Chapter 25

9K 294 63
                                    

ALES

ONE YEAR LATER

"ANO?! BUMALIK KA NA NAMAN SA SAGADA?"

Natawa ako kay Jazz kasi parang gano'n na gano'n din ang reaksyon niya nung unang beses kong mag-solo travel a year ago.

Huminga na lang ako nang malalim sabay sandal ng ulo ko rito sa bintana ng bus. "Yeah, I'm on my way. Actually, malapit na nga ako, kaya hindi mo na ako pwedeng pigilan."

"Baliw ka talaga! Parang kagabi lang may book signing event ka pa, tapos ngayon, paakyat ka na ng bundok. Are you with Khalil?"

Khalil is a good friend. Siya 'yung writer na pumansin sa 'kin dati nung pumirma ako ng publishing deal.

"No," sagot ko. "Me time muna ako ngayon."

"Bakit, hindi ka na naman ba makapagsulat? Akala ko okay ka ro'n sa bagong work in progress mo?"

"Okay naman nga. Wala lang, gusto ko lang magpahinga for a few days."

"At kailangan sa Sagada?"

Hindi na ako sumagot.

"Hay naku, Alessia Louise Lim. Kilalang-kilala kita, ha. Alam ko kung anong meron diyan sa lugar na 'yan. Baka mag-relapse ka, iiyak-iyak ka na naman ulit."

Natawa na lang ako, tapos iniba na ang topic. "You know what, kanina pa ako inaantok sa byahe. I think I'll take a nap for now. Ite-text na lang kita pagdating ko sa Sagada."

Huminga siya nang malalim kasi nakalusot na naman ako. "Fine! Ingat ka diyan. Pasaway ka talaga kahit kailan."

Binaba ko na ang tawag pagkatapos, at pinagmasdan na lang ang magandang view sa labas.

It's been a year, yet I still haven't completely moved on from him.

Though wala naman talagang ibang meaning ang pagpunta ko sa Sagada. Bigla ko lang na-miss. Ang weird nga, eh. Feeling ko naman masaya na ako sa buhay. Ang dami ng nangyari sa 'kin sa loob ng isang taon.

Na-publish na ang librong pinaghirapan ko months ago; I became a bestseller; sunod-sunod ang book signing events ko; at recently, nakatanggap ako ng mga offers for a movie adaptation. I've also moved to a new and bigger apartment.

I should be happy and contented now. This is the life I've always longed for, but I don't know. At the back of my head, I know something is still missing.

Parati ko pa ring naaalala si Theo. Kumusta na kaya siya? Hindi na ako nagkaroon ng kahit na anong balita tungkol sa kanya.

Sinadya ko naman 'yon. Lumayo talaga ako at binlock siya sa lahat, kasi kung hindi ko 'yon gagawin, tuluyan akong mababaliw sa lungkot.

Life did get hard after he left. Ilang buwan din akong iyak nang iyak at walang gana sa lahat. Kung kailan ang dami kong achievements, wala naman siya para samahan akong mag-celebrate. Sa kanya ko lang sana gustong mag-share ng good news. I was in despair for too long. Kahit pa sabihin kong ang daming blessings na dumarating sa 'kin, kapag ako na lang ulit mag-isa sa apartment, malungkot pa rin ako.

And then I don't know how it happened, pero isang araw pagkagising ko, biglang okay na ako. Bigla akong nagkaroon ng lakas na ituloy 'yung buhay na na-imagine ko para sa 'kin.

For some reason, natanggap ko na lang ang mga bagay-bagay. Siguro nakatulong din na naging busy ako sa career kaya na-divert ang attention ko.

Oo, nanghihinayang ako sa nangyari sa 'min ni Theo. Pero tanggap ko nang isa lang siya sa mga taong dumaan sa buhay ko pero hindi ko makakasama hanggang sa huli.

The Savage Boys Series #3: Theo AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon