Chapter Seven
"Eve, kain na tayo, mukhang nanawa na yung admirer mo sa kapapadala ng food sa'yo ." Napalingon ako kay Delly, dalawang linggo na rin ako hindi nakakatangap ng pagkain mula sa secret admirer ko daw.
Aaminin ko na nasanay na ako at minsan hinihintay ko talaga kung ano naman ang bago namin makakain. Hindi na nga ako nagbabaon eh, malaking tipid talaga pero ito nga at hindi na nagpapadala nanawa na nga siguro.
Paano ba kasi, paano ko ba sya mapapasalamatan kung hindi sya nagpapakilala kahit pangalan ay hindi ko alam, tapos nagsawa na agad sya?
And another thing almost one week na rin ako hindi nakakatangap ng text message mula kay Theo, siguro busy sya.
"Hoy! Eve, tulala ka naman kanina ka pa namin kinakausap." kalabit sa akin ni Suzy, hindi ko alam kung anong topic wala kasi ako gana.
"Ha? Pagod lang ako."
"Weh? 'di nga?"
"Pwede ba kumain na lang tayo." aya ko sa dalawa.
"Well... kanina pa kami kumakain ni Suzy, ewan ko lang sa'yo wala pang bawas pagkain mo." at tama nga si Delly hindi ko pa nagagalaw yung pagkain ko.
Akma na ako susubo ng mag ring ang cellphone ko, nagexcuse ako kay Delly at Suzy para sagutin ang tawag. Tinignan ko ang screen at pangalan ni Theo ang naka appear.
"Hello?"
"Hi, Eve, it's been since we last talk, I'm just busy,well... yayain sana kita mag lunch out sabay na tayo." dire diresto na sabi ni Theo.
Ewan, ko ba parang kinilig ako sa tawag nya, saglit pa lang kami magkakilala pero nung hindi sya nagtetext sa akin. ay namiss ko talaga sya. And for some odd reason, I agree to meet him for lunch out. Ibibigay ko na lang kay Suzy yung lunch ko since hindi ko pa naman nababawasan.
"Thank you, malapit na ako, ten minutes away."
Agad ako nagpaalam kay Delly at Suzy, binigyan naman ako ng dalawa ng ngiting may malisya. Hindi ko maintindihan pero na excite ako makita si Theo.
Sa labas ng building ay nakatayo na ako para madali lang nya ako makita, Isang itim na sasakyan naman ang huminto sa harap ko at ng ibaba nito ang bintana nakita ko ang nakangiting si Theo.
Lumabas sya at umikot sa kabilang pinto ng sasakyan para ito ay buksan.
Agad naman ako sumakay."Where do you want to eat?" tanong nya sa akin, I looked at him and what I saw is he is very tired, though he still manage to look good.
"Wala ako alam na resto. Ikaw na bahala pumili basta edible. Tsaka, malapit lang dito para makabalik din. ako agad." pagbibiro ko.
"Okay, I will bring you to Basil."
Tamang tama naman at malapit nga lang itong pagkakainan namin. Pagkapasok namin sa restaurant ay agad kaming dinala sa isang reserved table. Nakapagpareserve na pala si Theo.
Agad kami binigyan ng menu, halos manlaki amg mata ko ng makita ko ang presyo ng mga pagkain isang dishes pa lang naghahalaga na ng mahigit limang daan. Sa huli pinili ko na lang yung medyo pamilyar.
"Hey... kamusta ka." tanong ni Theo sa akin.
"Ayos, naman. Mukhang busy ka nga talaga, tignan mo mukhang stressed out ka." and I'm not joking, he really looked so tired.
"Sobrang madami lang inaasikaso. Buti nga at nakatakas pa ako." pagbibiro nya.
Napaisip tuloy ako kung ano trabaho nya.
"Businessman ka ba?"
"Pwede na din."
Nagtaka naman ako sa sagot nya.
"Anong pwede na rin?"
"I don't like managing business but I have too. My dad want me to be his successor." Hindi ko tuloy mapigalan maintimidate, kunsabagay sa itsura ni Theo,hindi sya mukhang ordinaryong mamamayan.
"Bakit ano ba ang gusto mo?"
"I'm a Civil Engineer."
Namangha naman ako. "Wow, Engineer ka pala. Ano ba nature ng negosyo nyo?"
"I manage chain of hotels."
"Ahm... hindi na rin nalalayo?" hindi rin naman ako sure, pero parang hindi nga related. Nakita ko naman sya na ngumiti.
"Eve?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin, and it was Denver. Who looked surprised seeing me, napadako rin ang tingin nya kay Theo at bigla naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.
"Denver, ano ginagawa mo dito?"
"I'm also want to know what you're doing here?"
"Ahm... obviously, I'm eating lunch? Theo si Denver ka work mate ko, Denver meet Theo--"
"Eve boyfriend."
Nagulat ako sa sinabi ni Theo, bigla naman napakunot ng noo si Denver, ngumisi rin ito at parang hindi nagustuhan ang sinabi ni Theo.
"Really? Is that true Eve?" Hindi ko naman alam ang gagawin, madali lang naman sabihin na hindi kami ni Theo. Pero parang may nagsasabi na 'wag ko nang subukan tutulan ang sinabi nya. Sa ilang sigundo na hindi ako sumagot ay nagsalita na si Denver.
"Mauna na ako, kita na lang tayo sa office Eve." tumango lang ako at walang lingon na umalis si Denver.
"Bakit mo naman sinabi 'yon."
Ngumiti lang si Theo habang nginunguya yung kinakain nya mukang tuwang tuwa pa sya sa nangyari. Ano naman kaya ang trip nya.
"Well... actually I saw him a while ago, tinitignan ka nya sa malayuan. Masama ang tingin nya sa akin. Ayoko naman gumanti sa ganoong paraan kaya ayan."
"Kaya sinabi mo na boyfriend kita?"
Tumango naman sya. "You didn't deny it, so he assume that we were a couple."
"Ewan ko sa'yo."
"Nanliligaw ba 'yon sa'yo?"
"Oo."
Bigla naman sya natahimik sa sinabi ko ng tignan ko sya ay seryoso na ito.
"You should avoid that guy."
"At bakit naman?"
"Basta."
"Ganoon lang walang dahilan? Iiwasan ko lang sya?"
"If you only knew the way he looked at you. He's dangerous."
"Dangerous? look Theo, bago lang din tayo na magkaibigan, oo, at hindi rin ako nagtiwala sa'yo nung una pero tignan mo naman."
"Don't compare him to me." malamig na sabi nya.
Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. Sinilip ko ang wrist watch ko at meron na lang ako na g
fifteen minutes bago makabalik sa office. Bakit ba ganito si Theo, kung makareact sya akala nya kilala nya si Denver.Ibinaba ko ang kurbyertos at isinukbit ang bag ko nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Theo
"I'm done, balik na ako sa office."
"You're done? Hindi mo pa nakakalahati yung pagkain mo."
"Busog na ako."
"Okay, ipapabalot ko na lang."
"Ikaw bahala mauna na ako malelate na ako."
"Ihahatid na kita." pagpupumilit nya.
"No, kaya ko na." at naglakad ako palabas ng restaurant na iyon.
BINABASA MO ANG
Mine Series: Theo Betchel (Completed)
General FictionEve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone she didn't know. (COMPLETED)