Chapter Eleven

24.5K 433 13
                                    

Merry Christmas!



Chapter Eleven



Three months has passed, Oo, at sinagot ko si Theo. Kami na, I still remember how Suzy and Delly reacted nung sabihin ko na sinagot ko na si Theo. Halos mabingi ako sa sigaw ng dalawa.

It was a pure bliss whenever I'm with Theo. He see to it na may oras sya sa akin. I know he's busy but still bumabawi sya ng sobra. Napakilala ko na sya sa mga parents ko, at boto naman sila kay Theo.

Before laging chismis na pabebe ako ngayon ako na daw ang maswerte. Gwapo at mayaman ang boyfriend ko, and I agree with them.

And I wish that this moment will last forever.

Though, never pa nya ako nadadala sa company nya and wala ako masyadong kilala na friend the last time na may nakilala ako na kaibigan nya which is so long ago nung unang punta ko sa bahay nya. Jonas nga yung name ng lalake na hindi ko na nakita pa ulit.

"Kahit naman ako magtataka, ano yun wala syang social life? that's impossible!" sabi ni Suzy. Hindi ko kasi mapigilan hindi ikwento yung bumabagabag sa akin this past days.

"Grabe ka Suzy! Hindi ba business man si Theo? tsaka hindi naman talaga sya dito nakabase sa pinas, baka lahat ng friends nya nasa ibang bansa." sagot naman ni Delly.

"Kahit na! impossible naman na wala syang kakilala dito? Naku! Eve, mag ingat ka gwapo pa naman si Theo. Baka may tinatago yang sikreto kaya ganyan!"

"Wow! after all na panglilibre ni Theo sa atin ganyan ka pala Suzy!"

"Hindi ako madadala sa libre tse!"

Napailing na lang ako sa dalawa. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakatangap ako ng message kay Theo. Susunduin daw nya ako at kumain daw muna kami sa labas bago nya ihatid sa apartment.

"Una na ako sa inyo, susunduin na ako ni Theo." pagpapaalam ko sa dalawa.

"Pero seriously Eve," pahabol ni Suzy.
"Bakit hindi mo hanapin or sorpresahin si Theo? Bakit hindi natin hanapin yung kumpanya nya dito."

At some point ay napaisip ako. Bakit nga ba hindi ko hanapin kung saan sya nagoopisina.

"Suzy pakealamero ka talaga!"

"Sige I'll go ahead!" pagpapaalam ko dahil nagbabayangan ang dalawa.

Hindi ko mapigilan isipin ang suhestyon ni Suzy, pero wala talaga akong ideya kung saan ang kumpanya ni Theo.

"Is there something bothering you?" napatingin ako kay Theo. Andito na kami sa isang restaurant dito na daw kami mag dinner para hindi na ako magluto sa bahay.

"Ha? w-wala naman bakit mo nasabi yan?"

"You're too quiet and not listening to me, kanina pa ako nagsasalita pero wala kang reaction."

"Marami lang kasi ako ginawa sa office kanina maraming pinatapos si Ma'm Suarez."

Biglang nag ring ang cellphone ni Theo, nakakunot pa ang noo nya habang tinitignan ito.

"I'll just answer this kain ka lang." tumayo sya at lumayo sa lamesa namin. Ngayon lang nya ginawa ito ang lumayo habang sinasagot ang isang tawag usually kasi sinasagot nya ito kahit katabi ako.

"Hatid na kita, may emergency sa office I have to go back there" pagkasabing pagkasabi nya nang makabalik sya sa akin.

Office?

Bigla tuloy ako may naisip na ideya.

"Gusto mo ba samahan kita?" Nakita ko na natigilan sya at nagulat.

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon