Chapter Ten
Hindi ko alam kung saan lugar ko hahatakin si Denver. Pero napahinto na lang ako ng malapit na kami sa exit ng Mall. Bakas pa rin sa mukha nya ang pagtataka, kahit naman ako hindi ko alam kung ano katangahan ang ginawa ko.
I must be thankful na kahit papaano nakaganti na ako kay Theo, but I must said sorry to Denver na idinamay ko pa sya. Tahimik lang sya na nakatingin sa akin sa mukha nya ay halatang hinihintay nya na magpaliwanag ako.
"I... I'm sorry." hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Hindi na kita tatanungin kung bakit mo iyun ginawa." tumango lang ako bilang sagot.
"Mauna na ako Denver." nagukat naman sya sa sinabi ko
"Ihatid na kita." umiling ako.
"Huwag na salamat na lang, and I'm sorry ulit." akma pa sya na pipigilan ako pero sya na rin mismo ang huminto at hinayaan ako na umalis.
I'm sorry Denver
Umuwi ako sa bahay na ang daming iniisip kaya naman napagpasyahan ko na mag shower pagkatapos noon ay nagtimpla ako ng choco para marelax.
Sino kaya yung babae na iyon?
Girlfriend ba nya?
Sa kalagitnaan ng pagiisip ko ay bigla na lang may kumatok, dali dali naman ako lumapit sa pintuan at wala sa sarili ko iyon na binuksan.
"Theo?"
Isang galit na Theo ang bumungad sa akin.
"Bakit mo kasama ang lalakeng yun?!"
Sya pa talaga ang galit.
"Iyan ba ang ipinunta mo dito? Gusto ko magpahinga Theo." akma ko na sasaraduhin ang pinto ng iniharang nya ang kamay nya.
"I said I like you, gusto kita Eve, pero bakit sa ibang lalake ka pa rin tumitingin." malungkot nya na sabi.
Naawa ako sa itsura nya, gusto ko tuloy sya yakapin pero bigla ko naalala yung ginawa nya sa kin, hindi nya ako sinundo at may ka date sya.
"Sigurado ka sa sinasabi mo?" taas kilay ko na tanong.
"Kaya pala may kadate ka na iba, kasi gusto mo ako ganun ba yun, Theo?"
Bakas sa mukha nya ang pagkagulat. Halatang guilty sya.
"Ano? tama ba? Kaya ba hindi mo ako sinundo?!"
Kumunot ang noo nya at huminga sya ng malalim, napailing iling pa sya sa hindi ko malaman na dahilan.
"Is that you're reason kaya kasama mo ang lalakeng iyon? Dahil ba hindi kita nasundo?"
"Wala ka pakealam!"
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang magkabilaan ko na balikat.
"Are you jealous?"
Tinignan ko sya ng masama, hindi ako aamin, hindi ko ipaparamdam sa kanya.
"Ako?" itinuro ko ang hintuturo ko sa akin. "Hindi ako nagseselos, nagkataon na hindi mo ako sinundo at nakipagkita si Denver sa akin." pagdadahilan ko pa.
Ngumisi lang sya kaya lalo ako naasar. "Alis! lumabas ka na dito." pagtataboy ko sa kanya. Nakakainis talaga, sya pa ang may ganang magalit ang kapal talaga!
Hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari bigla nya ako hinatak palapit sa kanya at hinalikan.
Hinalikan nya ako!
Sobrang kaba ko,hindi ko alam ang gagawin, hinahalikan nya ako sobrang lapit ng mukha nya, amoy amoy ko rin ang mabango nyang hininga
Ang lambot ng labi nya, ganito pala pakiramdam pag hinahalikan anong gagawin ko?
Bigla nya nilayo ang mukha nya sa akin at ngumiti.
"I love you Eve."
Niyakap nya ako at hinalikan sa noo, hindi ako nakasagot, dapat nga ba ako may sabihin.
"I love you... I love you." paulit ulit nya na sabi.
Nang matauhan na ako ay lumayo ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Bakit mo ako hinalikan!"
Hindi naman sya sumagot.
"U-umalis ka na! Labas!" tinulak ko sya palabas ng pinto at hindi naman sya nagpapigil ngumingiti lang sya. Nang maisara ko na ang pinto ay sumandal ako sa likod nito, kinapa ko ang dibdib ko at dama ko ang sobrang kaba ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Normal ba ito?
"I will visit you later." bigla na lang nya sabi sa labas. Andoon pa pala sya.
"Tse! umalis ka na!" narinig ko pa ang munting tawa nya, maya maya pa ay narinig ko na ang pag alis ng isang sasakyan.
"Ah! letse ka talaga Theo!" hinawakan ko ang labi at ramdam ko pa rin ang ginawa nyang paghalik, pero bakit ganoon? parang kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
Mine Series: Theo Betchel (Completed)
General FictionEve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone she didn't know. (COMPLETED)