Chapter Eight

25.5K 686 17
                                    

I would like to thank all silent readers who vote and share this story. I do hope that you can comment regarding this story :) Anyway I have new project and I hope that you can support that also.

Chapter Eight

"Nakakagulat ka naman!"

Minsan iniisip ko sinusundan ako ni Theo. Paano ba naman andito ako sa Supermarket at naggro grocery tapos susulpot na lang bigla.

"You drink too much coffee?"

"Ewan ko sa'yo." tinulak ko ang push cart palayo sa kanya.

"Hey, you didn't replied to my texts." malungkot nyang sabi. Itong nagdaan na araw ay hindi ko pinapansin si Theo, paano ba naman kinukulit nya ako na iwasan si Denver lalo na ng makita nya sasabay sa akin uuwi ang lalake.

Hindi na nakakatuwa ang ginagawa nya hindi pa naman ganoon kalalim ang pagkakakilala ko sa kanya. Tapos kung nasaan ako andoon din sya and I find it creepy, mabuti na lang at gwapo sya.

"Busy ako Theo, may trabaho ako. Ikaw? wala ka bang ibang gagawin?"

Bigla na lang naging blanko ang mukha nya at parang walang emosyon sa araw-araw kasi na pangungulit nya lagi ko sya tinatanong kung wala ba sya ibang gagawin at sa araw na ito ay ibang Theo ang nakikita ko, parang hindi si Theo para siyang ibang tao.

Gusto ko man bawiin ang sinabi ko kahit hindi ako siguro kung nasaktan ko nga ba sya sa mga nasabi ko.

"Theo..."

Tumalikod sya at walang sabi na iniwan ako. Nagdadalawang isip ako na sundan sya pero nagpasya ako ba huwag na lang at pabayaan sya.

Ito naman ang gusto ko di ba?

Nakauwi na ako sa bahay at nasa isip ko pa rin  ang ginawa ni Theo. Nagpasya ako na itext sya at humingi ng sorry pero hindi nya ako nireplyan.

Dinivert ko na lang ang sarili ko sa ibang gawain. Pero naiisip ko pa rin si Theo. Bigla na lang tumunog ang cellphone agad ko itong binasa sa pagaakala ko na si Theo na ang nag reply pero hindi pala si Denver ang nagtext at inaaya ako na lumabas.  Dahil sa wala naman ako ginagawa pumayag na ako makipagkita sa kanya.

Sa Mall kami nagkita, nag ikot ikot lang kami at kumain, masaya ako na kahit papaano ay nalibang ako ayos na sana kung hindi lang sa topic na sinimulan ni Denver.

"Boyfriend mo ba talaga yung lalakeng kasama mo noong nakaraang linggo?"

Hindi naman ako nakasagot agad. Ayoko na kasi sana ungkatin ang tungkol doon.

"So, I assumed na hindi kasi sumama ka sa akin ngayon." pagpapatuloy nya.

"Denver..."

"At kung boyfriend mo nga sya, liligawan pa rin kita." may kung ano sa mga mata ni Denver ang hindi ko nagustuhan.

"Eve."

Napalingon ako sa pinangalingan ng boses at nakita ko ang matalim na tingin ni Theo kay Denver.

"Stay away from Eve."

"And what if I don't?" matapang na sagot ni Denver.

"Can you please stop it. Theo,"

"Have you heard it? Bakit hindi ikaw ang umalis? Can't you see nagde date kami."

"Denver ano ba?" lalo naman kumunot ang noo ni Theo, hindi na maganda ang nangyayari pinagtitiningan na nga kami.

Bigla na lang ako hinatak ni Theo palayo sa kanya. Agad naman lumapit si Denver pero sumenyas ako na huwag na nya ako sundan. Nagaalangan pa sya pero sinunod rin nya anb gusto ko. Dinala ako ni Theo sa carpark at pilit na pinapasakay sa sasakyan nya.

"Theo,ano ba? Bigla ka na lang susulpot tapos ganito hahatakin mo na lang ako bigla?"

"May gusto ka ba sa lalakeng iyon kaya sumama ka sa kanya?"

"Anong pinagsasabi mo? Anong gusto mo?" Nakatayo lang kami sa harap ng sasakyan nya.

"Ako iniiwasan mo ako and then what? Makikita kitang kasama ang lalakeng iyon?"

"Paanong hindi kita iiwasan ang kulit mo kahit saan nga ako magpunta andoon ka din eh!"

"Isn't it obvious?"

Nagtaka naman ako sa tanong nya.

"Anong obvious?"

Minasahe nya ang noo nya na tila naiinis na.

"That I like you."

Napatitig ako sa kanya, tama ba ang narinig ko? Wala naman nagbago sa reaksyon nya parang hinihintay din nya kung ano ang sasagutin.

"Ano?" wala na rin ako masabi.

"I like you Eve,"

"Nagpapatawa ka ba? you like me?Kailan mo lang naman ako nakilala ah, ang bilis naman?"

Lalagpasan ko na sana sya ng bigla nyang hawakan ang braso ko. Napatingin ako sa mga mata nya na titig na titig sa akin. Umiwas ako ng tingin, hindi ko kayang tignan ang mga mata nya parang nakakahiya na ang isang Theo ay magkakagusto sa isang tulad ko. Masyado ako ordinaryo para magustuhan nya.

"Uuwi na ako Theo."

"Ihahatid na kita."

"Huwag na, kaya ko umuwi mag isa."

Binatawan na nya ang braso ko at nagsimula na ako maglakad palayo sa lugar na iyon.

Pero nagulat ako ng biglang may yumakap sa likod ko, halos matumba ako pero nakahawak ang kamay nya sa bewang ko at nakalagay ang baba nya sa balikat ko.

"Let me show you how much I love you Eve."

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon