Chapter Thirty

26.3K 340 22
                                    

Chapter Thirty- Last

Napatakip ako ng ilong ng maamoy ko ang aroma ng kape. Napatingin ako sa veranda ng mansion at nakita na prenteng nakaupo si Theo.

"Hon..." agad naman napatingin sa akin si Theo at ibinaba ang iniinom nya na kape.

"Do you need anything?" tanong nya ng makalapit sa akin. Umiling ako at sinamaan sya ng tingin.

"B-bakit?"

"Hindi ba sabi ko ayoko ng amoy ng kape. Bakit nagkakape ka sa kwarto natin." tumakbong bigla si Theo at kinuha ang baso ng kape. Pumasok sya sa banyo at nakangiting tumingin sa akin

"Tinapon ko na Hon,"

Umismid ako.

"Sorry na. Ano gusto mo kainin?"

Napaisip naman ako. So far, hindi naman ako ganoon kaselan maglihi. Oo, I'm three months pregnant. Wala ako masyadong hinahanap na pagkain pero ayoko lang ng amoy ng kape na kina aadikan ko noong dalaga pa ako.

Napailing na lang ako sa kanya.

"Wala eh,"

"Are you sure?"

"Oo, wala talaga ako maisip sasabihin ko naman sa'yo pag meron." tumayo ako at niyakap sya ng mahigpit.

"Honey 'wag ka na magkape sa loob ng kwarto ha?"

Pinisil naman ni Theo ang mga kamay ko.

"I'm sorry Hon... hindi na mauulit. Gusto ko kasi nakabantay sa'yo kaya nadala ko tuloy yung kape."

"Kamusta na pala yung project na pinagkakaabalahan nyo?" hindi nagkukuwento si Theo sa akin kung ano yung project na 'yun. Tuwing tatanungin ko sya ay iniiba nya ang usapan.

"Ayos naman hon." tulad ng dati ay hindi pa rin sya nagkukuwento kung ano man 'yon.

"Wala ka talagang balak sabihin sa akin kung ano yang pinagkakaabalahan mo." sinandya ko na konsensyahin sya. Nilingon naman nya ako ng may pagtataka.

"Ano nga ba naman ako sa'yo 'asawa' lang." very good acting Eve.

"Hey... hon.." naalerto sya ng tinalikuran ko ito bigla. Pinigilan naman nya ako sa braso.

"Totoo naman 'di ba?"

"Hindi sa ganun, it's just..." napasabunot sya sa buhok nya. "I will tell you soon not now okay?"

Inirapan ko sya at lumabas sa kwarto. Alam ko na susuko din sya.

"Hey! Honey!" sigaw nya at hindi ko naman sya nilingon. Bumaba ako sa hagdan ng makitang may kausap si Manang. Madalas ang binatilyo na ito sa bahay at natutuwa talaga ako sa tuwing makikita ko sya. Kabaligtaran naman kay Theo na naiirita.

"Hello Raxel!" bati ko. Napatingin naman sya sa gawi ko.

"Hello Ma'am Eve."

"Naku! Drop the formality. Can I pinch your cheeks?"

Napatingin naman sya sa likuran ko.

"What are you doing here? I told you to report in my office not here." malamig na sabi ni Theo. Hindi naman nagpatinag si Raxel at ngumisi lang.

"You don't answer my email and calls Mr. Betchel."

Lumapit naman ako kay Raxel ng walang paalam at pinisip ang pisngi nya. Nagulat pa sya sa ginawa ko.

"You're so cute! Gusto ko kamukha mo ang anak ko." namumula naman si Raxel sa sinabi ko.

"Hey! Umalis ka na nga dito!" pagtataboy ni Theo kay Raxel.

Mine Series: Theo Betchel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon