Chapter One

63.8K 1.1K 28
                                    

Chapter One

The best thing in life? Time, syempre sobrang precious ng time, tulad na lamang ngayon dahil rest day ko may time ako makapag jogging ng ganitong kaaga sa Quezon City Cirle. Iba sa pakiramdam pag pinagpapawisan ka iba rin ang daloy ng dugo sa katawan.

Okay na sana ang lahat eh, kung hindi ko lang napapansin na kanina pa ako sinasabayan ni kuyang naka gray na hood sa pag jojogging, ayoko naman maging assumera dahil marami naman ang nagjojogging dito. Pero napansin ko na pati yung bagal at bilis ko ay sinusundan nya pinapatayan din nya ako.

Hindi ko lang kasi makita ang mukha nya dahil sa hood may katangkaran ito at pusturang mayaman dahil na rin sa tatak ng jogging pants, hood at sapatos nya.

Sige, let's see kung ako nga talaga sinusundan nya. Lumiko ako at nagjogging palayo. Binilisan ko ang takbo ko kahit ang mga nakakasalubong ko ay ang ilan tao na naglalakad, nagulat ako ng napatingin ako sa gilid ko at ang lalakeng nakagray hood ay pinantayan ako sa bilis ng takbo diretso lang itong nakatingin sa daan.

Hindi ako nagpahalata na napansin ko na sya kaya binagalan ko naman at lumiko pa sa isang kanto na wala namang nagjojogging at ganoon rin ang ginawa nya bumagal din ang takbo niya. Hindi ko na tuloy natiis, huminto ako at tinanong sya.

"Excuse me. Sinusundan mo ba ako?" bigla syang napahinto at kahit hindi sya humarap sa akin alam ko na nagulat sya.

Haharap sana ako sa kanya para makita ang mukha niya pero agad naman syang tumakbo ng mabilis palayo sa akin. Okay, he's weird maybe nag assume lang ako. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo ko hanggang sa makaramdam ako na parang pinipilipit ang binti ko, eto pa naman ang pinakaayaw ko, pinilit ko maupo sa gutter at marahan na minasahe ang binti ko naluluha na ako dahil pinipilit ito sa sakit.

"Are you okay?" napatingala ako ng marinig ko ang isang baritonong boses, napanganga ako dahil si kuya na naka gray hood pala iyon, lumuhod sya sa harap ko at hinawakan ang aking binti tsaka nya minasahe ng marahan iyon.

Pilit kong inaninag ang mukha nya pero dahil sa hood ay hindi ko iyon makita basta ang alam ko may itsura sya kasi nakikita ako ang matangos nyang ilong may kaputian din sya.

"You forgot to do some stretching." sabi pa nya.

"S-salamat sige ako na gagawa nyan." napahinto sya ng di sinsadyang dumampi ang kamay ko sa kamay nya, ewan ko ba pero parang nakuryente ako.

"Kuya ang laki ng sugat mo." napatingin ako sa malaking gasgas sa kanang kamay nya. Hinawakan ko iyon at kumuha ako ng alcohol sa backpack ko. Dahan dahan ko iyon nilagyan, nagpaubaya lang sya at hindi man lang sya umiwas o umaray.

Napaupo na rin sya sa harapan ko na hindi alintana kung madudumihan ba sya.

Pagkatapos ko linisin ang sugat nya ay pinahiran ko iyon ng gamot.

"Ayan, tapos ko na gamutin." nakangiti kong sabi habang hawak hawak pa rin ang kamay nya. Hindi sya sumagot kaya sinubukan kong silipin ang itsura nya natatabunan pa rin kasi iyon ng hood.

"Salamat ha." basag ko sa katahimikan namamagitan sa amin pero hindi man lang sya sumagot.

"Oy, thank you ha, ang tahimik mo naman, ano nga pala pangalan mo?"

Katahimikan.

Tumayo na ako ng hindi pa rin sya sumasagot, at tinalikuran sya.

Ilang hakbang pa lamang ako nakakalayo ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko. Kaya napalingon ako si kuya pala na naka gray hood ay sinundan ako.

Tinangal nya ang hood nya at literal na napanganga ako.

"Thanks, I'm Theo by the way."

OMG!

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon