Chapter Two
"Eve, may delivery ka na naman oh." untag sa akin ni Delly ng makarating kami sa pantry, inaabot nya sa akin ang paperbag na may nakatatak na kilalang restaurant.
Ilang linggo na rin ang nakalipas nang makatangap ako ng mga pagkain na dinediliver bago ako mag lunch. Hindi ko kilala kung sino ang nagpapadala noong una ay natakot ako dahil pagkain pero nung tumagal ay kinakain ko na rin iyon dahil naghihinayang ako ang dami kasi hindi lang si³ya pag isang tao kaya binibigyan ko din ang mga katrabaho ko.
"Naks! Iba talaga alindog mo Eve, 'kaw na!" sabi ni Suzy.
"Pakulay nga ako ng buhok katulad sa'yo Coffee brown dyan mo ata naakit secret admirer mo eh!" singit pa ni Delly.
"Grabe.. parang hindi pa kayo nasanay na araw-araw may nagpapadala ng pagkain sa akin."
"Syempre, hindi ka ba nagtataka kung sino nagpapadala nyan? mukhang mayamanin kasi. Ang torpe nga lang hindi man lang magpakilala."
"Hi, Eve."
Napalingon ako sa tumawag sa akin si Denver pala. Katrabaho ko na naka-assign sa Audit department. Isa sa masugid ko na manliligaw.
"Si Eve lang binati? Andito rin kami ni Suzy."
"Hi Delly, Hi Suzy."
Napailing lang sila Delly at Suzy.
"Nag lunch ka na? Sabay ka na sa amin." Aya ko.
"No, thanks katatapos ko lang mag-lunch. Anyway." tumingin muna siya kay Delly at Suzy na agad naman nagkunwari na busy sa kanilang cellphone. Pero ang totoo makikinig lang naman sila sa pag uusap namin ni Denver.
"Ano 'yun?"
"Pwede ba kitang ihatid mamaya?"
Wow. sa tagal nyang nanliligaw ngayon lang niya ako inaya na inahatid.
"Kung wala kang dadaanan."
"Okay, sige."
Nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya. Abot tenga pa ang ngiti.
"Salamat. Eve." Pagkatapos nun ay umalis na siya.
"Ganoon lang 'yun Eve? Pumayag ka agad?"
"Ano ka ba Suzy? Malay mo si Denver pala ang nagpapadala ng pagkain kay Eve. Siya lang naman masugid na maniligaw eh"
Tama si Delly noon pa man ay may hinala ako na si Denver ang nagpapadala ng pagkain sa akin. Pero hinala pa lang naman.
"Imposible na si Denver yun. Ang mamahal kaya ng pagkain puro sa kilalang restaurant. Hindi afford ni Denver 'yun mauubusan siya ng budget." Paliwanag pa ni Suzy.
"O.A mo Suzy ihahatid lang naman. Wala naman akong nakikitang masama. Tsaka grabe sa hindi afford yung food." nagkibit balikat na lang si Suzy at bumalik na rin kami sa aming department.
Sakto Alas-singko ng makita ko si Denver na hinahantay ako sa labas ng building kasabay ko naman sila Suzy ay Delly. Panay ang tukso ng dalawa sa akin dahil hinihintay ako ni Denver.
"Ayiee... ayan na yung sundo niya." pangaasar sa akin ni Suzy.
"Ewan ko sa'yo, sige na mauna na kayo ingat." agad akong lumapit kay Denver na prenteng nagaantay.
"Gusto mo ba muna mag snack?" tanong nya habang papunta kami sa sasakyan niya. Infairness, First time ko makasakay sa kotse nya.
"Ok lang pero wala ako maisip kung saan pwede, may alam ka ba na pwedeng kainan?"
"Hmm... yeah. Daan muna tayo sa Mall." agad naman ako tumango at dumiretso kami sa Mall. Kumain kami ng Nachos at Popcorn talagang literal na snack lang. Ayos na rin dahil marami din akong nakain lalo pa at may rasyon ako ng pagkain. At hindi ako nakakasigurado kung si Denver iyon.
"Salamat Eve, pumayag ka na ihatid kita." kasalukuyan na namin tinatahak ang daan papuntang car park nang sabihin nya iyon. It was a quick stroll dahil nga may pasok pa kami bukas.
"Wala yun." At least nakatipid sa pamasahe.
"Now I know na favorite flavor mo pala ang barbecue sa popcorn. It's nice to getting know you."
"Ngayon alam mo na."
"Hindi na ako mahihirapan suyuin ka." I fake a cough nung sinabi niya iyon ang awkward lang kasi. Sinisingit na naman nya yung tungkol sa pangliligaw niya. Kanina ko pa napapansin na parang nagpaparinig siya o feeling ko lang iyon.
"Are you okay? Bili tayo ng tubig." Sabay hawak niya sa braso ko.
"No, I'm fine. Let's go uwi na tayo."
"Aray!" Gulat napasigaw si Denver. May dumaan kasi na isang lalake sa pagitan namin literal na nasa gitna namin, kahit may space naman na lakaran.
Sinundan ko iyon ng tingin. Pero likod na lang niya ang nakita ko at humalo na siya sa karamihan.
"Ayos ka lang Eve?"
"Medyo, ang lakas ng impact eh." totoo naman buti nga hindi ako natumba. Pero medyo masakit nga lang sa braso.
"Gago 'yun ah." galit na sabi ni Denver at hinanap rin ng mata niya yung lalake pero wala na talaga.
"Huwag mo ng pansinin 'yun."
"Pero nasaktan ka. Ang lawak lawak ng daan sa gitna pa talaga natin dumaan!"
I never thought na ang tahimik na Denver ay ganito magrereact. I touched his hand to calmed him, and with a blink nag bago agad ang aura niya.
"Uwi na tayo 'wag mo ng pansinin 'yun." Tumango siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Nine o'clock na ng maihatid ako ni Denver sa apartment, nagkukuwento sya ng kung ano-ano pero hindi iyun nagsi sink-in sa utak ko. Buti na lamang ay hindi niya nahalata.
Halos pasalampak akong humiga sa sofa. Kung pwede nga lang na huwag ng maghilamos kaso nagkaka-pimple ako agad. Good thing na rest day ko bukas.
Agad ako naghilamos at nagpalit ng damit pantulog. Binuksan ko ang tv at nag scan ng mapapanood kaso wala naman nakakainterest panoorin kaya I decided to watch movie na lang since may mga bago akong download. Seryoso akong nanonood ng movie ng biglang mag ring ang cellphone ko, hindi ko na tinignan kung sino iyon dahil ang madalas lang naman na tumawag ay si Suzy o Delly, minsan naman sila papa o mama.
"Hello."
Pero wala ako narinig sa kabilang linya kundi ang paghinga lang.
"Hello?" ulit ko ng hindi pa sumagot ay tinignan ko kung sino ang tumawag pero 'di ko kilala dahil number lang.
"Hello? Denver ikaw ba yan?" hindi ko alam kung bakit ba si Denver ang naisip ko eh, meron naman siyang number sa akin.
"Fuck!" sagot sa kabilang linya na ikinagulat ko.
"Ano? Hello? hello?!" pero binaba na pala niya. I dialled the number and I heard it ring, hindi ito sinagot agad pero hindi ako tumigil hanggang sa sinagot ito.
"Hello? Sino ka ba? Where did you get my number?"
"I have my ways." Isang baritonong boses ang sumagot. And ang ganda ng boses nya para siyang dj sa radyo. At sa accent niya hula ko ay hindi siya pinoy. At iyon pa talaga ang napansin ko Matagal bago ako nakasagot.
"Who's this?"
"Not now." ang ganda talaga ng boses niya ang sarap pakinggan siguro nakikipag phone pal siya, teka? uso pa ba 'yun?
"Sige na sabihin mo na please..." sinadya kong lambingin ang boses ko. Kaso hindi siya sumagot.
"Eve." sabi niya pero teka? paano niya nalaman ang pangalan ko.
"P-paano mo nalaman pangalan ko?" pero wala na pala siya sa kabilang linya. Tingnan ko ang number at sinave sa phone ko.
Kilala ako ng taong iyon pero hindi ko siya kilala. Malabong si Denver iyon dahil malamang sa halip na ibaba ang phone ay kakausapin ako nya ako.
Nakatulugan ko na lang ang pagiisip kung sino man yung lalake na may magandang boses.
BINABASA MO ANG
Mine Series: Theo Betchel (Completed)
General FictionEve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone she didn't know. (COMPLETED)