Chapter Fifteen

21.6K 427 7
                                    

Chapter Fifteen

Happy Valentines! 💞💗💞

Mabilis ko naihatak si Hannah palabas ng sasakyan ni Theo. Halata ang gulat sa itsura nya.

Nang mahimasmasan sya ay tumingin sya kay Theo.

"Theo! looked what she did to me! she hurt me!" pagsisigaw ni Hannah.

Gulat na napatitig sa akin si Theo at hindi man lang pinansin si Hannah.
Sa halip ay ako ang kinausap nya.

"You didn't say na pupunta ka dito."

"I didn't because I want to surprise you."

"I thought you don't want to see me."

"Ayaw mo ba?"

Lumapit si Theo sa akin at niyakap ako.

"Of course not, namiss nga kita." bulong pa nya sa akin na nagpakilig naman sa mga kalamnan ko. Masama ang tingin sa amin ni Hannah mabuti nalang at  naglakad na sya palayo.

"Anong ginagawa ng higad na 'yon dito?"

"She just drop by, nagaaya na mag dinner."

Sinamaan ko naman sya ng tingin. "At sasama ka naman?"

"Hindi, uuwi na nga ako tapos eto, you're here," nakangiti nyang sabi.

"Do you want to eat first?" sunod nya na tanong. Napangiti naman ako, baliw na ata ako. I set the rule na hindi kami maguusap for two days pero ako pa talaga ang pumunta dito.

Dumaan kami sa isang fast food chain, tahimik lang kami na kumain hindi ko sya tinanong at ganoon din naman sya.

"I'm sorry Eve," nagulat ako ng nagsalita sya at hindi ko alam kung bakit humihingi sya ng sorry sa akin.

"Para saan?"

"I stalked you. I know na mali iyon pero wala akong lakas ng loob magpakilala sa'yo ng harapan."

Napatitig naman ako sa mga mata nya alam ko na sincere si Theo sa paghingi ng tawad.

"Kalimutan na natin 'yon, we can start again." tama kalimutan na dapat namin iyon, so ano ngayon kung naging stalker ko si Theo hindi naman ikababawas ng pagkatao nya iyon.

Nagningning ang mga mata nya sa sinabi ko.

" Yes, we can start all over again, by the way, I'm Theo Bechtel and you?"

Tumaas ang kilay ko. "Anong drama yan?"

"Nagpapakilala ng maayos?"

"Ewan ko sa'yo Theo."

"Come on! Let's have some date." aya nya.

"Date?" mukang tuwang tuwa si Theo.

"Para mas makilala natin ang isa't isa."

"Okay," tanging nasabi ko lamang.

Hinatak ni Theo ang kamay ko, akala ko ay didiretso kami sa sasakyan nya pero nagulat ako ng tumawid kami sa kabila at akma syang pumapara ng jeep.

"Hindi tayo sasakay ng sasakyan mo?"

"Nope," tumingin sya uli sa akin na nag aalangan.

"Eve, alam mo ba ang sakayan papuntang Circle?" nahihiya pa nya na tanong.

"Ikaw talaga, syempre alam ko. Ayan o nakalagay Kalayaan dadaan yan ng circle." agad naman kami sumakay ng jeep. Halata naman na hindi komportable si Theo, kahit nakatupi na ang polo nya hanggang braso ay pinagpapawisan pa rin ito.

Gabi na at gumagala pa kaming dalawa. Pero hindi ko maitago ang pagkaexcite.

"Nagpapaimpress ka ba?" wala sa sarili ko na tanong. Nagulat naman si Theo at napahawak sa batok nya, para syang bata.

"Kinda."

"Hay... ikaw talaga halatang hindi ka sanay sa jeep." namula naman ang mga pisngi ni Theo kaya hindi ko napigilan na kurutin ito.

"Ouch! that hurts! Honey."

"Ewan ko sa'yo, dito na tayo." agad ko na hinatak si Theo pababa ng jeep. Masaya kaming naglakad papasok ng Quezon City Circle.

A simple walk, pero masaya ako I never felt this bliss marahil dahil alam ko na wala nang tinatago si Theo sa akin. Nakaakbay sya sa akin at nakapalupot naman ang braso ko sa bewang nya.

Nakita ko naman ang isang stand ng ihawan.

"Bili tayo nun" turo ko sa nag iihaw. Medyo nag alangan si Theo pero sumunod na rin sa akin.

"Ano gusto mo? Barbecue? Isaw? Helmet o Hotdog?"

"I don't know what it taste but I will try this one." turo nya sa isaw.

"Kuya apat na isaw"

Humarap ako sa kanya habang inihintay na maluto ang mga isaw.

"Ngayon ka pa lang makakakain nito?"

Ngumiti sya ng tipid na parang nahihiya.

"Ayos lang yan, gusto mo tikman natin lahat ito? mura lang naman five pesos itong isaw. Ten pesos yung barbecue."

Nang maluto na ang isaw ay agad namin na kinain ni Theo iyon. Sarap na sarap sya kaya umorder pa sya ng dalawa. Tumikim din sya ng barbecue tsaka dugo. Nakakatuwa syang tignan parang bata.

Sumunod ay napadako kami sa Circle of Fun, ang perya ng Circle. Natuwa ako kaya inaya ko si Theo sa loob. Sumakay kami sa mga rides na ikinatakot nya dahil baka daw hindi matibay. Pero sumakay din naman kami.

"This is so fun!" sigaw ni Theo habang binabanga ako ng bump car. Naiinis naman ako.

"Bakit mo ako binabanga!"

Kumunot naman ang noo nya.

"Honey, It's a bump car, what will you expect?" at binanga nya uli ako.

Gumanti naman ako at binanga din sya para kaming mga bata. Hanggang sa magsara at amusement park ay hindi mawala ang mga ngiti sa mga labi namin.

"Gawin natin ulit ito." sabi ni Theo

"Sige ba, basta hindi ka busy at okay sa scheduled ko, try natin yung EK next time."

"What's EK?"

"Enchanted Kingdom, sa laguna yun."

"Okay then let's try that soon." at pinausad na ni Theo ang sasakyan. Tahimik na kami buong byahe at halos papikit na rin ang mga mata ko.

"Eve." tawag ni Theo agad naman ako tumingin sa gawi nya.

"Thank you for giving me a chance." diretso lang sya na nakatingin sa daan habang sinasabi iyon.

"Everyone deserve a chance." wala sa loob ko na sagot.

"I love you Eve, and I will do everything just to prove it." hinawakan nya ang kamay ko at ipinagsalikop. Lumapit naman ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat nya.

"I love you too Theo."

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon