Paghaharap.
...
pagmahalasakit.ISANG taon na nakalipas, lumipat ako ng school. Maraming nagtaka bakit hindi na nila ako nababalitaan o nakakausap. Sa totoo lang, busy ako at wala akong time magpa-petiks petiks sa buhay ko lalo ngayon.
"Ms. President! Okay na po ba itong design natin para sa founding anniversary?" kinuha ko ang folder na naglalaman ng papel na hawak ni Hilary agad ko iyon tinignan at hinusgahan
"Ayoko nito"
"Ayoko ng design pambata. Ano to children's party?"
"Di ko bet, ang plain."
"Ang pangit ng color combination naiirita ako"
"Ayoko rin nito" halos maubos na yung dala niya na samples tapos wala pa ako napipili at pinagtatapon ko lahat.
Oo I'm cold hearted bitch when it comes to leadership, or kahit hindi? Most people fear me cause they are intimidated by me kahit hindi ko sila inaano! Buti nga maayos lagay nila habang ako namamalakad sakanila e! Kasalanan ko bang may resting bitch face ako?
"Oh, I like this one. So elegant." May napili na ako matapos ko I reject mga sample na nakita ko. "Sino gumawa nito? Hanapin mo Hilary. I like him, ipatawag mo siya rito" sabi ko sakanya at tumalikod na kasi nasa swivel chair ako para kunin libro ko sa physics.
"A-ah si Carl James Lim po gumawa niyan" sabi naman nito "Bakit ka nautal?" nagtatakang tanong ko nang humarap sakanya "Sabi mo po kasi gusto mo siya" diretsahang sabi niya at nanlaki agad mata ko "Oo I l-like his w-work, anong problema?" nakakunot noo ko siyang tinanong "W-wala po" naginhawaan siya at umalis.
Si Carl pala may gawa no'n, sana pala di ko nalang tinanong kung sino. Nung bago lang kasi ako dito, siya agad natipuhan ko. Kaklase ko siya, Funny, Gwapo, Masipag, Matalino, Varsity, Matangkad, Hygienic, Mabango, at Maka-diyos. Sino ba kasing di mahuhulog doon diba?
Hindi kami nagpansinan noon hanggang sa umabot ng 3 buwan since August simula nung first day namin sa Lavara High School nang kumalat na gusto ko siya. Sinabi ko kasi sa teacher ko yon tapos ginagawa na niya ako lagi example sakanila ni Althea, na ex niya.
Inshort, nagpaparinig.
Bigla uli ako kinabahan nang maalala na pinatawag ko nga pala siya! Inayos ko desk ko di ko alam bakit ako natataranta e wala na akong feelings don! Nanigas ako nang may marinig na katok mula pinto, di ko napigilan kaya tumalikod ako, kaharap ko na yung bookshelves ko habang nakaupo, umasta nalang ako na may hinahanap na libro kahit di ko talaga alam ginagawa ko!
"Good Morning po, pinapatawag mo raw ako?" rinig ko sa likod huminga ako nang malalim bago humarap sakanya "I saw your work. I want to commend you kaya iinform lang kita na papadagdagan ko ng plus points record mo kay Madame Gracia." Malamig na sabi ko sakanya habang nagkatinginan kami mata sa mata. "T-thank you Jai" sabi niya at tinaasan ko ng kilay "I mean Pres." Mabilis na sabi niya. Umiwas na ako ng tingin para lumayas na siya sa harap ko.
"What?" nagtatakang tanong ko nang di pa siya lumalabas "Makakaalis kana Mr. Lim." Malamig na tonong sabi ko at binaling ang tingin ko sa papeles na nasa harap ko kahit di ko alam gagawin doon! "Can we talk?" seryosong sabi niya at umupo sa upuan na nasa harap ng table
"Make it fast. May klase ako ng 9:30" habang tumitingin sa relo ko, "its already 9:18 a.m." sabi ko naman at tumingin sakaniya "Bakit ba ang init lagi ng ulo mo sa akin?" reklamong sabi niya "Sa lahat ng kaklase ko ikaw lang hindi ko pa nakakausap, ngayon na may pagkakataon gusto ko ng sag-"
"kasi I don't like people like you." Diretsahang sabi ko at di na siya pinatapos.
Kinuha ko bag ko at umalis na doon. May gana pa siya magtaka bakit ganon ako sakanya?
BINABASA MO ANG
Truth Deceived
Mystery / ThrillerTears frequently drip from our eyes. What if the tears were replaced with blood? Love kills us, but fate allows us to feel linked. But why be confused? hurt? and suffer? Does it actually damage us? or not? Do you think Jaile Fernandez would survive...