Chapter Twenty Two
"Theo!"
Patuloy lang s'ya sa mabilis na paglakad. Hindi ko s'ya maabutan pero pabalik s'ya sa loob ng QC Circle. Si Theo 'yun! kaso nga lang bakit hindi s'ya lumilingon.
"Theo!" sigaw ko muli pero papalayo na s'ya sa akin.
Hindi ko na s'ya nakita. Nahalo na rin sya sa bulto ng maraming taong naglalakad.
Basta! Si Theo iyon I'm sure. Kaso wala akong patunay hindi ko na naisipan na kuhanan sya sa cellphone ko. I decided to go home with full of questions on why Theo is following me. Hindi kaya? yung babae kanina ay may koneksyon kay Theo?
It's already past two in the afternoon, when Mr. Salcedo called me to report in his office, he is the Marketing Head of our company, bihira lang din s'ya magpatawag kaya iyon naman ang pinagtataka ko.Kumatok muna ako bago ako pumasok sa loob.
"Ms. Galvez" Tawag sa akin ni Mr. Salcedo pagkapasok ko.
"Good morning sir."
"Take a seat."
Inayos muna ni Mr. Salcedo ang mga papeles nya sa lamesa bago kumuha ng isang folder.
"I want to inform you that we choose you to represent our company in Betchel partner's meeting, that will happen on thursday."
"Po?" sana nga nabingi na lang ako sa narinig ko.
"Yes, Mr. Hermoso personally choose you."
"I'm sorry sir, but I am assigned in Procurement and not in Marketing department, I believe someone is deserved to represent the company than me."
"Exactly, you're in Procurement department. Aside from that this is our way of apologizing to Mr. Betchel."
Natahimik ako sa sinabi ni Mr. Salcedo.
"I think were settled. You can leave now Ms. Galvez." nakangiting sabi ni Mr. Salcedo, wala ako nagawa kundi ang sumunod.
THURSDAY, I almost drag myself to get ready. Sino ba naman ang gaganahan na pumunta sa kumpanyang iyon? Siguro iyong hindi nakakakilala kay Theo. Pero this is my tasked and I have finished this or my career will suffer. I'm wearing a while polo long sleeve and brown pencil cut skirt. Dala ko din ang presentation na pinahiram sa akin ng marketing department. Sinigurado ko na kabisado at alam ko na isasagot, pinagdarasal ko na nga lang sana na hindi si Theo ang humarap sa akin.
Nakita ko naman ang isang lalake na kalalabas lang ng pintuan ng CEO, isa rin sya sa mga nagpresent, ang pinagtataka ko lang kung bakit directly magprepresent sa CEO wala ba syang Marketing head? o mas mababa sa posisyon nya na dapat iyon ang humahawak.
"Ms.Galvez you can now enter the room." untag sa akin ng receptionist, I nod at her and slowly walked towards the door. I can't explain what I am feeling right I'm nervous but excited at the same time, pero para saan? kay Theo ba?
Pagkapasok ko ay nakita ko sya sa lamesa nya at nakatungkod ang kamay nya sa ilalim ng baba nya na para ba may malalim na iniisip. Sinulyapan nya ako iminuwestra ang upuan sa harap.
His table is big enough para paglagyan ng laptop, naglakad ako palapit sa kanya at agad na inilagay ang laptop sa ibabaw ng mesa, hindi sya nakatingin sa akin kundi sa papel na binabasa nya.
Hindi nya tuloy napansin kung paano ko sya mas natitigan ngayon, nakasalamin sya at seryoso sa kung ano man ang binabasa nya, mas lalo sya gumwapo ngayon kahit medyo nag mature, at ang bango pa nya dahil kahit dito sa kinauupuan ko abot ang amoy nya. Nagulat na lang ako ng tumingin sya sa akin at nagsalita.
"I value my time, so if I were you I will start now." masungit na sabi nya.
Kaya wala akong nagawa at nagsimula na lang sa presentation ko. nakikinig lang sya at hindi naman nakatingin sa presentation ko, nakakinsulto lang kaso wala naman ako magawa.
"And that's all sir, if you have some other question don't hesistate to call us."
Walang gana lang nya ako tinignan. Mukang hindi naman nya narinig ang pinagsasabi ko kanina.
Tinangal nya ang salamin nya at minasahe ang noo. "You may leave now." malamig na sabi nya.
Agad ko naman iniayos ang mga gamit ko at tumayo. Paalis na ako ng makita ko na ganoon pa rin ang itsura nya na parang pasan ang mundo, ng may bigla akong naalala kinuha ko ito sa bag ko at iniabot sa kanya, nagulat pa sya at tumingin sa akin.
"Ilagay mo ito sa noo tapos imasahe mo mawawala sakit ng ulo mo." nagtataka lang sya na nakitingin sa akin at sa vicks na iniabot ko. Kaya kinuha ko na ito at ako na ang naglagay sa noo nya.Pumwesto ako sa kanyang likuran. Naglagay ako ng kaunti sa magkabilang bahagi ng noo nya at marahan ko iyon na iminasahe sa kanya.
Hindi naman sya nagreklamo pumikit pa nga sya at parang dinadama ang pagmasahe ko.
"Matutulog ka kasi ng maaga, tsaka iinom ka ng madaming tubig." pagpapaalala ko, alam ko na mahilig magpuyat si Theo kaya hindi na ako magtataka kung sumakit ang ulo nya.
Napahinto ako sa ginagawa ko ng hawakan bigla ni Theo ang kamay ko at iniaalis sa noo nya.
"I'm okay." tumango naman ako, halata pa rin sa itsura nya ang pagtataka. Aalis na sana ako ng may maalala na naman.
"Theo."
Gulat sya na tumingin sa akin.
"May itatanong lang sana ako." nakakunot ang noo nya at hinihintay ang susunod ko na sasabihin.
"Ikaw yung nakaraan sa circle 'di ba?"
Nagiwas sya bigla ng tingin at tumayo sa kinauupuan nya.
"You may leave now." masungit na sagot nya.
"Ikaw iyon 'di ba? Sinundan mo ako sa circle? Bakit? may hidden desire ka pa sa akin?" pagbibiro ko kaya halos lumuwa naman ang mata nya sa gulat dahil sa sinabi ko.
Mas lalo ko tuloy sya gusto asarin.
"Ikaw nga 'yon, nahulog pa nga yung cap mo."
Bigla naman tumalim ang tingin nya sa akin.
"I don't know what you're talking about. Leave my office or I will call my security." seryosong sabi nya.
"Bipolar ka talaga! Ikaw pa itong galit? Alam mo mabait naman ako eh, tatangapin ko kung ano ang dahilan mo basta kausapin mo lang ako ng maayos."
"Leave now."
"Alam ko na ikaw 'yon, alam ko ang amoy mo!" nakakainis sya bakit ba ayaw nya umamin.
"Leave now or I call Mr. Hermoso and you will bid goodbye to your job."
Natigilan ako sa sinabi nya, kailangan talaga idamay pa ang trabaho ko para lang mapaalis ako. Inaayos ko ang sarili ko at tinalikuran sya, hawak ko na ang door knob ng lingunin ko syang muli nakatingin lang sya sa akin.
"Magpahinga ka, pag masakit pa rin ang ulo mo 'wag kang mahiyang magpamasahe sa akin. Don't worry walang bayad. Kahit kiss mo lang okay na ako." sabay kindat sa kanya ang isinara ko na ang pinto.
Nagmadali ako umalis sa building na iyon at baka ipahatak pa ako sa mga security nya. Nang makalabas ako ay nilingon ko pa ang building, sa totoo lang ay namimiss ko pa rin si Theo. Akala ko nakamove-on na ako, pero hindi pa talaga, kanina gusto ko na sya yakapin ng mahigpit kaso baka ipagtabuyan lang nya ako at isa pa meron na syang Hannah, sino ba naman ako sa kanya isang hamak na empleyada.
Humakbang na ako palayo ng building, malapit na sana ako sa taxi bay ng may humawak ng braso ko.
Hindi na nakunot ang noo nya at lumamlam ang mga maya nya.
"Theo..."
BINABASA MO ANG
Mine Series: Theo Betchel (Completed)
General FictionEve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone she didn't know. (COMPLETED)