Chapter Four

33.3K 646 4
                                    

Chapter Four

Theo

Sounds familiar may naging kaibigan na ba ako na Theo ang pangalan? Tinignan ko pa sya na nakatayo sa taxi bay hanggang sa makalayo na yung taxi.

Nakakapagod ang araw na ito tapos nadapa pa ako. Pero bakit ba kasi ang O.A ko lumayo kay Theo. Actually he doesn't look like a bad guy, tsaka baka gusto nga lang nya talaga makipagkaibigan sa akin pero weird kasi eh, kailangan pa ba na habulin ako.

Dumiretso ako banyo at naglinis ng katawan medyo masakit pa yung gasgas sa tuhod ko. Nagpapalit ako ng pantulog at natulog na.

Kinaumagahan ay medyo tanghali na ako nagising madalas bago mag alas otso ay gising na ako at nagluluto ng agahan. Pero ito ako ngayon at tamad na tamad. I decided to browse my facebook account ng may mag pop out na notification na meron akong message.

Theo: Hi!

Sinundan ito ng friend request, ng tignan ko ang profile, It was a garden na may fountain sa gitna. Really? isang lalake tapos garden yung display profile? Wala din syang friend aside from me at halatang baging gawa ang account.

I type my reply.

Me: Hi! Theo :)

Theo: How's your bruises?

Me: Okay lang makirot pero keribels ko :)

Theo is typing...

Theo: I'm sorry...

Me: Para saan?

Theo: Natakot ka sa'kin.

Me: Haha! Ikaw kasi eh. Teka? Bahay mo yan? sosyal! ah! may fountain bakit yan ang DP mo?

Theo: I'm not really familiar in facebook, and yeah I'm here in my garden.

Me: Ganda naman dyan! Gusto ko pumunta!

Pabiro ko na sagot, mukha naman kaso talagang maganda sa bahay nya. Matagal bago sya nagreply.

Theo: Do you want? I will fetch you.

Matagal bago mag sink in sa utak ko yung sinabi nya. Susunduin daw nya ako eh, hindi nga nya alam kung saan ako nakatira. Hindi na ako nagpaalam sa kanya at nag logout na lang ako sa facebook ko.

I decided na maglaba na lang ng damit. Hindi na muna ako lalabas tsaka masakit pa sugat ko.

Sa gitna ng paglalaba ko at sunod sunod na pagkatok ang narinig ko. Wala naman ako iniexpect na bisita, nakakapagtaka lang dahil parang hindi makapaghintay yung nasa labas.

"Sandali lang!"

Pagkapihit ko ay nagulat ako sa taong nasa harap ko.

"Theo?"

"Hi" nakangiti nyang sagot sa akin. Nakakagulat lang.

"Sandali... paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Hindi ko napigilan itanong.

Ngumiti lang uli sya sa akin yung ngiting nakakaloko.

"You gave your address to me don't you remember?"

Napakunot naman ang noo ko. Wala akong maalala na sinabi ko ang address ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako ng dirediretso syang pumasok sa bahay na parang close na kami.

"Are you ready?"

Napakunot naman ang noo ko sa tanong nya.

"Ready? saan? I mean for what?"

"I will tour you." nakangiti nyang sabi habang relax na relax na nakaupo sa sofa nagawa pa niyang ipatong ang paa sa lamesa.

"Huh?May usapan ba tayo?"

Biglang lumungkot ang mukha nya pero ngumiti uli. Lumabas tuloy yung dimples nya.

"You said you want to check out my garden."

So, yung garden pala tinutukoy nya.

"Ah... Gets ko na ngayon talaga? as in now na?"

He nodded.

"Okay, teka magbibihis lang ako." at agad akong umakyat sa taas. Mabilis lang ako nagbihis. Pagkababa ko ay nasa pintuan na sya at hinihintay ako. Nagulat naman ako ng bigla nya ako hawakan sa kamay at hilain palabas.

"Nagmamadali?"

Huminto kami sa isang kotse na sa tingin ko ay sa kanya dahil agad nya binuksan ang passenger seat at pumasok naman ako agad.

Teka? Bakit ang dali ko naman ata sumama sa kanya agad? kahapon lang nadapa ako dahil sa kakaiwas sa kanya tsaka sigurado ba ako na dadalhin nya ako sa bahay nya?

"I know what you're thinking, but trust me I will not harm you." bigla nyang sabi.

"Mind reader ka ba?"

Natawa naman sya sa sinabi ko.

"You're too transparent." sabi nya habang nagmamaneho.

"Just trust me Eve."

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon