Chapter Twenty eight

20.9K 378 28
                                    

Chapter Twenty eight

Isang buwan at dalawang linggo na ako dito sa Pandan, Antique. Yes, I make sure na hindi magpunta sa common na lugar. Who will thought that I will end up here?

Lalo na dito muna ako sa resort pansamantala. Masarap sa pakiramdam na ang bubungad sa'yo ay sariwang hangin at amoy ng dagat. Sobrang aga ng mga tao gumising dito wala pa ata alas singko. Karamihan sa kanila ay mangingisda na makikita mo hindi kalayuan sa resort.

Ininom ko ang mainit init na kape na aking itinimpla. I never felt this peace noong nasa Manila ako. Wala pa akong balita kasy Suzy the last time that I texted her is noong nakadating ako dito.

"Ma'am Eve." napalingon ako ng tawagin ako ni Manang Ester isa sya sa mga staff ng resort. May bitbit syang dyaryo.

"Palagay na lang dyan Manang." ngumiti ito at iniwan ako.

Binasa ko naman ang dyaryo tumambad sa akin ang malaking headline.

BUSINESS TYCOON THEO BETCHEL IS ENGAGED!

Paulit ulit ko binasa ang headline wala ng iba pang sinabi. Nakalagay doon ang malaking litrato ni Theo.

Nakamove on na sya agad agad?

Bakit? Iyon din naman ang ginagawa ko. Pero bakit ang sakit naman at at sino naman yung babae?

It's not Hannah for sure.

Wala sa loob ko na krinumple ang dyaryo at itinapon. Naglakad lakad ako sa may baybay.

Ito naman ang gusto mo 'di ba Eve? Then bakit ka nasasaktan? Akala ko magiging okay na ang lahat. Napaupo ako sa buhanginan at tinignan ang alon ng dagat. It was peace and relax. Kung pwede nga lang na ganito palagi. Nakaramdam naman ako na parang may tumitingin sa akin, inilibot ko ang paningin ko sa paligid at wala naman akong nakita kundi ang magilan ngilan na tao pero nasa malayo naman. Weird.

Ipinikit ko na lang ang mata ko at dinama ang hangin, pero kasabay din nun ang pagbagsak ng mga luha ko.

Shit! I still love him.

Patayo na ako ng biglang may nag takip ng panyo sa ilong ko at bago pa ako makasigaw ay nandilim na ang paningin ko.

Nakakarinig ako ng mga alon. Katulad ng kanina. I feel relaxed and safe.

Safe?

Napadilat ako ng mata at natagpuan ko ang sarili ko sa isang kwarto. Kaya naman pala dinig na dinig ko ang alon dahil ang malaking bintana at nakaharap dito. Tatayo sana ako, ngunit nakatali ang kamay at paa ko. Nanlaki ang mga mata ko. Sino ang gagawa nito sa akin?

A memory flashback, kung paano ako sabunutan at saktan ni Hannah. It can't be. Wala na sya dito sa Pilipinas.

"Tulong!" sigaw ko, I need to get out here. Biglang bumukas ang pinto at napaawang ang bibig ko ng makita kung sino iyon.

Theo

"What happen? Are you okay?" he asked. He looked worried.

"Ikaw?" tanong ko sa kanya.

"What happen Eve." lumapit sya sa akin at umupo aa gilid ng kama.

"Ikaw ang kumidnap sa akin?"

Napahinto naman sya at tumango.

"Bakit? Bakit mo ito ginagawa? Bakit nakatali ako?"

"I'm sorry Eve, natatakot lang ako na tumakbo ka at iwan uli ako." he started untying me.

"

I'm sorry..." bulong nya.

"Ano na naman ba Theo?" napalunok ako. I know na niloloko ko lang ang sarili ko kung sasabihin ko na hindi ko sya namimiss. But I stop myself to hug him.

"We need to talk Eve. About us. I give you time and space, but I can't mababaliw na ako sa kakaisip sa'yo. I know where you are pero pinigilan ko ang sarili ko na habulin ka dito. I think one month is enough. Let's stop this."

"Anong pinagsasabi mo?" bigla ko naman naalala ang nakasulat sa dyaryo.

"Tigilan mo na ako Theo, engaged ka na!" masakit sabihin pero iyon naman talaga ang totoo.

Natigilan sya at tinitigan ako.

"Saan mo naman nalaman yan at sino ang nagsabi sa'yo?"

So, totoo nga.

"Nabasa ko sa dyaryo kanina."

Napabuntong hininga lang sya at lumapit sa akin. Sumilay naman ang ngisi sa mukha nya na ipinagtaka ko.

"Come hug me."

"Tigilan mo ako Theo. Hindi ako natutuwa." bigla na lang nya ako hinapit at niyakap ng mahigpit.

"You're just jelous... but you don't have to." tinulak ko sya palayo pero mahigpit ang yakap nya.

"Tama na nga Theo."

"Eve... I just said that because it's true I'm engaged."

Tignan mo ito pinagmalaki pa. Ouch lang... sige pa saktan mo pa ako.

May kinuha sya sa bulsa nya. Isang velvet box. Binuksan nya ito at bumungad ang isang makinang na singsing simple lang ito at wala masyadong bato.

"Do you like it?"

Hindi ako sumagot. Kinuha nya ang kamay ko at isinuot sa daliri ko ang singsing na ikinagulat ko.

"I'm engaged to you Eve."

"Ano na naman ba ito Theo, tama na pwede ba." akma ko tatangalin ang singsing ng pigilan nya ako.

"The news reporter asked me if I'm engaged. And I just said the truth. I'm engaged to you, iyon nga lang ngayon mo pa lang malalaman." nakangiti nyang sabi.

"Eve, I'm sorry for what I have done. Babawi ako... lalo na't naayos ko na ang problema sa kompanya and Hannah is not here anymore. Let's start anew."

Hindi naman ako sumagot. Muka naman sinsero sya sa sinasabi nya. Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Eve... I love you..."

Niyakap ko naman sya ng mahigpit. Siguro naman ay time na din namin ang sumaya. Yumugyug naman ang balikat nya ng tignan ko sya ay umiiyak na ito.

"I love you too, Theo."

There's no need to lie. I really love him and I miss him too. I missed him so much. Isang buwan lang ang nakalipas pero pakiramdam ko ay taon na. Tama sya pwede kaming magsimula muli.

Wala ng hahadlang pa.

Humiwalay ako ng yakap sa kanya.

"Tangal na ba ako sa trabaho? o pwede pa yung indefinite leave ko?"

He chuckled. I miss him pag ganyan sya.

"Hindi kita tinangal di ba nga nakaleave ka. And afterall pwede naman na hindi ka na pumasok. Mapapangasawa mo na ako."

Hinampas ko naman sya sa balikat nya.

"Sino may sabi sa'yo na kailangan ko huminto." hinapit na naman nya ako at niyakap ng mahigpit.

"I miss this... Alam mo ba na ang hirap na tanawin ka lang sa malayo."

Napakunot naman ako ng noo.

"Akala ko ba alam mo lang kung saan ako pero hindi mo ako sinundan."

"Well..." napakamot naman sya sa batok. " I actually looking at you from afar everyday. Lalo na sa umaga." umamin din ang loko. Well, I thought na hindi nya ako hinanap pero Theo is Theo.

Ako naman ang humapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon