ALES
MAGDAMAG AKONG HINDI nakatulog dahil sa nangyari.
Hanggang ngayon, nanggigigil pa rin ako sa galit. Hindi ko matanggap na meron akong ganoong klase ng magulang.
Dinaan ko na sa iyak at lahat-lahat, pero ang bigat pa rin ng talaga sa pakiramdam. Si Mama lang ang kayang magpaiyak sa 'kin nang ganito kasi ang sakit niya talagang maging nanay.
I haven't told Theo about it yet. Ayoko siyang tawagan kasi baka hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Hihintayin ko na lang siyang makauwi para personal kong masabi sa kanya.
Theo arrived home around seven in the morning.
Puyat ako kaya ang sakit ng ulo ko at ang clouded ng utak ko ngayon.
Pagkapasok niya rito sa apartment, niyakap ko agad siya nang mahigpit.
Finally, I felt safe and at peace again. Hindi ko alam pero para akong bata ngayon na gustong-gusto nang magsumbong sa kanya.
Nagulat nga siya sa 'kin kasi sanay siya na tulog pa ako kapag umuuwi siya, pero ngayon, ako mismo ang sumalubong sa pintuan.
"Bakit gising ka?" tanong niya sabay hinigpitan ang yakap sa 'kin. "Imposibleng maaga kang nagising. Hindi ka pa natutulog, 'no?"
Napangiti ako. "Kilalang-kilala mo talaga ako. I can't sleep."
"Tsk." Sinabit niya ang car keys niya malapit sa pinto, tapos hinawakan ang mukha ko. "Sumusobra na 'yang pagpupuyat mo, ah. Magkakasakit ka niyan."
"I'm fine. Okay nga 'yun, eh. Look, nakapagluto ako ng breakfast. Let's eat?"
"Kailan naging okay 'yun? Tingnan mo 'yang mga mata mo, namamaga na 'yan sa pagod."
Napaiwas agad ako ng tingin.
Hindi naman kasi dahil sa pagod kaya namamaga ang mga mata ko. I cried the whole night.
"Pagkatapos mag-almusal, matulog ka, ah?" sabi niya na lang. "Wag ka na munang magsulat."
"Okay, mister. Kain na tayo."
Nauna na akong pumunta sa kusina para gumawa ng kape sa coffee maker.
"Ano 'to?" bigla niya namang tanong. "Kanino 'to galing?"
Lumingon ako at nakitang hawak na niya 'yung binigay na pastries ni Mama. Hindi ko pala naitabi 'yon. Maaga ko tuloy masasabi sa kanya ang tungkol sa nangyari.
Bumuntonghininga na lang ako. "My mother went here last night."
Hindi siya nakasagot.
"Ewan ko kung paano niya nalaman kung saan tayo nakatira," dagdag ko. "She just appeared at our door. Hindi ko muna sinabi sa 'yo kasi baka mag-alala ka sa 'kin."
"Pumunta rin pala siya rito."
Natigilan agad ako at muli siyang tiningnan. "Rin? What do you mean by that?"
He suddenly looked away.
Tumigil na ako sa paggawa ng kape at binalikan siya. "Theo, did something happen? You're scaring me."
"Mamaya ko pa sana 'to sasabihin kasi alam kong wala ka sa mood kapag ganitong oras." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "Pinuntahan din ako ng Mama mo kagabi sa Third Base. Hindi mo magugustuhan ang ginawa niya."
Napabagsak ako ng mga balikat. Wala pa naman siyang ibang sinasabi, pero ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
"W-what did my mother do?"
Napayuko siya. "Binigyan niya ako ng cheke. Ang gusto niya, makipaghiwalay ako sa 'yo."
"Oh my god." Hinang-hina akong napaupo sa silya.
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #3: Theo Alvarez
Fiction générale[NSFW] Theo Alvarez, a fearless adventurer with rugged good looks, indulges in a one-night stand with an erotic writer named Ales Lim. As fate reunites them, Theo takes her on an exhilarating journey of pleasure and lust that fuels the pages of Ales...