Chapter Fourteen

22.3K 402 10
                                    

Chapter Fourteen

Tumahimik lang ako at hinayaan si Theo na mag kwento.

"I don't care if I die that day. Handa na ako." malungkot sya na tumingin sa akin.

"Pero ng tulungan mo ako, biglang nagbago iyon sa isang iglap. Hinanap kita. Nahirapan ako nung una pero nakita din kita."

"Ikaw yung nagpapadala ng mga pagkain sa akin sa office?" tumango lang si Theo.

"Ikaw yung tumatawag sa akin na unknown number?" hindi na nya ako sinagot. Hindi talaga ako makapaniwala, all this time?

"Eve..."

"Wait lang Theo, hindi ko maintindihan." Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.

"Tama nga yung sinabi ni Hannah. Hindi kita ganoon kakilala."

Inilibot ko ang paningin ko sa lahat ng litrato na nakadikit sa dingding.

"A-alis na ako." pagpapaalam ko.

"Wait. Eve, you don't have to leave, tatangalin ko na lang ang mga ito."

"Gusto ko magpahinga at huwag mo na rin ako ihatid." dali dali ako umalis sa mansion ni Theo and I'm glad na hindi na nya ako sinundan. Pagkadating ko sa bahay agad ako dumiretso sa kwarto at humiga sa kama. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyari. Tumunog ang cellphone at nakita ko ang pangalan ni Theo.

Pahinga ka, we will talk tomorrow.

I texted him back na ayoko muna makipagusap. Hindi na rin sya nagreply.

Kinaumagahan ay mabilis akong kumilos para makapasok sa opisina, sinadya ko na mas maaga ang gising ko dahil alam ko na susunduin ako ni Theo. Pinatay ko din ang akin cellphone para hindi ako makabas ng message o makatanggap ng anumang tawag galing sa kanya.

"Hoy! Eve! anong pag iinarte ang ginagawa mo." tanong sa akin ni Suzy, katatapos lang ng lunch. Hindi ko nakasabay si Suzy dahil nag lunch out daw ito kasama ang bago nyang boyfriend.

"Pagiinarte?"

"Si Theo, kanina ka pa hinihintay sa labas sabi ng guard three hours na daw si Theo andoon."

"Hindi ko naman sinabi na hintayin nya ako."

"LQ ba kayo? Bakit?"

At para wala ng tanong pa si Suzy ikinuwento ko ang lahat nang nangyari.

"Anong kinakainis mo dun? nakakilig nga ang gwapo ng stalker mo!"

Napabuga tuloy ako ng hangin ano ba naman ang aasahan ko kay Suzy na naging team Theo na.

"It makes sense na hindi ko talaga kilala yan si Theo. Natatakot ako nahindi totoo lahat ng pinapakita nya sa akin, kung hindi ako napunta sa kwartong iyon hindi ko malalaman."

"Eh, bakit ayaw mo kausapin. Kawawa kasi kung nakita mo lang."

"Hindi pa ako handa, sige na may tatapusin pa ako."

Naging busy ako sa nagdaang oras ayaw ko kasi muna madistorbo ng presensya ni Theo. Sana nakaalis na din sya. Eksaktong ala singko ng tumayo ako at nag out.

Paglabas ko ng building ay nakita ko si Theo na nakasandal sa sasakyan nya. Nagliwanag at mukha nya ng makita ako at tinakbo ang distansya sa aming dalawa.

"Bakit andito ka?" kahit ang totoo ay naawa ako sa kanya. Mukhang kanina pa sya andito o pwede din na umalis din sya kanina.

"Eve, let's talk. 'Wag mo naman gawin sa akin ito."

"Sabi ko sa'yo huwag mo muna ako kausapin." pagmamatigas ko pa.

"I will do everything para mapatawad mo ako yung mga litrato mo sa kwarto na yun ay tinangal ko na." lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit hindi ko naman tinugon ang yakap nya pero nakaramdam din ako ng awa.

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon