Chapter Twenty Three

18.9K 350 27
                                    

Chapter Twenty Three

"Bakit?"

Nakatitig lang sya sa akin at wala man lang ibang sinasabi.

"Hoy! Galaw galaw!" pagbibiro ko pa.

"I need you,"

"Ha?"

"You said you will massage me." nanguso pa nyang sabi.

"Agad? agad?"

Umiwas sya ng tingin at binitawan ang braso ko.

"If you don't want, then you can go." seryosong sabi nya.

"Ito naman ang bilis magbago ng mood, Sige, ano balik na tayo sa office mo."

"Not here." hinatak nya ang kamay ko, habang ang isang kamay nya ay hawak ang cellphone at may tinawagan. Bigla na lang may humintong itim na sasakyan sa harapan namin, bumaba ang driver nito at iniabot ang susi kay Theo. Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok naman ako, sya naman ay umikot para pumasok sa driver seat.

Tahimik lang sya habang kami ay bumabyahe. Hindi na rin ako nagtangka magsalita, ilang minuto pa ang lumipas at huminto ang sasakyan nya sa isang building.

Lotus Residences

May iniabutan sya ng susi at ito na ang nag drive papasok ng parking lot. Tahimik lang ako na sumunod pinindot naman nya ang number 16 sa elevator. Hanggang doon ay hindi pa rin nya ako pinapansin.

Itinutok nya ang kanyang keycard sa isang pintuan. Agad sya na pumasok at sumunod naman ako. Napakalawak ng condo unit na iyon tatlo ata nga ang kwarto, katulad ng sa opisina nya ay simple lang ito at malinis. Nagsimula naman sya na tangalin ang suit na suot nya kanina at natira na lamang ang puting polo. Isinabit pa nya ito sa sofa.

"Huwag po kuya!" niyakap ko ang sarili ko palayo sa kanya.

Nangunot naman ang noo nya at hindi man lang sumagot. Umiling pa ito tsaka dumiretso sa kusina.

"Joke lang! Ang seryoso mo!" pahabol ko.

Paglabas nya doon ay may hawak na syang baso na may laman na tubig ininom nya iyon at umupo sa sofa.

"Hindi mo man lang ako inalok?"  dumiretso ako sa kusina, ako na ang kumuha ng tubig.

Wala na, wala na talaga yung dating Theo na sweet at caring.

Agad ako umupo sa upuan na kaharap nya.

"Anong gagawin ko?"

Itinuro nito ang noo nya. Oo, nga pala nagpapamasahe nga pala ang isang ito. Bakit ba kasi may ganoon pa akong offer na nalalaman. Pumuwesto agad ako sa likuran nya at marahan na minasahe ang noo nya.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng unit nya ni hindi man lang sya nagpatugtog.

"Make it gentle." utos nya, napapadiin na pala ang pagmasahe ko. Kaasar! dapat may ekstrang bayad ito.

"Asan na ba kasi yung girlfriend mo bakit hindi sya ang utusan mo magmasahe sa'yo?" Seryoso! Eve iyan pa talaga tinanong mo!

Hindi naman sumagot si Theo.

"Alam mo, kaya sumasakit ulo mo kasi ang dami mong tinatago. Let it free Theo, let it go..." pagbibiro ko.

"Since when did you become a joker?"

"Ha? Joke na ba 'yun sa'yo?"

Sinunod ko naman minasahe ang balikat nya. Ano ba ginagawa ko sa lugar na ito? andito ako ang lapit-lapit ko na kay Theo pero pakiramdam ko ang layo layo pa rin namin sa isa't isa.

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon