Chapter Thirteen

22.1K 451 4
                                    

Chapter Thirteen

"Ayaw mo ba ng movie?" Theo asked me. Nahalata yata nya na wala naman sa pinapanood namin na movie yung atensyon ko. Andito kami ngayon sa bahay nya.

"Ha? h-hindi okay lang."

Nanatili naman sya nakatingin sa akin.

"I'm wondering what you ate thinking right now."

Sumubo ako ng popcorn at tumutok ulit ang mata ko sa malaking screen.

"Wala." tipid ko na sagot.

Nagkibit balikat lang sya at inakbayan ako. Sumandal naman ako sa dibdib nya. How I wished we always be like this, laging magkasama at walang ibang inaalala. Hindi na rin napagusapan yung nangyari sa opisina nya, and I think mas nakakabuti iyon sa aming dalawa.

"Wait here honey, tatawag lang ako sa Bechtel." tumango lang ako at tuluyan ng lumabas si Theo ng entertainment room. Isang oras na ang nakalipas at tapos na rin yung pinapanood namin. Nainip naman ako kaya napagpasyahan ko na puntahan si Theo sa kwarto nya pero wala sya roon, pumunta din ako sa garden pero ni anino nya ay wala.

Saan kaya sya nagpunta?

Naglakad lakad pa ako sa hallway at nagbaka sakaling makasalubong sya. I tried to call his phone pero busy iyon mukhang may kausap nga sya sa cellphone.

Pero sa kakalakad ko ay naligaw na ata ako sa mansyon nya. Hindi naman kasi talaga ako pala gala dito, ngayon nga lang dahil hinahanap ko sya. Naagawa naman ang atensyon ko ng isang pinto. It was color red, sa mga nakahilerang pinto sya lang naiiba at may nakalagay sa harap na 'keep out'. Aalis na sana ako pero nacurious ako kung ano ang meron sa loob, nagpalinga linga ako dahil baka may makasalubong ako na kasambahay pero sa lawak ng mansyon ni Theo, marahil ay hindi na sila magagawi dito.

Hinawakan ko ang knob ng pinto at huminga ng malalim. Bigla akong kinabahan pero mas nanaig ang kuryusidad ko na makita kung ano ang laman sa loob ng kwartong iyon.

Nag pihitin ko iyon ay nakakagulat na hindi man lang ito naka-lock, paano na lang sa isang tulad ko na natutukso makapasok sa kwarto na ito. Dahan dahan ko itinulak ang pinto, bumungad sa akin ang isang malinis na kwarto para itong opisina, malinis at maayos ang gamit sa loob mukhang hindi naman ito pinapabayaan. Sa isang gawi ay may isa pang pinto, at tutal nandito na rin naman ako bakit hindi ko na lubusin ang pamamasyal.

Lumapit ako sa pinto na iyon at ipinihit ang pintuan hindi rin iyon naka-lock nang buksan ko iyon ay nagulat ako sa akin nakita, hindi ako nakagalaw at bigla akong kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan. Inilibot ko ang paningin ko sa loob at lalo lang ako kinabahan sa ginawa ko.

Sa dingding at nakakabit ang ibat-ibang litrato at ang nasa litratong iyon ay ako!

Nilapitan ko iyon at tinignang mabuti, malalaman mo na matagal na kuha ang mga iyon ang iba roon ay kuha pa nung madalas pa ako mag jogging sa Circle. May mga larawan ako na kasama ang mga katrabaho ko at sila Suzy at Delly.

Bakit may ganito si Theo?

Kahit kailan ay hindi nya ako dinala sa kwarto na ito at hindi ko alam na may koleksyon sya ng mga litrato ko. Ang nakakapagtaka pa ang mga litratong iyon ay kuha noong hindi pa kami magkakilala kaya paano sya nagkaroon ng ganoon?

"What are you doing here!"

Napakislot ako ng marinig ko ang boses ni Theo. Nakakagimbal at rinig na rinig iyon sa apat na sulok ng kwarto. Matalim din ang mga mata nya na nakatingin sa akin.

"T-theo..."

Mabilis ang hakbang nya papunta sa akin at hinablot ang braso ko.

"Nakita mo naman 'di ba ang nakalagay sa pinto bakit ka pa rin pumasok!" sigaw nya sa akin.

Mas lalo ako natakot sa inaakto nya parang hindo sya si Theo na nakilala ko. Huli ko syang nakita na ganito ng hablutin nya si Hannah palabas ng opisina nya.

"Tell me!" pagyugyog nya pa sa akin. Hindi ako makapagsalita, hindi rin ako makakilos. Marami ang tumatakbo sa isip ko. Hanggang sa hindi ko namamalayan na umiiyak ba pala ako. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Theo, lumuwag ang pagkakawahak nya sa braso ko at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry... I didn't mean to shout..." pero nagmamalabis na ang mga luha ko.

"B-bakit ako may mga litrato sa kwarto na ito?" lakas loob ko na tanong. "Kilala mo na ba ako dati?"

Hindi naman sya makatingin ng diretso sa akin, akmang magsasalita sya pero itinitikom lang nya ang kanyang bibig. Bigla tuloy nagbalik sa akin ang mga alaala ko bago kami nagkakilala ni Theo. Ang mga pagkain na natatangap ko sa opisina, ang pakiramdam ko na palagi na lang may sumusunod sa akin, ang mga tawag sa hindi ko kilala na numero at ang pagsunod nya sa akin sa mall.

Pilit akong kumawala sa pagkakayakap nya at sinulyapan ko pa ang mga litrato ko sa dingding. Iba't ibang angulo sa iba't ibang lugar at lahat iyon ay hindi ko alam na ako ay kinukuhanan.

Mas lalong nadagdagan ang inis ko kay Theo. Parang hindi ko na sya kilala, marami syang nililihim sa akin kung hindi pa ako magagawi dito ay hindi ko makikita ang mga ito.

"Tell me Theo... bakit ka may mga litraro ko? Alam ko na alam mo na hindi pa tayo magkakilala sa nga panahon na yan!" nanginginig ang nga kamay ko. Hindi naman sya sumagot tumingin sya sa akin ng saglit at agad din na nag iwas.

Pinaghahampas ko sya sa dibdib nya pero hindi naman sya natinag.

"Ano! Theo! sabihin mo!" ng wala ako makuhang sagot ay humakbang na ako paalis pero pinigilan nya ang braso ko.

"I'm sorry..."

Hindi ako sumagot hinintay ko syang magsalita.

"I'm stalking you."

"I know that I've fallen for you from the first start we met." pagpapatuloy pa nya.

"Saan tayo unang nagkita?" hindi ko mapigilan itanong.

Tumingin sya sa akin tsaka yumuko.

"At the park... Quezon City Circle..."

Quezon City Cirle?

Doon ba kami unang nagkita? Paano at kailan? Bakit hindi ko maalala.

"Kailan?"

"Two years ago."

Ikinagulat ko ang narinig ko, tama ba na dalawang taon na ang lumipas?

"Two years? sa circle?" pilit ko na inaalala ang pagtatagpo namin.

"I have wounds at ginamot mo ako."

Sa isang saglit ay isang eksena ang naalala ko. Sa circle isang lalaki na halos nakahandusay na sa semento at naliligo na ito sa dugo, hindi ko alam kung pinagnakawan ba sya at pinagtulungan bugbugin na kung sino man. Agad ako lumapit sa lalaki na iyon at ng makita ko ang mukha nya ay hindi mo maiwasan maawa, natakot ako pero mas nanaig ang konsenya ko na tulungan ito.

"I-ikaw ang lalaki na puno ng sugat?"

Tumango lang si Theo.

"Yes, I'm that guy. That you help two years ago," lumapit sya sa mga larawan sa dingding at tinitigan ito.

"That time my life is a mess and I rather die than to live, but you change it Eve. You give me a reason to stay in this sh*tty world."

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon