Chapter Sixteen
Kasalukuyan ako naghahanap kung saan kami magbabakasyon ni Theo, were celebrating first year anniversary, ang sabi nya kahit out of the country ay ayos lang, pero ayoko naman na gumastos sya ng ganoon kalaki kaya naman naghanap ako ng malapitan lang at hindi gaano kamahalan.
"Eve, try nyo sa El nido or Coron." suggestion ni Suzy.
"Sobrang layo naman."
"Ano ka ba keri naman ni Theo gastusan 'yon. How about Boracay? or Malapascua,Cebu ang daming beach din doon." singit ni Delly.
Hinayaan ko lang ang dalawa na mag suggest and I keep on browsing at search sa mga undiscovered gems sa Pilipinas.Until makita ko ang hinahanap ko.
"This one!" sabay turo ko sa screen ng laptop, nakisilip naman si Suzy at Delly.
"Wow! ganda! probinsyang probinsya!" sabi ni Delly.
"Not bad! para hindi naman lagi sa mga overrated na lugar." si Suzy
"Tibiao, Antique."
"Nakakaingit ka talaga Eve, dati stalker mo lang si Theo tapos naging boyfriend! tapos eto na mag aaniversarry na kayo."
"Kaya kung ako sa'yo Delly mag love life ka na din para hindi ka maingit kay Eve. Magpaganda ka malay mo magkaroon ka ng stalker na kasing gwapo ni Theo."
"Wow! nahiya naman ako sa'yo no! hay naku Eve! kaya lung ako sa'yo 'wag mo pakawalan si Theo, naku! tatangapin ko sya with open arms and open legs!" pagbibiro ni Delly na ikinatawa ko lang.
"Kadiri ka Delly!"
Kinahapunan ay nasa apartment ko Theo para sabihin kung saan kami mag ce-celebrate ng anniversary.
"Honey, wala naman problema sa akin kasi saan pa yan." Pag sang ayon ni Theo matapos ko ipakita ang isang blog post sa Tibiao.
Humilig ako sa balikat nya at yumakap, I love cuddling Theo, at kahit ganito lang kami buong araw ay ayos na sa akin.
"Salamat! I'm sure you will like there, para maiba naman at ma try mo ang buhay probinsya."
"I'm looking forward Honey." pinisil naman ni Theo ang pisngi ko.
"Ouch! ang sakit ah.."
"Sorry... Nakakagigil ka kasi."
Gumanti naman ako at pinisil din ang pisngi nya, halata naman sa mukha nya na nasaktan sya pero hindi sya nagreklamo.
"Aba! hindi ba masakit."
"Masakit." nakanguso na sagot nya.
Hinalikan ko ang pisngi nya.
"Masakit pa ba?"
Tumango naman sya kaya hinalikan ko sya sa magkabilaang pisngi.
"Ayan, masakit pa ba?" tumango naman sya habang nagpipigil ng ngiti.
"Ikaw ah! ang pilyo mo talaga!"
Travelling to Tibiao,Antique takes an hour via plane, Pagkababa namin ng Caticlan airport ay agad kaming sinundo ng isang private van.
Hinatid kami sa tutuluyan namin, Tibiao does not have hotel karamihan ay mga Inn o homestay ang mayroon.
"This is new to me." sabi ni Theo.
"Kahit naman ako," kasalukuyan namin inaayos ang mga gamit sa kwarto. Wala kaming itinerary kung ano ang maisipan namin na gawin ay gagawin namin. Pero definitely itatry namin ang sikat nila na Kawa bath.
"It's weird, parang niluluto tayo." nakakatawa ang itsura ni Theo dahil parang hindi sya kumportable na nakababad kami sa malaking Kawa.
"Ano ka ba just imagine na nasa bath tub ka parehas lang naman."
Ngumuso naman si Theo kaya niyakap ko sya ng mahigpit.
"Happy?" tanong nya sa akin.
"Very happy."
"I'm glad that you enjoy."
"Syempre kasama kita," hinalikan ko ang tungki ng ilong nya at niyakap naman nya ako ng mahigpit.
"Always remember that I love you, walang oras na hindi kita naiisip. Promise me na magtitiwala ka sa akin." malambing na sabi ni Theo habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay nya.
"Ngayon pa ba? syempre no! ang drama mo ngayon anniversary natin dapat masaya ka."
"Speaking of anniversary, pwede na ba tayong kumain?"
Natatawa naman ako na tumango sa kanya at umahon na kami sa kawa bath. Nag pa-room service na lang kami ng pagkain para makapagpahinga pa daw kami. Halos antukin na ako sa sobrang kabusugan halos seafood ang kinain namin.
Nagulat na lang ako ng may ilabas na maliit na kahon si Theo at iniabot nya iyon sa akin.
"A-ano ito?" alam ko naman na regalo nya sa akin iyon pero iyon ang unang lumabas sa bibig ko.
"Buksan mo honey." nakangiti nyang sabi sa akin.
Dahan dahan ko binuksan ang maliit ng kahon at tumambad sa akin ang kumikinang na necklace, nakalagay doon ang engrave na pangalan ni Theo.
"Ang ganda... salamat... wala akong regalo sa'yo." nakakahiya dahil talagang pinaghandaan ni Theo ito.
"It's okay," nakangiting tugon nya.
"I love Theo."
"I love you Eve."
Bigla ako niyakap ni Theo ng mahigpit
Yung mga ganitong tagpo ang hindi ko ipagpapalit, mahal na mahal ko si Theo at alam ko na ganoon din sya sa akin. Kung sana ay palaging ganoon pero ang buhay ay dapat balance hindi ka palaging masaya dapat minsan malungkot ka din. Dahil hindi mo maappreciate ang pagiging masaya kung hindi ka dumaan sa pagkalungkot.
Ganoon nga siguro ang buhay, dahil si Theo ay bigla na lang naglaho na parang bula. Pagkauwi namin galing Tibiao ay maayos naman ang lahat pero kinabukasan ay wala man lang ako natangap na tawag o text galing sa kanya.Pinuntahan ko sya sa mansyon nya pero hindi naman daw sya doon umuwi kahit sa opisina y hindi sya pumapasok.
Hinanap ko sya sa kanyang mga kaibigan pero wala sa kanila ang hinarap ako wala naman ako ka close sa kanila maliban kay Jonas na noong magkita kami ay iniwasan lang ako at parang hindi naman ako kilala, kahit kay Hannah ay lumapit ako pero maging sya ay wala at nasa ibang bansa na daw.
Hindi ko alam kung ano ang rason nya sa pagkawala, minahal nya ba talaga ako? bakit hindi sya nagpapakita sa akin o kahit tawagan man lang ako. Kahit sa text sabihin man lang nya ang kanyang dahilan. Kung hindi na nya ako mahal ipaalam nya hindi itong wala ako alam kung ano pa ang estado namin.
Kahit pa alam ko naman na malinaw na pinalaramdam nya na kalimutan ko na sya at sumuko ako. Hihintayin ko na manggaling iyon mismo sa kanya. Pero nakakapagod din ang maghintay may hanganan din ang lahat.
Siguro nga hanggang dito na lamang ang aming kwento ni Theo.
Hello! Readers! kamusta naman kayo?🙋
BINABASA MO ANG
Mine Series: Theo Betchel (Completed)
Ficción GeneralEve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone she didn't know. (COMPLETED)