Chapter Twenty five

20K 388 14
                                    

Chapter Twenty five

Pagkalabas ni Theo may narinig agad ako na pagkabagsak ng mga gamit. Natuptop ko ang bibig ko, hindi naman pwede na andito lang ako sa loob. Tsaka ano na lang kung may mangyaring masama kay Theo, hindi ko yata kakayanin na maghintay lang, kaya naman kahit alam ko na magagalit sya ay lumapit na ako sa pintuan. Pero ang pinagtataka ko ay biglang may nagtawanan.

Kaya naman napabukas na ako ng pinto.

"Theo!"

Nagulat ako sa aking nakita. There are two guys that straddling him. Yung isa ay kilala ko, si Jonas iyon, yung isa naman ay mestiso na may brown na mata ang hindi ko kilala. Nakaawang ang bibig nito at gulat na gulat tinititigan nya ako pero napadako ang tingin ko kay Theo na hindi na maipinta ang itsura.

"Eve! Get Inside!" galit na galit na sabi nya. Napatingin ako sa sarili ko at halos makalimutan ko na naka large size shirt ako na abot hita.

Sa mga itsura nila hindi naman sila kaaway o magnanakaw pero ginulo nga nila ang gamit sa sala.

"Oh... so It's Eve. Hi, Eve. I'm Trevor nice meeting you."

Lumapit sya sa akin at akmang makikipagkamay pero nagulat ako ng hatakin ako ni Theo papasok sa kwarto nya sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko.

"Aray! naman."

"I told you not to get out until I say so! Mahirap ba intindihin 'yon?!" halos lumabas ang litid ng leeg nya sa galit.

"S-sorry nagaalala lang naman ako."

"Pero nakinig ka man lang sana! Natuwa ka pa ng may nakipag kilala sa'yo!"

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw! Tsaka kaibigan mo naman 'yung mga 'yon 'di ba si Jonas yun!"

"I don't care!"

Isang katok ang nagpahinto sa amin ng may sumigaw sa labas.

"Lovers! Tama na muna 'yan! Eve pahiram lang saglit si Theo may sasabihin lang kami sa kanya."

Tumingin sa akin si Theo bago nagsalita.

"Do not leave this room. Do you understand?" madiin na sabi nya. At talaga naman binantaan pa ako.

"Ewan ko sa'yo!" At tinalikuran ko na sya. Bumalik ako sa kama at humiga. Ilang minuto lang din ako nakahiga pagkatapos nun ay pumasok na naman si Theo.

"Doon na ako sa kabila matutulog." tumayo ako dumiretso agad sa pintuan. Pero pinigilan nya ang braso.

"You stay here. Andyan pa sila sa labas. Dito ka na matulog."

"Ayoko! Hindi tayo bati!" nakakaasar talaga sya.

"Ayaw mo makinig ha." naramdaman ko na lang ang pag angat ko sa sahig. Binuhat lang naman ako ni Theo na parang sako ng bigas at walang ingat na ibinaba sa kama nya. Tatayo pa sana ako ng bigla nya ako dinaganan.

"Tulong! Umalis ka nga sa ibabaw ko Theo!" pero parang wala syang narinig hinawakan nya ang kamay ko at inilagay sa ibabaw ng ulo ko.

"Alis ka dyan!" mas lalo ako kinabahan ng mag iba ang titig nya sa akin.

"Theo!" impit ako napasigaw ng halikan ako ni Theo. Hindi ko alam kung bakit pero marahas ang pag halik nya, pero ng maglaon naging banayad ito at naramdaman ko na lang na sumasagot sa halik nya. Lumuwag ang pagkakahawak nya sa akin mga kamay dahilan para mapahawak ako sa leeg nya.

Habang ang kamay naman nya ay nasa bewang ko at marahan na hinihimas.

"Eve..."

Pero napabalikwas ako ng maramdaman ko ang kamay nya na paakyat sa hita ko. Tinampal ko ang kamay nya at pinilit tumayo sa kama.

"Bastos! Bakit mo ginawa 'yon!"

Napaawang naman ang bibig ni Theo. Pero saglit lang iyon at nagbalik ulit sa dati ang itsura nya. Ngumisi pa ito ng nakakaasar.

"You're too loud. I have to do that to shut you." malamig na sabi nya.

So, ganoon lang 'yon?

"Nek nek! mo! manyakis!" pinagbabayo ko sya sa dibdib pero wala naman syang pakealam.

"Tama na Eve. Tumahimik ka na lang."

"Uuwi na ako!" galit na sabi ko.

Umiling sya at humarang sa pinto.

"Hindi ka aalis dito."

"At bakit? Sino ka para pigilan ako?!" nakakainis na talaga.

"Kanina lang gusto mo tumabi sa akin para matulog ngayon aalis ka? Malakas ang ulan Eve. Don't try to ask me again. You will never win."

"Ah... talaga lang? Alam ba ito ni Hannah? Di ba girlfriend mo sya? Ano na lang sasabihin nya kung malaman nya na magkatabi tayo na natutulog dito sa unit mo? At hindi lang 'yon hinalikan mo pa ako!"

Bigla sya napatahimik. Pero nagsalita din.

"I don't care! Basta hindi ka lalabas dito! at hindi ka aalis" huling sabi nya tsaka mabilis na lumabas ng kwarto. Sinubukan ko buksan ang pinto pero parang nakalock din ito mula sa labas.

Pinagbabayo ko ang pinto para makagawa ng ingay at mainis sya. Bahala na kung magalit sya. Pero hindi man lang nito pinansin ang pag iingay na ginawa ko.

Hindi ba sila naiingayan sa akin?

Idinikit ko ang tenga sa pinto para pakingan ang kung naguusap ba sila. At hindi nga ako nagkamali. Naguusap sila rinig ko iyon kahit hindi ganoon kalakasan.

"Dude! Maawa ka kay Eve. Nagwawala na. Teka bakit ba kayo magkasama dito?" boses iyon ni Jonas.

"He's right. Kidnapping 'yan ginagawa mo. Tsaka 'di ba may Hannah ka na? sa'kin na lang sya."

"Fvck you." madiin na sabi ni Theo.

"Akala ko ba okay na? Hindi mo pa rin ba nasasabi kay Eve?"

"I told her already. And I think she doesn't believe me.And besides I'm on my last project. Kaunting panahon na lang." sabi ni Theo.

Anong pinaguusapan nila?

"Naman! Ano ba naman ang four years sa three weeks." kantyaw ni Jonas.

"Theo!" sigaw ko. Ano ba pinaguusapan nila. Tumahimik ako at nag isip ng paraan. Ano ba ang effective na paraan? Kahit magmakaawa ako sa kakasigaw hindi nya ako papansinin. Kahiy mag ingay ako ng mag ingay hindi pa rin nya bubuksan ang pintuan.

Sa isang iglap nakaisip ako isang paraan. Susubukan ko kung maapektuhan ba si Theo nun.

"Theo." mahinahon na tawag ko.

"Theo, pumasok ka muna dito." idinikit ko ang tenga ko sa pinto at patuloy lang sila sa pag uusap. Alam ko naman na naririnig nya ako nagbibingi bingihan lang sya.

"Theo! Pag hindi ka pumasok dito wala kang kiss!" sigaw ko.

"At hindi mo ako makakasabay sa banyo maligo!" napabungisngis ako at naupo sa gilid ng kama.

One...

Two...

Thre...

Biglang bumukas ang pintuan. Isang seryosong Theo ang pumasok sa pintuan.

"What did you say?"

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon