Chapter Five

31.6K 700 20
                                    

Chapter Five

Pumasok kami sa isang exclusive subdivision. Tahimik lang kami buong byahe hindi sya nagsasalita kaya hindi rin ako nagtatanong, buti na lang at may background music kami.

Nililibang ko na lang ang sarili ko sa musika.

Bigla kami huminto sa isang malaki at kulay itin na gate. Automatic itong nagbukas.

"Were here." nakangiti nyang sabi.

Agad ko tinangal ang seatbelt pero hinintay ko muna sya na maunang bumaba. Inunahan ko na syang buksan ang pinto ng sasakyan nang akma na nya itong hahawakan, ngumiti lang sya sa akin.

Napalinga linga ako sa palagid. Isang magandang garden ang bungad ng bahay.

Naglakad sya patungo sa pinto.

"Come on." anyaya nya sa akin.

Nakatayo lang ako at nakatingin sa magandang bahay. Bakit ang dali ko naman sumama sa kanya? Heto at andito pa ako sa sinasabi na bahay nya? paano kung hindi nya ito bahay?

Sino ba si Theo?

Mapagkakatiwalaan ba sya?

"What are you thinking?" nakalapit na pala sya sa akin.

"Ahm... dito ka nakatira?"

Tumango naman sya, wala na ako nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pagkapasok sa loob bumungad sa akin ang magandang pagkakaayos ng bahay. Simple lang ito pero alam mo na mamahalin ang mga kagamitan na nakalagay.

Isang may edarang babae ang bumungad sa amin nakangiti sya.

"Nakahanda na ang pagkain." tumango lang si Theo sa babae, at ganoon din ang ginawa ko, ngumiti sya akin ng pabalik ang matanda, she has this pleasant aura, nang makita ko na nakakalayo na sa akin si Theo ay sinundan ko lang sya hanggang sa marating namin ang likuran bahagi ng bahay, Isang magandang garden at may pool sa gitna. Nakita ko rin ang isang mesa na may mga pagkain.

"May iba ka pang bisita?" wala sa loob ko na tanong.

"Huh? No, you're my only guest here."

"Talaga? Bakit ang daming pagkain? Parang may party ka."

Narinig ko ang pagtawa nya ng mahina. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa.

"Ano nakakatawa?"

"Ahm... Nothing... pinaluto ko lahat yan."

Tinignan ko ulit ang lamesa ang daming pagkain, seryoso kami lang dalawa ang kakain nito.

"This is too much."

Umupo sya sa upuan at inaya rin nya ako umupo, sumunod naman ako.

"You see that, that's the fountain on my profile pic, I don't know what to put so I take a pic of that fountain and upload that instead."

"Hmm... sino kasama mo dito sa bahay?" hindi na ako nahiya at kumuha na ako ng plato at nagsimulang kumuha ng pagkain.

"I live alone here." napatingin ako sa kanya, kaya nakita ko na lumungkot ang mga mata nya.

"How about siblings?"

"I don't have siblings and my parents live abroad."

"Teka, akala ko bago ka pa lang dito sa pilipinas?" taas kilay ko na tanong.

He gave me a sorry look, he looks cute pero naiinis ako. He lied to me.

"So, you're living here for quite some time? and then you lied to me telling me to show you some places here huh?"

"I'm sorry Eve, I just want to be your friend."

"Okay, see andito ako sumama sayo without knowing you that much."

ngumiti naman sya. "And I thank you for trusting me."

I looked at him at nakita ko na sumaya ang aura nya.

"Well... pwede na rin sabihin na I trusted you."

"Yeah... I've been waiting for this day to happen..."

"Ha? Ano sabi mo?"

Umiwas sya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain. "Nothing, here try this one." inioffer nya ang shrimp tempura.

"May binubulong ka eh."

"I don't say anything, come on ubusin mo itong lahat. Ito-tour pa kita dito."

"Ako lang uubos? tulungan mo ako ubusin lahat ito.

Hindi namin naubos ang pagkain, ipapabalot na lang daw ni Theo. After namin kumain ay inilibot nya ako sa bahay,ang ganda ng bahay pero parang ang lungkot.

" Sabihin mo ang totoo hindi ka madalas dito ano?"

Huminto sya sa paglalakad at hinarap ako, nakanunot ang noo nya at tila nagtataka.

"Bakit mo naman nasabi yan."

"This house is... empty." nagaalangan ko sabihin.

Sakto na nakahinto kami sa isang pinto, agad nya itong binuksan at bumungad sa amin ang maraming tukador ng mga libro.

"Well... your right, I don't stay here. I have a unit in Ortigas and I stay there, like what I have say, I live alone."

Umupo ako sa sofa ang lambot at ang ganda ng pagkakadisenyo.

"Wala ka kahit girlfriend?"

Napatawa naman sya sa sinabi ko.

"Wala. I don't have a girlfriend, 'cause I'm eyeing for someone." nakatingin sya sa akin habang sinasabi iyon, nailang ako sa pagkakatitig nya masyado kasi syang seryoso nung sinabi yun.

"May nililigawan ka pala." swerte naman ng liligawan nya gwapo na at mayaman si Theo.

"Not yet, liligawan ko pa lang."

"Swerte nya, Ikaw ang manliligaw."

Kuminang naman ang mata nya at ngumiti sya sa akin.

"Really?"

"Oo, nasa iyo na ang lahat eh, mukha, pera sorry sa word ko pero ayun nga full package ka." itinaas ko ang paa ko sa center table. Ang ganda talaga ng library nya.

"So..." tumikhim sya at tumabi sa akin.

"Can I court you Eve?"

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon