Chapter Twenty Six

20.5K 316 21
                                    

Chapter Twenty Six

"What did you say?"

My smile disappear in a second. Hindi ko nagugustuhan ang itsura ni Theo parang may gagawing masama.

"Wala."

Akmang lalagpasan ko na sya ng iniharang nya bigla ang braso nya.

"Hanggang kailan mo ako pipigilan makalabas?"

"Hanggang andyan pa sila sa labas."

"Eh! di paalisin mo na!" iyon lang pala ang pinuputok ng butchi nya ang arte.

"I can't may paguusapan pa kami. You stay here. Sleep and don't do anything stupid."

"Ewan."

"And you called me, wala akong kiss kung hindi ako pumasok. Asan na ang kiss ko?" nakangising sabi nya

"Kiss your face!"

Akma naman na lalapit sya sa akin kaya lumayo ako sa kanya.

"Problema mo?"

"Where's my kiss?"

"Sige. Ganito. Ikikiss kita pag hinatid mo ako pauwi sa apartment ko." seryosong sabi ko. Nagulat naman sya dahil halata ang pagkabigla sa mukha nya.

"With that weather?" Itinuro pa nito ang bintana nya.

"Oo,"

Tumahimik sya bigla. "Okay, wait for me magbibihis lang ako." Dinaanan nya ako at dumiretso sya sa walk-in closet nya. Papayag din pala ang dami pang arte!

Hindi ko naman mapigilan ang sumilip sa labas at nakita ko yung dalawa na naguusap pa rin pero napadako ang tingin nila sa direksyon ko. Hindi naman nakalabas ang buong katawan ko ulo ko lang ang nakasilip.

"Hi," nakangiting sabi ni Trevor.

"Tapos na kayong mag halikan ni Theo?" nakangising tanong ni Jonas

Inirapan ko sya, akala nya siguro nakalimutan ko na yung ginawa nya sa akin dati.

"Why?" tanong ni Jonas.

"Akala mo siguro nakalimutan ko na yung ginawa mo sa akin dati. Alam mo naman pala kung nasaan si Theo."

Kakamot kamot lang ito sa leeg.

"Sorry, napagutusan eh,"

"Napagutusa—"

Sinara ni Theo ang pinto. Masama ang tingin nya sa akin at ganoon din ako sa kanya.

"Bakit mo sinara! Paano kung naipit ako."

"Naipit ka ba? 'di ba sabi ko 'wag mo na sila kausapin."

"Nandito naman ako sa loob!" Tumahimik lang sya. Dyan naman sya magaling.

"Paano ako magbibihis andoon sa kabila yung damit ko."

"Basa pa 'yon, kumuha ka nalang ng sweat pants sa closet ko. Iyon muna ang suotin mo."

At wala nga ako nagawa dahil basa pa nga ang damit ko. Hindi na rin ako nagpalit ng pang itaas. Nauna na ako lumabas para kunin yung bag ko. Nakakatuwa lang ang itsura ko dahil ang laki ng t-shirt sa akin.

Pag labas ko naman ay tahimik lang si Trevor at Jonas na kapwa busy sa mga cellphone nila. Naramdaman ko naman ang paghatak ni Theo sa pulsohan ko at walang lingon iniwan ang dalawa. Pinindot nya agad ang elevator.

"Hay! salama--" nagulat ako na huminto ito sa 20th floor. Dirediretso lang sya lumabas habang hatak ako. Pumunta sya sa isang pinto at pumindot ng passcode. Nang bumukas ito bumungad sa amin ang mabangong amoy ng kwarto tulad sa unit ni Theo malawak din ito at karamihan ng kulay ng mga gamit ay gray at brown.

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon