Chapter Twenty Seven
"Tol! Iwanan mo na yung isang babae. Yung Eve lang daw ang dadalhin." sabi ng isang kuya na nakamaskara. Napalingon ako sa paligid at ganoob na lamang ang takot ko ng makita ko na maraming nakaitim na lalake ang nakapalibot sa amin.
"Putsa! Sige Iwan na yung bilis! Dalhin nyo na ito sa van." itinulak nila si Suzy pabalik ng taxi.
"Suzy!"
"Eve!"
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil may itinalukbong sila sa ulo ko. Padaskol din nila ako ipinasok sa van. Pinagpapawisan ako ng malagkit, sana hindi na lang totoo ang nangyayari sa akin pero hindi. Nakaramdam pa ako ng pagtutok ng baril sa may sintido ko.
"Huwag kang umiyak!" hindi ko namalayan na umiiyak pala ako.At sa mga oras na ito isang tao lang ang naiisip ko na makakaligtas sa akin sa mga masasamang loob na ito.
Theo, asan ka na.
Naramdaman ko ang pag andar ng van. Saan kaya nila ako dadalhin? Buhay pa ba akong lalabas dito? Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nakarinig ako ng pagkalampag at pwersahang hinatak ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin, bigla na lamang ako isinalampak sa kung saan. Hindi ako makakilos ng maayos dahil nakatali ang dalawa ko na kamay.
Nakarinig ako ng naglalakad at alam ko na babae sya dahil tunog iyon ng isang nakasuot na stiletto. Nakaramdaman ako ng isang malakas na sampal halos mangudngod ang mukha ko sa sahig. Tinangal nito ang tabing sa mukha ko at walang sabi na sinabunutan nito ang buhok ko at iniaangat.
"Bitch!"
Isang malakas na sampal ang natangap ko uli na halos mag patabingi sa mukha ko. Isang nakangising Hannah ang bumungad sa akin.
"Peste kang babae ka! Bakit ba kasi bumalik ka pa sa buhay namin ni Theo! He is happy with me already!" nanggagalaiti nyang sigaw. Sabay hatak sa buhok ko hindi pa sya nakuntento sinikmuraan pa nya ako.
"I thought sapat na ang pangigipit ko sa pamilya nya para lang kumapit sya sa akin, and then here you are! Apat na taon na ang lumipas and still Theo likes you!" sinampal nya muli ako. Sa sobrang lakas nakaramdam ako ng pagkahilo.
Siya pala ang dahilan ng mga pagsabog sa kumpanya ni Theo. Hindi ba alam iyon ni Theo? Mismong girlfriend nya ang dahilan.
Napaigik ako sa sakit ng bigla nya akong sipain ng malakas.
"Anong meron ka na wala ako ha?! Sana hinyaan mo na lang kami! were happy in Paris. Gusto mo malaman kung ano nangyari sa amin ni Theo sa nakalipas na apat na taon?" parang patalim na sumasaksak ang mga sinasabi nya sa akin. Ayokong pakingan at ayokong malaman. Hindi pa ba sapat ang ginawa ni Theo na pag iwan sa akin tapos malalaman ko lang na sya ang kasama nya.
"Hindi ikaw ang mahal ni Theo ako ang mahal nya!" sinabunutan nya ako at hindi ko sya mapigilan dahil sa nakataling kamay ko.
"Mamatay ka na!" biglang bumukas ang pinto.
"Ma'am may tawag po kayo."
"What?!" singhal nya sa tauhan nya.
Tinignan nya muna ako ng masama at binigyan ng malakas na suntok sa tagiliran ko bago sya lumabas kasunod ang lalakeng iyon. Pinilit ko naman bumangon kahit mahirap. Pinilit ko rin alisin ang nakatali sa akin pero masyado iyong mahigpit. Wala na ako magagawa kundi ang umiyak at maghintay kung may magliligtas ba sa akin o wala. Pwede rin na ito na ang katapusan ko.
Kung makalabas man ako dito ang tanging hiling ko lang ay mapayapang buhay.
It was all started because of Theo.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaan na lamunin ng antok kahit iniinda ang mga sakit at kirot.Dahan dahan ko iniangat ang mga mata ko. Nakarinig ako ng malalakas na putukan sa labas. Kinabahan ako dahil hanggang sa ngayon ay nakatali pa rin ang mga kamay. Sinikap ko ang makagapang sa gilid ng kwartong iyon. Palakas ng palakas lang mga putukan. Hanggang sa makarinig ako ng mga yabag.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Theo na hindi maipinta ang itsura. Sa likuran nya ay mga kalalakihan na hindi ko kilala.
"Eve..."
"Theo..." bumuhos ang mga luha ko. Patakbo akong nilapitan ni Theo at tinangal sa pagkakatali. Niyakap nya ako ng mahigpit habang mas isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib nya. Naramadaman ko na lang ang pag angat ko. Buhat na pala ako ni Theo, may mga sinasabi sya sa iba pero wala akong maintidihan.
Gusto ko na lang makaalis dito.
Nagising ako sa isang hospital, andoon ang mga kaibigan ko na si Suzy at Delly na bagong panganak naman. Sinabi ko na wag na ipaalam pa sa pamilya ko sa probinsya ang nangyari sa akin. Ayokong magalala sila.
Ang nakakapagtaka ay hindi naman napalabas sa balita ang nangyari sa akin. News blackout, pwede dahil maipluwensya si Theo.
I asked what happen to Hannah at ang sabi nila ay nasa ibang bansa daw ito para magpagamot sa pagiisip.Matagal na daw may sakit si Hannah. She is obsessed to Theo. Ngayon ko lang din nalaman na magkababata sila. Theo never told me.
Hannah thought that Theo will marry her. Pero hindi nangyari iyon dahil si Theo ay obsessed naman sa akin.
Kahit nagsasama daw sila ni Hannah sa Paris sa nakalipas na apat na taon. Theo never stop stalking me. Nagha hire sya ng mga lalake na susunod at magbabantay sa akin. Kahit ang pagbili nya sa kumpanya na pinagtratrabuhan ko ay sinadya nya para mapalapit sa akin lalo na nung malaman nya na si Denver ay nanliligaw na naman sa akin. Isang linggo na ako dito sa hospital pero walang Theo ang nagpakita. Hindi ko na din inalam, sanay na ako."Pinasa ko na yung leave letter mo sa HR, saan ka didiretso Eve after nito?" tanong ni Suzy.
Sinamahan ako ni Suzy sa bus terminal. Tumakas lang kami sa Hospital.
"Itetext ko na lang Suzy kung saan. Sa ngayon dapat makaalis na tayo dito ayokong masundan na naman ako ni Theo."
Malungkot na ngumiti si Suzy.
"Itext mo ako kung hanggang kailan yang indefinite leave mo ha." naiiyak na sabi nya.
Napatango ako ay niyakap sya ng mahigpit.
"Basta wala kang alam pag tinanong ka ni Theo."
"Sure ka na talaga?"
"Oo, mas makakabuti na ang ganito." niyakap ko pa si Suzy bago bumitaw at pumasok sa bus.
I need this and Theo need this too.
BINABASA MO ANG
Mine Series: Theo Betchel (Completed)
General FictionEve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone she didn't know. (COMPLETED)