Suspect
...Agad akong pumunta ng office nang magpaalam ako kina Andrea, baka kasi nandoon pa si Dk para masabi ko na may nag text nanaman sa akin.
"Queca, andyan paba si Dk?" agad namang tanong ko kay Noviern nang makita ko siya sa labas ng pinto
"Ay hala Pres. Kanina pa po siya umalis noong pagpasok mo sa first sub niyo po." marahang sagot naman nito at tumango ako
"Bakit po? may iuutos po ba kayo?" dagdagan naman nito "A-ah oo pwede patawag si Hilary dito kamo sa office may sasabihin lang ako." Tumango naman siya at dali dali umalis.
Umupo ako sa swivel chair, bumuntong hininga ako at inikot ang swivel chair ko patalikod, pinikit ko nang mariin ang mata ko para pakalmahin ang sarili ko.
Sino ba kasi yun? Nanghihinala na ako na si Caleb eh. Siya lang may kaya gawin sa akin yon, hindi ko alam anong kasalanan ko sakaniya e siya nga tong nagloko sakin. Tapos noong nalaman ko sinasaktan na ako physically.
Bumalik ako sa huwisyo ko nang may kumatok. Si Hilary ang iniluwa nito "Yes po President? Pinapatawag niyo raw po ako?" nakangiting sabi niya nang umupo siya sa upuan sa harap ng desk ko "Tell the teachers i'll cut my classes today, may importante akong aasikasuhin. Bilinan mo rin kay Mateo na siya muna mag supervise. Baka hindi ako makapasok hanggang bukas." Pormal na sabi ko "Noted Pres! Ingat po kayo kung saan man ho kayo mapadpad." hindi mawala sa mukha nito ang ngiti.
Masaya sila kasi wala ako, ganyan yan sila. Haha!
Umalis ako doon at nagbook nalang ng grab para mabilis ako makapunta sa Des Liparto High School o kaya DLHS.
---
Sinalubong naman ako ni Heiron sa gate para makapasok ako roon. Sakto kasi na vacant nila kaya nakababa si Heiron.
"Te nag text ulit siya." pauna ko sakaniya at agad namang nangunot noo niya, pinakita ko sakaniya ang message at agad niya itong iniscreenshot "Located sa Sta. Ana, Manila ang message sayo nung nasa ospital tayo, at doon din ang last gig nina Solomon." seryosong sabi niya naman sa akin
Sta. Ana...
Wala akong maalala kung sino ang nakatira doon na kilala ko!
"Tangina talaga non! May kutob na ako na may kinalaman si Caleb o Dk jan e!" He let out a frustrated groan.
"Huh? Hindi si DK te, imposible." agad naman na sabi ko "Paano mo nasabi?" agad niyang tinaas ang isang kilay.
"May family problem sila Dk, tsaka yung mga text, hindi naman niya alam na may gusto ako kay Solomon at iniidolo ko iyon. Tsaka yung may nag text sa akin kanina sa school wala naman na siya doon para makita akong masaya kina Lurie makipagkwentuhan. Sabi sa akin ni Noviern first sub palang namin umalis na siya eh nangyari yung sinasabi nung texter is around 2pm na." paliwanag ko naman sakaniya at hindi parin siya kumbinsido
"Wag muna tayo mag akusa agad bessy." dagdag ko "Sa kaso mo, kailangan lahat ay suspect! Hindi natin malalaman ang puno't dulo ng lahat kung hindi tayo kikilos." sermon niya sa akin at napatingin nalang ako sa sahig.
Tama siya...
"So you are accusing me? That hurts!" rinig kong boses sa likod ko.
"I am willing to testify or help in your case Jaile. Pinsan kita at mahalaga ka sa akin." Sabi nito habang papalapit sa akin. Nakatingin siya sa akin na may halong pagnanasa ang mata kaya naman agad akong umiwas.
"Stop it bro." agad na awat ni Heiron kay Dk na papalapit nang mapansin na hindi ako komportable sa inaasta niya "Hindi namin kailangan ng tulong mo pre kung labag sayo." dagdag nito
Tumawa nang mahina si Dk at umiling "I insist, to prove my innocence." nakangusong sabi niya at nakatingin parin sa akin.
"Innocence cannot be proven by force." sagot naman ni Heiron at agad ko na silang inawat baka kung saan pa mapunta itong paguusap naming ito.
"Shhh! Okay! Kayo bahala sa desisyon ninyo, kung gusto niyo tumulong, edi go!" sabi ko naman at tumigil na sila mag ambahan.
Umalis si Dk nang may lumapit sa kaniya na babae, petite siya, wavy ang buhok, maayos ang postura lalo na ang mukha, napakaganda.
"Let our investigation begin."
Seryosong sabi ni Heiron habang nakahawak sa parehong palad.
"If he wants hell, we will give him hell."
Dagdag ko.
...
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Misteri / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...