Chapter Twelve

22.2K 423 10
                                    

Chapter Twelve

"Paano ka nakapasok dito?" hindi ko alam kung paano nakapasok si Theo sa loob ng apartment ko. Alam ko na nailock ko iyon kagabi, wala din naman sya kopya ng susi ko kaya nakakapagtaka na andito sya sa loob.

Ngumiti sya sa akin pero mukhang nagaalangan. Tinignan ko ang lamesa ko na may nakahanda ng agahan.

Nagluto sya?

Nang iwan ko sya nung nakaraang  gabi sa parking lot ng mall ay hindi ko na sya kinontak pa. Masama pa rin ang loob ko.

"I cooked a breakfast, don't worry wala akong ginamit sa mga stocks mo."

Tahimik lang ako umupo at nagsimulang kumain, hindi ko pa rin sya pinapansin nakatuon lang ang atensyon ko sa kinakain ko.

"Eve, about last night... I'm sorry."

Sorry? Yun lang? hindi ba nya ieexplain kung sino si Hannah? I didn't answer him bahala sya. Tumayo ako at dumiresto sa kwarto pero bago ako makapasok ay nahawakan na nya ako sa braso.

"Eve..."

"Theo naman."

"I can explain but please listen to me first." pagsusumamo nya.

"Okay." tanging nasabi ko lang.

"There's really an emergency yesterday and I have to go back there. Hannah is a family friend."

"Family friend," bulong ko naman sabay irap sa kanya.

"Actually I can't stay here for a longer time eventhough I want to. I have to go back in Bechtel to fix everything." lumapit sya sa akin at hinawakan ang balikat ko, hindi ako nakatingin sa kanya.

"Eve."

Ano ba sasabihin ko?

"Sige na umalis ka na at baka malate ka pa."

"You're still mad at me."

Hindi ako sumagot, syempre galit ako at naiinis.

"Okay," huminga sya ng malalim. "Fix yourself and come with me."

Napatingin naman ako bigla sa kanya. Yung totoo dadalhin na nya ako doon? o ginawa lang nya yun para bumawi sa akin. Bigla din nawala yung katiting na tuwa na naramdaman ko.

"Hindi pumunta ka na lang mag isa dun."

Bigla na lang nya ako niyakap ng mahigpit.

"Come on... Sumama ka na sa akin." paglalambing pa nya.

Para tuloy bibigay na ako, di ba ito naman gusto ko ang dalhin nya ako doon.

"Okay, magaayos lang ako." mabilis naman ako pumunta sa kwarto para maligo. Naghanap din agad ako ng maayos na masusuot, kinakabahan at naeexcite ako.

Alas onse na ng makarating kami sa Betchel. Bigla akong pinagpawisan ng malamig ng makita ko kung paano tumingin yung mga tao sa amin. Hawak kasi ni Theo ang mga kamay. Lalo tuloy ako humawak ng mahigput sa kanya. Sumakay kami sa isang private elevator kung saan sya lang ang may access, ng makalabas kami ay tumambad sa akin ang isang malawak na hallway, sa gilid nun ay may isang reception. May babaeng nakaupo na bigla na lang napatayo ng makita kami ni Theo.

"Good morning sir." bati nito kay Theo. Biglang dumako ang tingin nya sa akin at binati rin ako. "Good Morning ma'am".

Hindi naman sya tinugon ni Theo at dumiretso kami sa isang kwarto. Malawak din sa loob, malinis at minimalist ang design talagang masasabi mo na lalake ang nag oopisina sa loob.

"Make yourself busy. You can use that laptop," sabay turo nya sa isang lamesa. "I have meeting and it will last for two hours, If you need something don't hesitate to ask my secretary or just text me." pagbibilin pa nya. Iiwan din pala nya ako ng matagal dito.

"Sige, siguro naman malilibang na ako nito." lumapit sya sa akin at dinampian ako ng halik sa labi, mabilis lang iyon pero nagdulot na iyon ng kakaibang kilig sa akin. Agad naman sya na lumabas. At tulad ng sabi nya ginawa kong busy ang sarili ko sa pagsusurf ng net. Nakakatuwa dahil wala naman password iyong laptop.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto ang akala ko ay si Theo na pero ang pumasok doon ay isang babae at isang lalake, na agad ko naman namukhaan.

"So it's true dinala ka nga nya dito." nakataas ang kilay nun Hannah habang sinasabi iyon.

"Hi! Eve." sabi naman ng lalake iyon ay si Jonas. Ngayon ko lang ulit sya nakita,tumango lang ako.

"May problema ka ba sa akin." hindi ko mapigilan itanong sa babae. Ang taray kasi ng mukha nya at ang talim ng tingin nya sa akin.

"I just don't like you being here."

problema nito?

"Bakit sino ka ba?" sino ba talaga sya at bakit ang taray nya sa akin.

"Why don't you ask Theo?" matapang na sagot nya, pero hindi ako nagpatinag kahit naiinis ako. Si Theo nagdala sa akin dito at wala akong pakealam kung ayaw nya sa akin.

"Stop it Hannah," biglang singit ni Jonas.

Hindi ko na sila pinansin, kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Theo. Alam ko na maiistorbo ko sya sa meeting pero sya lang din ang makakapag alis sa bruha na Hannah.

Your Hannah is here.

Alam kong sarcastic ang reply ko.

"Bakit ba Jonas, anytime soon iiwan din sya ni Theo."

Natigilan ako sandali at tumingin kay Hannah. Ngumisi sya at tila natutuwa sa reaksyon ko anong ibig nyang sabihin na iiwan din ako ni Theo.

"You don't know Theo much,"

"Hannah sabing tama na umalis na tayo dito." hinawakan sya ni Jonas sa braso at pilit na hinahantak. Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa nito si Theo.

"Hannah!" isang maotoridad na sigaw ni Theo na kahit si Hannah ay natihimik.

"Why the two of you are here?" tanong ni Theo kay Jonas.

"Nagpupumilit si Hannah, dude." parang balewalang sagot ni Jonas.

"Theo! Why don't you tell to that girl na iiwan mo rin sya--" hindi na natapos ni Hannah yung sasabihin nya dahil bigla syang kinaladkad ni Theo na walang ingat, kahit ako ay nagulat hindi ko maisip na magagawa yun ni Theo.

"Hey," untag naman sa akin nj Jason.

"I'm sorry about that." nakangiti nyang sabi. Tumango lang ako at hindi na sya sinagot.

"Don't worry Hannah and Theo is just friends."

"Iuwi mo na si Hannah" napalingon ako sa pintuan at nandoon na pala si Theo, nakakuyom ang mga palad nito at parang nagpipigil lang ng galit.

"Relax, Theo." lumingon naman sa akin si Jonas at nagpaalam na.

Agad naman lumapit si Theo sa akin at niyakap ako.

"I'm sorry, hindi ko alam na pupunta sila. Sinaktan ka ba ni Hannah?"

Umiling naman ako. "Hindi naman pero sinabi nya na iiwan mo din daw ako, ano ba ibig nyang sabihin bakit sinabi nya yun." nagiwas naman ng tingin si Theo.

"Don't listen to her." niyakap nya ako ulit at hinalikan sa noo.

"Natatakot ako Theo, hindi ko alam kung bakit, pero natatakot ako." at totoo yun, nakita ko sa mga mata ni Hannah na sigurado sya na iiwan ako ni Theo.

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon