman hindi ko na inintindi.

Pwede ko naman hingiin iyon sakaniya kinabukasan.



...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon