Chapter 6

24K 339 54
                                    

AUTHOR'S NOTE: This chapter contains mature scenes not suitable for young readers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AUTHOR'S NOTE: This chapter contains mature scenes not suitable for young readers.

• • •

THEO

"HELLO, THEO? WHERE are you now?"

Napangisi ako pagkasagot sa tawag ni Ales. Kanina pa siya tanong nang tanong, ewan ko kung kinakabahan ba talaga siya o na-eexcite sa pagpunta namin sa club.

Ngayon kasi ang alis namin. Sinundo ko lang siya sa apartment niya.

"Nandito na ako sa baba," sagot ko. "Hindi kita mareplyan kanina, nagda-drive pa ako no'n."

"Okay. Dumiretso ka na rito sa taas, ah? Hindi na kita sasalubungin, nagbibihis na ako."

"Nagbibihis ka na? Ba't nagbibihis ka na?"

"Bakit, dapat ba hintayin kita? Ikaw ba ang magbibihis sa 'kin?"

Natawa ako. Medyo suplada talaga 'tong babaeng 'to, pero trip ko naman 'yong gano'n.

"Mamaya ka na magbihis," sabi ko sa kanya. "May binili akong damit para sa 'yo." Sabay tingin ko rito sa hawak kong paper bag.

Hindi naman siya sumagot sa kabilang linya.

"Hello?" tawag ko ulit. "Ales?"

"Bakit mo ako binilhan ng damit?"

"Wala, gusto ko lang. Sige na, paakyat na ako." Binaba ko na ang tawag at sinuksok sa bulsa ko 'tong cellphone.

Lumang-luma na talaga 'tong apartment na tinitirhan ni Ales. 'Yung elevator nila tangina kapag sumakay ka, parang hindi ka na makakalabas e. Patay-sindi pa ang ilaw. Nag-hagdan na nga lang ako ngayon paakyat sa 5th floor. Ba't kaya nagtitiis 'yong babaeng 'yon sa ganito?

Dumiretso ako sa unit niya at kumatok.

Pinagbuksan niya 'ko agad.

Napangisi nga ako kasi naka-bra lang siya nung sumilip siya sa pintuan.

"Ang hot, ah," hirit ko.

"Stop it. Sabi mo kasi wag muna akong magbihis kaya tumigil ako."

"Oo nga." Sinara ko 'tong pinto at binigay na sa kanya ang paper bag. "O, ito ang suotin mo."

"Bakit ba kasi binilhan mo pa ako? Tingin mo wala akong damit na pang-clubbing?"

"Sabi mo kasi hindi ka pumupunta sa mga gano'ng lugar. Ayaw mo ba niyan?"

Sinilip na niya 'yong paper bag at nilabas ang mga damit. Pero parang hindi naman siya natuwa. "Really? Leather mini skirt and tube top?"

Ngumisi ako. "Bagay 'yan sa 'yo. Mukha kang bad girl."

"No. I'm not going out in this outfit."

"Magka-club tayo. 'Yan ba ang plano mong isuot?" Tinuro ko ang skinny jeans niya.

The Savage Boys Series #3: Theo AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon