Chapter Three
"Ang daya! sabi niyo susunod kayo."
"I'm sorry Eve. Alam mo naman si boyfie tampururot na naman."
"Ewan, sige bye na Suzy."
Wala naman akong magagawa, akala ko may makakasama akong umikot dito sa mall but it seems that everybody is busy.
Dumaan na lang ako sa isang bookstore at kahit wala akong balak bumili ng libro ay tumingin lang ako ng mga bagong release.
Busy ako sa pagbasa ng description ng libro ng mapansin ko na may nakatayo na lalake sa bandang kanan ko. He's checking a book , I ignore him and continued browsing the shelf, but I started to feel irritated. I notice kasi na kung saan ako shelf ay doon rin siya. So, I decided to go in another shelf the section was a Comic stand. Nang mapansin ko na yung lalake sa kabilang shelf ay pumunta sa pwesto ko. Kaunti lang kasi ang tao sa loob ng bookstore mabibilang nga sa mga daliri. And hindi ko alam but I felt na sinusundan nya ako.
Kaya ang ginawa ko ay pumunta sa self-help section doon sa mga libro na about pregnancy.
"Why pregnancy book?" rinig kong sabi ng isang lalake. Lumingon ako at nakita ko ang lalake na kanina ay katabi ko lang sa shelf ng comic stand. I gave him that 'You don't care' look kahit hindi ako diretsong nakatingin sa kanya. Bakit ba feeling close sya.
Umiwas ako at pumunta sa ibang shelves. But I felt again his presence. Nakatayo na naman siya sa gilid ko. At natatanaw ko siya sa peripheral vision ko.
"You know what--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ng literal akong napanganga ng makita ko ang itsura niya. Totoo ba siya o imahinasyon? Sobrang gwapo niya o O.A lang ang pagkadescribe ko. Nakatingala lang ako dahil ang tangkad niya.
Nakita ko ang tipid niyang pag ngiti.
At alam ko na nakakahiya ang inasta ko kaya ako na ang lumayo. Feeling siya, por que gwapo siya. Mabilis ako na lumabas ng bookstore. Gusto ko man na lingunin siya pero ayoko na mapahiya.
Napadaan ako sa isang fastfood at agad na pumasok doon at nagorder ng makakain. Tahimik ako na umupo sa pwesto na napili ko habang nagkakalikot sa aking cellphone. Ilang minuto pa lang ang tinagal ko doon ng biglang may tumabi sa akin.
"I hope you won't mind, can I share a seat with you?" Napatingin ako at nakita ko ang lalake sa bookstore kanina. Hindi na ako nakasagot ng ilapag na niya ang tray ng order nya.
Marami naman bakanteng lamesa pero sa akin talaga siya nakishare? Hindi ko na lang siya pinansin at ibinalik ang tingin ko sa cellphone. Kahit iba na ang pakiramdam ko, Parang sinusundan niya kasi ako o masyado lang ako assuming?
"Do you know some tourist spot here in Manila?" Biglang sabi niya, alam ko na ako ang tinatanong niya.
Feeling close talaga agad siya sa akin. Binalingan ko siya ng tingin.
"You should avail some tour services from travel agency, there's a lot of travel agency here and you may check it now using google." mataray kong sagot.
"Ang taray mo naman."
Wow, marunong naman pala magtagalog I ignore him at kinalikot ulit ang cellphone ko.
"I'm just trying to be friendly."
"Look, I'm sorry but I don't talk to strangers and i'm not friendly too." I picked up my things pati na rin yung inorder ko na pagkain tsaka tumayo. Mahirap na baka sindikato ang isang ito.
"Wait!"
Ang kulit hindi ba makaintindi ang isang ito.
"Miss!"
Huminto ako at hinarap sya.
"Leave me alone. Okay?"
"Are you sure?" Tanong nya sabay nakakunot ang noo.
"Of course, I'm sure. You know what you're creeping me out."
"But you left this." tinaas nya ang kamay nya at napatingin ako sa hawak nya. Napanganga ako dahil wallet ko iyun. Siguro naiwan ko kamamadali.
Pahablot ko itong kinuha sa kanya. Nakakainis sya kahit gwapo sya wala pa rin ako tiwala sa kanya.
"Akin na nga kainis ka!"
"Sorry, If I'm creeping you out. I just want to be friendly sana okay lang sa'yo."
"Nagtatagalog ka?"
Tumango ito at ngumiti.
"Mr. Whoever you are pasensya na talaga ha. I don't want to be rude kaso medyo nakakatakot galawan mo kahit pogi ka." halos pabulong ko na bangit sa huli.
"What?"
"Wala." at tumalikod na ako "See you when i see you." sabi ko.
"Wait, ano number mo?"
"Hindi ka ba makaintindi? Nakakatakot ka tapos hihingin mo number ko?"
"Me?Why are you afraid of me." tinuro pa nya ang sarili nya.
Akala nya siguro madadala nya ako sa gwapong mukha nya. Pero hindi sabi nga nila sa kasabihan na kabahan ka pag too good to be true yung pinapakita ng isang tao. Imagine napagwapo nya tapos susunod sunod sya sa akin.
Baka nga front lang nya yan tapos member sya ng sindikato. Human trafficking... tama... dapat lumayo na ako sa kanya.
Tumakbo na ako ng mabilis palayo sa kanya. Pero ng lumingon ako aba't hinahabol pa din ako ni pogi.
Nang may makita ako guard agad akong lumapit doon.
"Kuya may humahabol sa akin na lalake ayun po oh." sabay turo ko.
"Hinaharass nya ako." nakita ko na palapit na sya kaya tumakbo ulit ako nakita ko na lang na kinakausap sya ni kuyang guard agad na akong umalis sa lugar na iyon.
Kaso sa kakatakbo ko natapilok ako at humalik ang mukha ko sa sahig. Nakakahiya... hindi ako makatayo agad dahil sa sakit lalo tuloy ako pinagtinginan ng mga tao nakakaasar. Nagulat na lamang ako ng may umalalay sa akin at ng tignan ko iyon si Pogi na tinatakasan ko. Hindi na ako pumalag dahil gusto ko na umalis sa lugar na iyon lalo pa na halos nakatigin sa akin yung mga dumadaan na tao.
"Look what happen to you. Kung hindi ka sana tumakbo." hinawakan niya ang mukha ko.
"Let's go to the Mall clinic." Hindi na ako sumagot at hinayaan sya na alalayan ako.
Matapos akong gamutin sa Clinic nagoffer sya sa akin na ihatid sa sakayan ng taxi. Akala ko pa naman may sasakyan sya.
"Wala ka bang sasakyan?Akala ko ihahatid mo ako kasi ganito kalagayan ko."
Nakita ko na nangingiti sya. Bakit kaya?
"Do you want me to drive you home?" nakangiting tanong nya.
Gusto ko nga ba?
"Kasalanan ko ang nangyari sayo."
Oo, nga pala kung hindi nya ako hinabol hindi ako tatakbo.
"Okay, sige kahit ako na pumunta sa taxi bay."
Sakto naman na ako ang sunod sa pila.
"Ingat ka Eve."
Napatigil ako. Sinabi ko ba yung pangalan ko sa kanya?
"Okay. bye-- ano nga pangalan mo?
And then he smiled.
"Theo."
BINABASA MO ANG
Mine Series: Theo Betchel (Completed)
General FictionEve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone she didn't know. (COMPLETED)