Chapter Twenty Four
"Eve pinapatawag ka ni Mr. Salcedo, akala ko ba okay na report mo?" tanong ni Suzy sa akin.
Okay naman ang report ko. Pwera na lang kung may sinabi si Theo kay Mr. Salcedo at Mr. Hermoso na hindi ko alam baka siniraan nya ako. Agad ako pumunta sa office ni Mr. Salcedo. Kinakabahan ako, hindi ko kasi alam kung ano pinagsasabi ng Theo na 'yon.
"Ms. Galvez, regarding your presentation, Mr. Betchel was really impressed."
Impressed naman pala ano kaya problema?
"But he said he want to clarify some things and he want to meet you again. I think tonight? It's the only time that Mr. Betchel is free." seryosong sabi ni Mr. Salcedo.
Letse! ka Theo! pinapahirapan pa talaga ako, ayoko na sya makita.
"Sir, I think It's much better if Andy will represent our company. After all, I'm done explaining the presentation, with regards for further details si Andy na lang since he is the Marketing head."
"But it's Mr. Betchel request. And we have to pleased our clients, Ms. Galvez I believe you can do this."
Wala na ako nagawa kundi ang tumango. Sinabi ni Mr. Salcedo na kokontakin na lang ako ng secretary ni Theo. Bwisit!
At ito nga 6 o'clock sharp andito na ako sa Restaurant na sinabi ng sekretarya nya, hindi pa ako pumapasok sa loob. Kung ako ang papipiliin hindi talaga ako pupunta. But I have no choice since I need this job.
Agad ko na hinanap sya sa loob ng restaurant sinabi ko pa sa waiter na nagpareserve si Mr. Betchel, Itinuro naman nya ang isang VIP room, at andoon na nga ang siraulo, nakaharap sa laptop nya.
"Mr. Betchel, ano na naman drama ito?" mataray ko na tanong.
But he just looked at me and pointed the chair across him.
"Ms. Galvez, take a seat. I need to ask you something regarding your proposal." seryosong sabi nya, kita mo ito bipolar! so purely business lang talaga ang pagpunta ko dito?
The next happen I'm explaining everything to him,paano ba naman hindi sya nakikinig sa akin noon nakaraan. Eh, inulit ko lang yung presentation ko!
I exit my presentation and looked at him.
"I'm done, sir Betchel. Do you have any questions?"
Tinignan pa nito ang mga notes nya tsaka tumingin sa akin.
"None.Let's call it a day."
Tumango lang ako. Pero nakakapanibago ang awkward lang dahil kahapon kasasabi lang nya ng dahilan kung bakit sya nawala tapos ngayon he act as if nothing happen.
"Thank you sir, mauna na po ako."
Tumango uli sya pero hindi na ako tinapunan ng tingin. Kaya tumayo na ko at lumabas ng VIP area ng restaurant. Lumingon pa ako sa entrance ng restaurant pero walang Theo na lumabas. Nanlumo tuloy ako at sa hindi malaman na dahilan nalungkot ako. Pero bakit naman ako malulungkot?
Nang makalabas na ako bigla naman bumuhos ang ulan. Wala halos dumadaan na taxi, tapos nag price surge pa ang grab at uber. Nagtitipid pa naman ako kaya sa halip na makauwi ng maaga nakatayo lang ako sa harap ng restaurant.
"Eve? You're still here?" sabi ng baritonong boses na nasa likuran ko. Niligon ko sya at tinuro ko ang malakas na ulan.
"Nagpapatila pa ako sir."
"Ihahatid na kita." umiling naman ako, nakakahiya kaya! tsaka hindi pa naman friendly ang mood nya kanina kaya nakakailang.
"Okay na po ako sir, hihinto rin naman yung ulan."
BINABASA MO ANG
Mine Series: Theo Betchel (Completed)
General FictionEve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone she didn't know. (COMPLETED)