Chapter Twenty One

19.3K 330 23
                                    

Chapter Twentyone

One week has already passed. Pero pinaguusapan pa rin ng mga chismosa ko na katrabaho yung ginawa ni Denver. Nakauwi na kami lahat lahat pero iyon pa rin ang topic.

"Uy! Eve! asan na si boyfie" tanong ni Linda na katrabaho ko.

"Boyfie?" napataas ako ng kilay sa sinabi nya.

"Sino pa ba eh, di si Denver!"

Sinamaan ko s'ya ng tingin kaya napatahimik s'ya.

"Sungit." bulong pa nya bago tuluyan umalis.

"Psst! Eve!" nilingon ko ang tumawag sa akin at walang iba iyon kundi si Delly.

"Saan ka galing?"

"Kapapasa ko lang ng letter, mag leave na ako next week ang bigat na ng tyan ko. Hindi ko na keri maglakad." pagrereklamo nya habang hawak ang tyan nya.

"Kailangan mo na nga mag leave."

"Anyway hinahanap ka ni Denver sa akin. Feeling 'yon alam naman nya na dito ka sa Marketing department makikita."

"Hayaan mo sya, ayoko sya makausap."

"Ma'am Galvez."

"Kuya Itoy," ngumiti ako sa guard namin na may bitbit na paperbag.

"Ma'am para po sa inyo." inaabot nya sa akin ang paperbag na ikinataka ko. Kinuha ko iyon at sinilip ang loob. Isang styro na may tatak na kilalang restaurant ang nakalagay sa loob.

"Saan galing ito kuya?"

"Delivery boy ang naghatid ma'am para daw po sa inyo."

Napatingin sa akin si Delly at nakisilip sa paperbag.

"Sige salamat kuya Itoy."

"Ay! Sosyal! may pa feeding program si Mayor. Wala man lang sulat?"

"For sure galing ito kay Denver."

"Penge nito Eve! Mahal kaya sa resto na 'to."

"Sige kuha ka na, dalhin mo na dun sa pantry."

Sinalansan konang mga papel sa aking table malapit na rin naman mag lunch. Pagkatapos nun ay dumiretso na ako papuntang pantry pero bago ako makarating ay bumungad na sa akin si Denver na nakapamulsa. Alam ko na ako ang kanyang hinihintay.

"Eve."

"Not today Denver." nilagpasan ko sya pero sinabayan nya ako sa paglalakad.

"Lunch out tayo? Sagot ko."

Umiling ako. "Dyan na lang ako sa pantry kakain may baon ako tsaka natangap ko yung pinadeliver mo ba food, Salamat."

"Food?"

"Oo, yung inabot sa akin ni Kuya Itoy kanina.

"Pero hindi ako nagpadeliver ng pagkain sa'yo." napahinto ako sa sinabi nya. Kung hindi sya sino naman ang nagbigay nun?

"Whatever!"

"Eve, sorry na nga. Please forgive me nadala lang ako ng damdamin."

"I know, been there, done that."

"Okay, We will talk kung okay ka na." tumango ako kay Denver at nagpaalam na s'ya.

"Eve! ang sarap ng food, oh? bakit umalis si Denver?"

"Hindi pa kami okay. Tsaka hindi daw sya ang nagpadeliver ng food."

"Ay! Ganun? Sino naman kaya?"

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon