XVIII

14 3 8
                                    

Confession
...

"Go! Alagaan mo yang dyaryong kaharap mo, at umalis ka na." agad na sagot ko dito at napatingin naman siya agad 

"Andito ang pamilya't kaibigan ko kaya hindi kita kailangan dito pero kailangan ka ng mga students sa LHS." dagdag ko pa bago siya magsalita.

"But still, sinuspend ko na nga ang pasok so wala ng studyante na aasa sa akin. Not now but maybe tomorrow." pabalang sagot nito at kumuha ng tubig.

Inabot niya sakin ang isang basong tubig at hindi parin nawawala ang tingin niya sa mata ko.

"Drink." Umasta pa akong ayoko "Bad sa health ang ma-dehydrate. Gusto mo bang magtae?" agad na sabi nito na nagbunga ng pagkagulat ko kaya naman agad kong nilagok ang laman ng basong yon

"No need to force her, may dextrose na siya kaya imposible siya ma-dehydrate." agad na sabi ni Laurence na nakikinig pala sa usapan namin

"Kasi dextrose is a kind of carbohydrate, it is a solution to supply calories and can be administered intravenously in conjunction with amino acids and lipids. This is also called T-"

"Total Parenteral Nutrition or TPN that is used to supply nutrition to a person who are unable to absorb carbs, amino acids, and lipids through their gastrointestinal tract." pagpatuloy ni Mateo sa sinasabi ni Laurence.

"I know." dagdag niya, agad naman akong napatingin kay Mateo nang masama dahil alam niya palang hindi naman ako madedehydrate, pinainom pa ako ng tubig kahit ayoko.

Ngumisi si Laurence at umalis, susunduin niya kasi si Avhen para makapunta sa akin kahit sabi ko na ako na ang pupunta kaso bawal pa ako magkilos-kilos dahil baka mag seizure nanaman ako katulad kanina.

Bumalik si Mateo sa pagkakaupo habang hawak ang dyaryo na kanina pa niyang binabasa, ano bang binabasa niya don? parang tanga lang eh.

Kaming dalawa ang naiwan doon pansamantala dahil inaasikaso ng Mama at Papa ko ang billing dito sa ospital dahil sa koneksiyon na mayroon sila ay maaring magless ang babayaran namin.

"Go! Alagaan mo yang dyaryo Mateo! Nagugutom na ako oh!" pang-aasar ko sakaniya at agad naman siyang lumapit.

"What food?" marahang tanong niya at agad naman akong napakalma. "Salad. No dressing ha, plain lang." agad na sabi ko at nagtaka ako bakit siya ngumisi.

"May nakakatawa ba?" taas kilay na tanong ko "Hahaha okay masusunod po, Kambing." sabi nito nang palabas ng pinto.

"HA ANONG KAMBING?!" Agad na sigaw ko kaso bigla siyang lumabas. Nainis ako sa lalaking iyon sana matapunan siya ng mainit na kape.

---

"Avhen!" excited na sabi ko nang makita kong iniluwa ng pintuan si Avhen na tulak tulak ni Laurence sa wheel chair.

"OMYGOD! What the hell happened to you?!" agad naman na tanong niya "Is this bestfriend goals? parehong may benda sa ulo?" nakangising sabi niya habang nakatingin sa akin.

Umiling ako at inirapan siya. "Hello? pareho na tayong may machine na nakasaksak no so dont let your atittude act up on me." masungit na sabi nito ang entitled talaga nitong babaeng to, tinaasan ko lang siya nang kilay nang may pumasok sa kwarto.

"Your food." inabot sa akin ni Mateo ang plastic na may lamang salad platters "Hindi mo sinabi kung anong uri ng salad kaya binili ko nalang lahat ng salad na nakita ko sa menu doon." dagdag pa niya

"What the h-"

"OMG? Are you his boyfriend? You look good! Bagay!" agad na sigaw ni Avhen nang makita niya si Mateo na nag abot ng pagkain sa akin.

"H-hin-"

"Yes." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"Huh?! Hindi ah! wala akong jowa okay?" pagtanggol ko naman sa sarili ko

"Boyfriend, lalaking kaibigan." agad din namang depensa ni Mateo at napahalakhak si Avhen at Laurence na nag p-phone sa tabi ko

"Hahahaha! You are funny! Interesting... paano mo kaya mapapaibig ang isang Jaile? Dont worry if you need heads up, just call me. I know her more than herself." nakita kong kinindatan ni Avhen si Mateo at napatango naman ito

"Ha?! ano bang trip mo Mateo? anong nakain mo bakit ganyan ka umasta? crush mo ba ako?" diretsahang tanong ko

"Go admit it." rinig kong bulong ni Avhen at agad ko naman siyang pinanlisikan ng mata

"Wrong." sabi naman nito at agad akong napayapa, baka kasi maging awkward pagtapos nito

"Hmmm..." pang-aasar ni Avhen

"More than that." dagdag naman ni Mateo at napatingin ako sakaniya dahil sa pagkagulat

"Ha? nahihibang kaba? tagal na nating magkaclose Mateo ngayon kapa magkakafeelings? Naku! kinakabag ka lang kaya tigilan mo ako sa kakaganyan m-"

"Iba ang hinahangaan sa minamahal. Kung papipiliin ako kung alinman don ang nararamdaman ko ngayon, ang pipiliin ko ay ang pagmamahal."

Seryosong sabi niya habang nakatingin ang mga matatalim na tingin ng mata niya sa akin.

"Sa iyo."

...

Truth Deceived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon