Chapter Nine

25K 485 2
                                    

Chapter Nine

Maarte daw  ako sabi ng mga katrabaho ko. Bakit daw hindi ko pa sinasagot si Theo. Masyado daw ako nagmamaganda, if I know ingit lang sila kahit naman kasi ako hindi ako makapaniwala na ang isang Theo ay magkakagusto sa isang plain na katulad ako.

Hindi naman ako impokrita, syempre natutuwa din ako. Lalo na ilang beses nya ako hinihintay sa uwian para lang ihatid sa bahay. At iyon ang kinaaayawan ko nasasanay na kasi ako. Tulad na lamang ngayon na uwian na, madalas sa entrance pa lang ng building makikita ko na yung sasakyan nya na nakaabang pero ngayon wala ni anino ng sasakyan nya.

Naghintay pa ako ng kaunti, hindi ko alam para saan siguro dahil nageexpect din ako minsan kasi nagtetext sya na susunduin ako, nang silipin ko ang cellphone ko wala syang message.

"Uy... Inaantay nya wala si pogi." tukso ni Suzy.

"Tse! Hindi no, gumagawa ka ng issue."

"Lokohin mo lelang mo Eve. May pupuntahan ka ba? Pasyal muna tayo sa Mall. Ikot-ikot lang tayo." pag aaya nya sa akin.

Napaisip naman ako bigla.

"Sige, wala naman ako gagawin eh."

"Tama! wala naman yung sundo mo na si Pogi!"

At pumunta nga kami sa mall para mag window shopping. Kung ano-ano boutique ang pinasok namin.

"Grabe! Gusto ko talaga yung dress na yun kaso grabe ang mahal, imagine three five para sa ganoong kaigsi na damit. Hay... never mind."

"Eh, branded naman yun eh," sabi ko na lang. Nakaramdam na ako ng gutom. Kaya agad ko inaya si Suzy.

"Saan mo gusto Suzy?"

"Kakasweldo lang natin girl! Kain naman tayo sa mamahalin." ugali na talaga ni Suzy itreat ang sarili nya kung sa damit pwede nya tipirin sa pagkain hindi.

"Try natin dyan." sabay turo ni Suzy sa isang kilalang restaurant. Without thinking twice pumasok na kami. A staff ushered us inside. Umupo kami malapit sa Glass wall.

Agad na nagbigay ng menu ang waiter.

"Ang shala girl!"

"Mag water na lang ako." pgbibiro ko, after namin ibigay ang order, nagexcuse si Suzy na mag aayos lang saglit, pero bago nya ako iwan ay kinalabit nya muna ako.

"Friend hindi ba si pogi yun?" Sinundan ko ng tingin yung sinsabi ni Suzy. It takes a second ng marealize ko kung sino yung tinutukoy nya.

It was him, Theo.

Across him is a girl, I can't see the face. But the girl has a blonde hair and she's wearing a red dress. Theo is smiling, mukhang maganda yung pinaguusapan nila dahil parang hindi nila alam yung nangyayari sa paligid.

Nakaalis na si Suzy, but I'm still looking at them. Hindi ba nya nararamdaman na may tumitingin sa kanya?

Bigla tuloy ako nawalan ng gana. But it will be obvious kung aalis kami. Isa pa nakaorder na kami.

Kaya ba wala sya kanina para sunduin ako?

So, sino yung babae? Is she important? Maybe,dahil kung hindi sana sya ang kasama ko at inihatid na nya ako sa amin.

Nakabalik na si Suzy at kumain na kami. Panaka naka din ako tumitingin. Buti na lang at naubos ko ang pagkain na sa pakiramdam ko ay walang lasa. Inaya ko agad si Suzy na umalis na doon. Mukhang hindi naman napansin ni Theo yung presensya namin.

"Eve." tawag ni Suzy, I know what she's trying to say. Pero ayoko muna iyon pansinin.

Nasa entrance na kami ng restaurant ng mapalingon ako sa kinaroroonan ni Theo. At nagulat ako ng nakatitig na sya sa akin. Kaya napalingon din yung babae sa pwesto ko.

At ang ganda nya... bagay sila. I smiled at him tsaka tumalikod.

Suzy and I walked fast, hatak ko ang kamay nya.

Peste!

Bakit naman kasi dito ko pa sya nakita. Bakit ba parang big deal kung hindi nya ako nasundo.

Bakit may ka-date sya na babae?

Bakit nya ako niligawan?

Nakakaasar peste!

"Eve."

"I'm sorry Suzy, Mauna ka na may dadaanan pa ako." hindi na nagtanong pa si Suzy at nauna na nga sya akin.

Naiwan tuloy ako na hindi alam ang gagawin. Bakit nga ba ako nagpaiwan? Naglakad lakad na lang ako ng makakita ako ng bench na mauupuan agad ako umupo. Ang daming gumugulo sa isip ko.

Theo the dread gorgeous good looking guy, who courted me is now missing in action and then makikita ko na lang na may kadate ng iba. Wow just wow...

"Eve."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Boses pa lang nya alam ko na sya 'yun. Paano naman nya kaya ako nakita dito.

"Theo." I faked a smile, bahala na kung mahalata nya.

"What are you doing here?"

What are you're doing your face Ikaw pa talaga nagtanong.

"Nakaupo." nakakaasar ang sunod na ginawa nya tumawa lang sya. Bakit ba ang gwapo pa rin nya kahit halata naman na buong araw sya na sa labas bakit ang fresh pa nya? Dahil ba sa ka date nya kanina.

"I see,may pupuntahan ka pa ba?"

Nakakainis na parang wala lang nangyari, na parang hindi lang naman nya ako sinundo ngayong araw. Tapos nakita ko sya na may ka date na iba pero ito sya at relax na relax.

"Actually, I'm waiting for someone."

"Oh, is that Suzy? Asan na pala sya." palinga linga sya na prang hinahanap nga si Suzy.

"Hindi, Ibang tao." at kinuha ko ang cellphone ko, kunwari may katext ako. Bakit ba ayoko isipin nya affected ako sa hindi nya pagsundo sa akin.

"Iba?"

"Oo, iba, susunduin nya ako." I really emphasized the word para matamaan sya.

Bigla syang tumahimik at hindi na sumagot pa nang tignan ko sya, ay seryoso lang syang nakatingin sa akin. So, ako pa ba dapat ang makonsensya?

Tumayo na ako palayo sa kanya. Nang biglang mahagip ng mata ko ang siang pamilyar na mukha. Agad akong lumapit sa taong iyon at hinawakan ang kamay nya.

"Denver! Bat ngayon ka lang." sinadya ko iparinig kay Theo. Si Denver naman ay gulat na gulat din. Umangkla ako sa balikat nya at walang lingon na tumingin kay Theo.

Quits na kami.

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon