Chapter Seventeen

20.1K 395 13
                                    

Chapter Seventeen

Starting all over

After Four years...

"My gahd! nakakaasar naman wala pa akong susuotin sa Thanks giving night natin, ikaw Eve meron ka na bang damit?" kunot noong tanong ni Suzy sa akin.

Kanina pa sya hindi mapakali dahil itong darating na Sabado na ang thanks giving night na taon-taon ginaganap at ngayon nga ay araw ng lunes.

"Meron na ako."

"What?! hindi mo man lang ako sinama sa pagbili."

Umiling naman ako.

"Hindi ako bumili. I have an old long black dress, iyon na lang ayoko na gumastos eh,"

"Seryoso? kunsabagay ayusan ka lang ayos na."

"Tama ba narinig ko may damit na yab si Eve?" papunta sa pwesto sa amin si Delly na tila hindi buntis kung maglakad.

"Magdahan dahan ka nga Delly, madapa ka dyan kami pa sisihin ng asawa mo."

Si Delly naman ay dirediretsong umupo sa swivel chair na parang walang sinabi si Suzy.

"Eh, swimsuit meron na ba kayong dalawa?" nagkatinginan naman kami ni Suzy.

"Wala." sabay pa namin na sagot.

"Ano ba yan? daig ko pa kayo eh! ako nga meron kahit kasing laki na ng pakwan itong tyan ko."

Ang Thanks giving party kasi ng kumpanya ay gaganapin sa Punta Bulata, Negros Occidental. Inupahan nito ang buong resort lalo pa na ika-30 anibersaryo kaya talagang pinaghandaan.

"Iyon naman pala daan tayo ng Mall mamaya." aya ni Suzy.

"Sure,wala naman ako gagawin after eh. sama ka buntis?"

"Naku! gustuhin ko man ay susuduin ako ng pinaka mamahal ko na asawa."

After nga ng trabaho ay dumiretso kami ni Suzy sa Mall ilang boutique din ang pinasok namin mahanap lang nya yung damit na gusto nya pagkatapos nun ay nag hanap na kami sa swimwear section ng department store.

"Ay! Okay na sa akin itong red two piece! ang ganda excited na ako suotin Eve."

"Bagay naman sa'yo kasi mestiza ka, eto okay na sakin itong royal blue maillot."

"Ang taray! tama lang yan! para may makapansin sa atin na the boys ang balita kasi pati at mga partner at kasosyo imbitado."

"Eh! di maganda let's do some boy hunting." at nagtawanan lang kami ni Suzy.

Pagkaraan ng apat na taon wala na akong naging karelasyon. But my life has never been boring. Siguro nga everything happens for a reason, mas nagkaroon ako ng oras sa ibang bagay naghanap ako ng mapag kakaabalahan isa na doon ang Baking, Pole dancing at Calligraphy. Sabi nga nila Suzy at Delly ako na daw ang Jack of all trades pero ang kaunti pa nga lang nun.

Mabilis dumaan ang araw ng Sabado lahat kami ay nasa airport na ng Silay-Bacolod, kalalapag lang namin at kasalukuyan hinahantay ang shuttle na maghahatid sa amin sa Punta Bulata. Maguubos lang naman kami ng tatlong oras sa byahe pero hindi na rin namin iyon mapapansin dahil masaya ang mga kasama ko walang dull moments.

Nang makarating kami sa resort ay sumalubong na sa amin ang simoy ng dagat. Hindi kasing pino ng boracay ang Punta Bulata pero maganda sya masarap tumalon at lumangoy sa dagat.

"Palit na agad tayo ng swimsuit!" aya ni Suzy.

"Naku! huwag maawa ka Suzy sa mata namin!" pagbibiro ni Timothy na isa sa mga katrabaho namin.

"Ang kapal ha! pag nakita mo katawan ko, who you ka sa akin!"

at nagtawanan ang lahat.

"Ms. Galvez."

Agad akong lumingon sa likod at nakita ko si Denver, umismid ako sa kanya na ikinatawa naman nya.

"Ang sungit!"

"Bakit may pa Ms. Galvez ka pang nalalaman."

"Joke lang naman 'yun, anyway ikaw date ko mamaya." sabay kindat pa nya.

Umangkla naman ako Denver at tumango.

"Opo sir."

"Ehem! grabe ang sweet." parinig ni Delly.

"Ano ba yan Eve, 'wag kang magpa exclusive kay Denver 'di ba mag boys hunting pa tayo mamaya." sabi ni Suzy.

Sinamaan ako ng tingin ni Denver.

"Tama ba narinig ko Ms. Galvez? magboboys hunting kayo? Gusto mo bigyan ko kayo ng memo?"

"Asus! ayan nanakot na naman, power tripping na yan Denver ah, porket napromote ka na General Manager."

Tumawa lang si Denver. He still courting me up to now. Huminto sya at nanligaw muli ilang beses ko binasted pero pursigudo talaga sya. Kaya naman plano ko na sya sagutin ngayon gabi.

Siguro naman ito na ang tamang panahon para magmahal muli.

"Bakit nakangiti ka." tanong sa akin ni Denver.

"Secret."

"Tss... mamaya hihintayin kita. Gusto mo ba na sunduin kita sa kwarto mo?"

"Huwag na kita na lang tayo mamaya basta text kita." sabay kindat ko kay Denver na ikinailing na lang nya. Dumiretso naman kami tatlo nila Suzy at Delly nagrequest talaga si Delly na magkakasama kami.

"Hoy! Ikaw babae may balak ka ano? Kanina ka pa nakangiti." tanong ni Suzy.

"Wala. Excited lang ako para mamaya, basta tulungan nyo ako sa buhok ko ah."

Suzy and Delly nodded and they started unpacking their things. I'm really excited sino ba naman ang hindi. I deserved to be happy.

Namasyal pa si Suzy habang si Delly ay namahinga na lang sa kwarto dahil mas gusto daw nya matulog. Ako naman ay inihanda ang damit na susuotin.

Eksaktong ala-sais ay naligo na ako at nag-ayos ako na ang naglagay ng make up hindi ko kinapalan ang blush on at eye shadow, pinili ko na lang ang pulang lipstick dahil mas bagay 'yon sa itom ko na damit. Nagpatulong naman ako kay Suzy sa pag kulot ng buhok. Halos tapos na rin mag ayos si Delly na pinili ang mas simple na susuotin dahil nga sa buntis sya.

Napangiti ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Last year ay hindi naman ako nag effort mag ayos ewan ko ba bakit mas feel ko ang magpaganda ngayon.

Dahil sasagutin ko na si Denver.

"Ang taray!" sabay na sabi ng dalawa.

Sabay na kaming tatlo pumunta sa event hall ng resort. Everyone is busy with their business, talagang pinaghandaan din dahil nga pati ang kasosyo at mga partner ay andito din. I saw Mr. Hermoso waving his hand on our direction, agad naman kami pumunta tatlo.

"Ladies, this is Mr. Ibañez, Purchasing head of Emerald. I know you're familiar with Suzy Sandalas."

Ngumiti naman ang morenong lalake sa amin tinangap naman namin ang pakikipagkamay nya, maliban kay Suzy na nagiba ang mood at napilitan na makipag kamay.

"Can we talk for a while Suzy?" tumingin din si Mr. Ibañez sa amin ni Delly.

"Ay!Okay lang sir. Sumama ka na Suzy!" idinaan naman sa biro ni Delly ang pagtataboy kay Suzy na masama ang tingin sa kanya.

Pero sumama din naman kay Mr. Ibañez.

"It's a pleasure to see you Mr. Bechtel." natulos ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko magsalita si Mr. Hermoso. Hindi ako nakaharap sa kanya dahil sinundan ko ng tingin si Suzy papalayo.

"Anyway I want you to meet Delly Rivas of HR Department and Eve Galvez Supervising head of Procurement Department."

Dahan dahan ako umikot at nagtama ang malalamig na mata ni Theo.

Theo Bechtel

Walang emosyon sya na tumango sa aming dalawa ni Delly, na para bang hindi kami nagkakilala.

Where have you been Theo?



Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon