Chapter Nineteen

20.5K 362 16
                                    

Chapter Nineteen

"Anong issue nyo dalawa? alam ko na parehas kayo binisita ng nakaraan nyo, pero pwede ba mag enjoy naman tayo ngayon naku! mapapaanak talaga ako sa inyong dalawa!"

Last night is a nightmare for me, but I didn't know na pati rin pala si Suzy.
Nalaman ko kay Delly na ex ni Suzy si Mr. Joshua Ibañez.

"Ano? tatanga lang ba tayo dito? Eve? sa ating tatlo kayong dalawa ang maraming pwedeng gawin."

Nagtalukbong naman ng kumot si Suzy.

"Ayoko, kayo nalang ni Eve ang lumabas buntis."

"Saglit lang Delly mag aayos lang ako, 'wag ka na masyadong mastress."

I quickly fix myself nakaligo na rin naman ako at nakapag agahan na. Isang kulay green na tshirt ang suot ko at short.Gusto kasi ni Delly ba maglakad lakad sa dalampasigan para makalanghap ng sariwang hangin alas-otso na at hindi pa naman ganoon kainit ang araw.

"Kamusta ka naman Eve? Hindi ka na masyadong nagkwento kagabi." Delly asked while were walking along the shore.

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari pati yung malalamig na tingin ni Theo at ang tungkol sa kanila ni Hannah.

"Grabe yang Hannah na yan! Ang landi!"

"Matagal na yun patay na patay kay Theo." sabi ko.

"Teka nga Eve hindi kaya na-coma ng matagal iyang si Theo at nagka amnesia hindi ka na nya maremember."

"Ha? Grabe telenovela lang?"

"Naku! 'Wag mong ipag walang bahala ang mga ganyang angles."

"Guilty lang 'yon kasi iniwan ako kaya nagpapangap na hindi ako kilala. Sarap nga sampalin eh." nangigil ko na sabi.

"Bakit hindi mo sya kausapin para may closure."

"Para saan pa? Para masaktan uli? He seems contented and happy with Hannah."

"Para nga malaman mo ang nangyari." Bigla napalingon si Delly sa kung saan at sinundan ko naman ng tingin. Sana pala hindi na lang ako tumingin.

It was Theo and Hannah. Hannah wears a white two piece bikini bumagay sa maputi nyang balat, while Theo is wearing a white shirt and blue board short.

What a view.

Theo strides with confident, he become more intimadating than before his well built muscles compliment his body. Sabay sila naglalakad ni Hannah at nagtatawanan. Ang sakit. Until now I'm still affected.

"Hay... ang sakit sa mata bes wag ganern!" pukaw sa akin ni Delly.

"Alam mo Eve kung ayaw mo tanungin hayaan mo na s'ya ang magsabi sa'yo."

"At paano ko naman gagawin iyon? ha hindi nga ako kinakausap."

Ngumisi naman si Delly at parang may pina plano.

"Believe me Eve, 'di ba mga one week din yung mga business partner na mag stay dito?"

"Oo, yun ang sabi nila."

"Tara balik tayo sa cabin baka makapatay ka na eh," hatak sa akin ni Delly. Hindi ko naman mapigilan tumingin sa gawi nila Theo and I saw him looking at me pero umiwas din.

So, who you ako ngayon?

Umirap naman ako kahit hindi nya nakikita. Nang makabalik kami sa cabin nadatnan namin si Suzy na kausap si Mr. Ibañez, tinatarayan ito ni Suzy.

"Layas! Andyan na mga kaibigan ko."

"Ay! Teka day, ang taray. Good Morning Sir Ibañez." magalang na bati ni Delly.

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon