Chapter Six
"Can I court you Eve?"
Napanganga ako sa sinabi nya, tama ba narinig ko o nabingi lang ako.
"C-court?" tanging nasabi ko na lang. Nakatitig lang sya sa akin na para bang hinihintay ang susunod ko na sasabihin. Naaning na ang lalaking ito we just met yesterday tapos ligaw agad?? Naka droga ba sya.
Isang mahabang katahimikan ang namayani hanggang sa napangiti sya pero hindi naman iyon umabot sa mata nya.
"Never mind, I'm just kidding do you want to watch some movies?" pagiiba nya sa usapan.
"Ah... si-sige, tama nood na lang tayo ng movies." at tumayo na agad ako sabay diretso sa pinto hindi ko na sya hinintay at nauna na akong naglakad. Pero napahinto ako kasi hindi ko naman alam kung saan kami manonood. Lumingon ako at nakasunod lang sya sa akin ng tahimik.
"Lalabas ba tayo?"
"Nope, sa entertainment room ko tayo manonood."
Nakapamulsa sya at naglalakad kasunod sa akin. Hindi ko madescribe kung ano itsura nya pero one thing that I am sure is, parang wala lang yung sinabi nya kanina. O, mas maganda sabihin binalewala na lang nya iyon.
Binuksan nya ang isang pinto, ito yung sinasabi nya na entertainment area. Para talaga syang mini theatre, hindi ko tuloy matigilan hindi humanga sa nakikita ko. Ang alam ko talagang mayayaman lang ang nakakaafford ng ganito. Dahil sa tipikal na bahay ng pinoy wala namang entertainment area
"Ang ganda naman dito, kung may ganito sa bahay ko hindi na ako manonood ng sine sa labas."
May pinindot sya at nag appear sa screen ang mga title ng movies.
"Ano gusto mo panoorin?" tanong nya sa akin."Gusto ko nakakatawa." Agad naman sya may napili at umupo sa tabi ko.
Tahimik lang kami nakatingin sa screen at ang awkward sa pakiramdam. Hindi rin sya nagkokomento kahit sobrang nakakatawa na yung palabas, habang ako tawang tawa. Feeling ko tuloy hindi nya gusto yung mga ganitong klase na palabas o wala talaga syang humor.
Bigla naman nag ring at cellphone ko, lumabas sa screen ang pangalan ni Denver at agad ko iyong sinagot. Nakita ko naman na bumaling si Theo sa pwesto ko tumayo ako at lumayo sa kanya ng kaunti.
"Napatawag ka." bungad ko.
"Yayain sana kita Eve mag mall kung wala ka naman gagawin." diretsong sabi ni Denver.
"Pasensya na Denver, andito kasi ako sa bahay ng friend ko." Naramdaman ko na napatingin sa gawi ko si Theo at habang nakatingin sya sa akin ay hindi ko maipaliwanag ang itsura nya para syang naiinis na hindi ko mawari. Pero bakit naman sya maiinis? Dahil ba maingay ako sa pagsagot ko sa phone ko?
"Eve." oo, nga pala kausap ko si Denver.
"Ahm... ano nga ulit ang sabi mo?"may sinasabi sya kanina sa kabilang linya pero wala doon ang atensyon ko kundi kay Theo, ewan pero parang ang gwapo nya tignan pag ganoon sya tumingin. Nakakapanghina ng tuhod.
" Sinong kaibigan yung pinuntahan mo?"
Sasabihin ko ba? Eh, hindi rin naman nya kilala.
"Highschool friend, sorry Denver but I have to hang up. Bye!" at pinatay ko agad ang cellphone. Pakiramdam ko kasi dapat ko na tapusin ang tawag.
"Sorry maingay ako." agad ko na paliwanag kay Theo ng makabalik ako sa tabi nya.
"Who called?" nakakunot ang noo nya na tanong.
"Katrabaho ko." kailangan ko pa ba ielaborate? kung sino o anong relasyon sa akin nung tumawag?
"Why?"
"Wala, nagaaya sana mag gala." tipid ko na sagot tsaka tinuon ang mata ko sa harap ng screen. Hindi na rin naman sya nagtanong. Pero narinig ko na bumubulong sya hindi nga lang malinaw kung ano ang sinasabi nya.
"Ano sabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Nothing." Nakatingin sya sa pinapanood namin na movie pero alam ko na wala rin naman doon ang atensyon nya. Nasa kalagitnaan na kami ng panonod ng kumatok yung kasambahay nila.
"Sir, andito po si Sir Jonas, may ibibigay lang daw." kumunot naman ang noo ni Theo at tumango lang sa kasambahay.
"I'll leave you here for awhile." paalam ni Theo pero nung bubuksan pa lang niya ang seradura ng pinto ay bumungad na dito ang isang mestisong lalake nakangisi sa kanya.
"Bro!" nag fist bump sya kay Theo pero hindi naman ito pinansin ng huli.
"Tss... still the grumpy Theo." Ngingisi ngisi lang ito hanggang mapatuon ang tingin nito sa akin. Inaninag nya ang itsura ko na para ba kinikilala nang biglang nanlaki ang kanyang mga mata na patang gulat na gulat.
Bakit naman kaya parang nakakita sya ng aparisyon. Ngunit ng magsalita ito ay doon na ako lalo nagulat.
"Eve? What Eve's doing here?"
Kilala nya ako? Paano?
Gusto ko magtanong pero hindi ko alam kung ano at saan ako magsisimula
"Jonas." madilim ang mata ang ipinukol ni Theo kay Jonas.
"Ha!ha! I'm just kidding! Hey! Nice to meet you lady, anyway I'm Jonas, Theo's friend." sabay lapit nya sa akin at inilahad ang kamay nya. Kahit nakakahiya ay nakipagkamay ako hindi mawala sa isip ko na nabangit ng lalaking ito ang pangalan ko.
"Anyway I just drop by to give this file to you personally." baling nya kay Theo na nagiba na ang aura. Ibingay nya dito ang isang brown envelope.
"So, I gotta go. Bye," sabi nya kay Theo sabay paalam na din sa akin, tsaka nagmamadaling lumabas sa kwarto na iyon.
"Theo, paano nya nalaman yung pangalan ko?" hindi ko mapigilan itanong.
"I texted him earlier that I'm with you, I'm sorry if I did not introduce him to you properly." paliwanag nya. Kahit nanghihinala ako ay tumango na lang ako bilang pag sang ayon.
Talaga ba na hindi ako kilala ng Jonas na iyon? Pero binangit nya ang panagalan ko.
Note: I appreciate votes, likes Comments and suggestion
BINABASA MO ANG
Mine Series: Theo Betchel (Completed)
General FictionEve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone she didn't know. (COMPLETED)