Special Chapter

22K 332 12
                                    

Chapter 2.1


"Ano kaya mo pa ba?!" Isang malakas ba suntok ang natangap ko. Hindi na ako makakilos, pilitin ko man lumaban ay hindi ko na kaya. Hindi lang suntok at sipa ang natangap ko sa kanila, pinagpapalo din nila ako ng matigas na bagay. Pinapaubaya ko na sa kanila ang kapalaran ko.

I'm tired.

Kill me if they want. I don't care about my life now.

Sunod sunod na suntok at sipa ang natangap ko. Masuwerte lang sila at natyempuhan nila ako na mag isa. Pero kung kasama ko sila Jonas, malamang at wala ako sa sitwasyon ba ito. Ayoko na rin naman sayangin ang lakas ko sa kanila.

Nakakasawa din pala.

Pati ang panahon ay nakikisama sa kanila dahil umulan pa ng malakas. Dahil gabi na, wala na masyadong naglalakad na tao dito sa park. Kahit roving guard.

"Ano tuluyan na natin 'to?"

"Wala 'yan sa sinabi ni boss, basta ang sabi nya pahirapan lang sya."

Nakaramdam pa ako ng isang malakas na sipa.

"Tara na!"

Narinig ko na lang ang mga yabag nila na papalayo sa akin.

Tsk! They should kill me already. Because I will definitely hunt them. Kung sino man tanga ang nag utos nito mananagot sya.

Iyon ay kung makakabangon pa ako dito. How I hate my life.

I wish I never been exist.

Damn! Hindi na ako nakakaramdam ng thrill. Everyday is just a routine. I might be selfish but I don't see a relevance why I'm still here.

Money can buy anything. But it can't buy contentment.

Ganito ba talaga ang nararamdaman pag malapit ng mamatay?

Nakarinig ako ng yabag papalapit sa pwesto ko. I think they back to end my life.

"Dyos ko!" narinig kong sabi ng babae. Hindi ko makita ang mukha nya masyado dahil sa ulan at sa sugat sa mata ko.

"Mister!"

Damn! Bakit mo ako kinakalabit, my body hurts! Hindi ba nya nakikita.

Naramdaman ko na hinawakan nya ang pulsuhan ko.

"Mister kapit lang."

Naramdaman ko na pinunasan nya ang mukha ko. Dahilan para makita ko ang itsura nya kahit hindi ganoon kalinaw.

Shit! Anghel ba sya? Susunduin na ba nya ako?

"Huwag kang pipikit! Tatawag ako ng tulong dito ka lang."

Tsk! Do you think I can run with this condition? Damn that angel!

Hindi ko na kaya at bumibigay na rin ang paningin ko. Babalikan pa nya ako? Nakaramdam muli ako ng mga yabag narinig ko muli ang boses nya. Alam ko na may kasama na sya at may sinasabi sila pero hindi ko na maintindihan. Tuluyan na pumikit ang mga mata ko.

"Kilala mo ba sya miss?"

"Hindi po, nakita ko sya dito habang nag dya jogging. Please manong pakibilisan. Dalhin na natin sya sa hospital.

~•~

I felt something on my hand, hindi ko alam kung ano iyon. Nakakarinig din ako ng taong nag uusap. Nasaan ba ako?

I slowly open my eyes, at dumungaw sa akin ang puting kisame. I look at my left side, only to see three people standing meter away from me.

Lumingon ang isang babae. Sya yung anghel na lumapit sa akin.

Sandali nasaan ba ako?

"Gising na sya dok!" nagmadaling lumapit ang babae sa akin. Kasama ang dalawang nakaputi.

"Hello," nakangiting sabi nya.

Hindi ko tuloy napigilan ang pagngiti. I'm not like this to stranger.

Lumapit ang doktor sa akin at chineck ako. I want to punch him, dahil hindi ko makita yung babae, paano nahaharangan nya.

May sinabi pa sya pero wala akong maintindihan. Hindi ko rin maibuka ang bibig ko. Mabuti na lang at natapos na ang doktor kaya nakalapit na sa akin ang babae.

"Hi, may pupunta na daw dito mamaya sabi ng nurse." malambing na sabi nya.

Gusto ko syang kausapin pero walang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko sya tanungin pero bakit ganito walang lumalabas kahit ni isang salita.

"Huwag mong pilitin magsalita,  magpahinga ka na."

At tuluyan na nya akong iniwan. Hindi man lang nya sinabi kung ano ang pangalan nya.

But I have this feeling na magkikita pa kami. I will find way.

See you soon my angel.

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon