Chapter Twenty Nine

21.1K 379 13
                                    

Chapter Twenty Nine


"What is this place?" takang tanong ko kay Theo.

Andito pa rin kami sa Antique. Pero dinala nya ako sa isang lugar na hindi ko alam na pwede pa lang itayo doon.

Ngumiti lang sya sabay halik sa noo ko.

"Ano ba yan? Parang lola lang." pagmamaktol ko. Natawa naman sya kaya hinapit nya ako at hinalikan sa labi.

"Good boy," natatawang sabi ko. Inangkla ko ang kamay ko sa braso nya habang naglalakad kami.

I never felt this good pagkatapos ng mga nangyari sa amin. I swear to God, that Theo will be my last at kung ano mang bagyo ang dumating handa ako para harapin 'yon.

Huminto kami sa isang napakalaking bahay. It's a modern house in the middle of rice field. Sa sobrang ganda nya ay hindi ko maitago ang excitement ko na pumasok sa loob at silipin kung ano pa ang naroon. Tumingin ako kay Theo at masaya siyang nakatingin sa akin.

I don't want to expect. Gusto ko na sya mismo ang magsabi sa akin. May namumuo ng haka haka ang isipan ko.

Iginiya nya ako papasok sa loob; at hindi ako nagkamali napakaganda nito. Mula sa ceiling kung saan nakasabit ang chandelier hanggang sa floor tiles na tinatapakan ko.

"Ang ganda..." nasabi ko na lang.

Theo chuckled.

"Mas maganda ka." hinawakan nya ang pulsuhan at hinatak papunta sa kung saan.

"Saan mo ako dadalhin mister?" pagbibiro ko.

"Kikidnappin ka." patol naman nya.

"At saan mo naman ako itatago huh?" umangkla ako sa braso nya.

"Eh, di sa puso mo." sabay kurot nya sa pisngi ko.

"Eeww.." nandidiri ko na sagot.

"At bakit ka naman nandidiri ha? Parang kagabi lang halo---"

"Shut up!" tinakpan ko ang bibig nya. Tumawa lang ang mokong. Kailangan pa ba nya ipaalala 'yon?

"Ang cute mo talaga Eve."

"I hate you..."

"Hate agad?"

Nagpatiuna ako kahit hindi ko alam kung saan papunta.

Nakita ko naman ang isang garden sa dulo kaya nagmadali akong pumunta doon.

At ang ganda nga, ang daming bulaklak na nakatanim ay sunflower at orchid. Meron pang man made na water falls. Ang ganda ng pagkaka landscape. It was well planned.

"Grabe!"

"Did you know that I bought this lot four years ago." simula ni Theo.

"Talaga?" apat na taon ang nakalipas.

"I hired someone to look after this place. Kahit na sa Paris ako ay sinisigurado ko na ginagawa nila ng tama ang trabaho nila."

"Bakit?"

Tumingin si Theo sa akin at ngumiti.

"I build this for us Eve, for our future family."

Nagulat ako sa sinabi nya. Sa mga panahon na akala ko ay kinalimutan na nya ako ay nagpatayo sya ng bahay dito sa lugar na ito.

"Bakit dito sa Antique?"

Sumilay naman ang mga ngiti sa labi nya.

"Remember our first anniversary?"

Tumango ako. Kaya pala.

"Paano kung hindi tayo nagkatuluyan?" pang aasar ko.

"I will find ways. Babalik ka sa akin alam ko 'yon." Niyakap nya ako ng mahigpit at ganoon din ang ginawa ko sa kanya.

"Aw.. Theo,"

Bigla syang kumalas sa yakap ko at may kinuha sa bulsa nya.

"I don't know how to ask this... Or is there a good way to ask this."

"Ha?"

Bigla syang lumuhod sa harap ko at binuksan ang isang velvet box.

"Marry me Eve, let's build a family. Punuin natin ng tawanan nang bata ang mansion na ito."

Hindi ako makapaniwala. Theo is asking me to marry him. Tinignan ko ang mukha nya na hanggang ngayon ay nagaabang ng isasagot.

How can I say no to you Theo.

You are my life.

Chasing is over.

"Yes,"

"What?" gulat na tanong ni Theo.

"I said yes. I will marry you Theo." I kissed and hug him.

"Wait." sabi pa nya.

"Ha?"

"Wear this first." isinuot nya sa akin ang singsing.

"Sorry, naexcite ako." natatawa kong sabi.

At niyakapa ako ng mahigpit ni Theo.

"Now you're really mine."





Hi! Salamat sa pagboto at pagbabasa ng Mine. Kung alam nyo lang kung gaano ako kasaya tuwing may nagmemessage ng update at gusto ang kwento na ito. Kahit hindi ako ganoon kagaling magsulat. Malapit na po itong magtapos at gusto ko lang ipaalam na may bago akong story. Same plot kung iyon ang matatawag at sana ay suportahan nyo rin :)

Theo and Eve will cross over sa ibang story.

Salamat 😘

~@airishfleur





Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon