Chapter 19

14.2K 304 77
                                    

ALES

PINAGBIGYAN KO ANG hiling ni Gia kahit na alam kong masasaktan ako.

Wala na nga agad ako sa sarili habang pinasusunod niya ako sa puwesto na natatakpan ng mga surfboards.

"Tell me everything right now," sabi ko sa kanya. "Hindi tayo pwedeng makita ni Theo na nag-uusap."

"I know. Ayoko rin naman na makita niya tayo. Bago ang lahat, gusto ko munang malaman mo na hindi kami nagkaroon ni Theo ng matinong label. I'm sure you know how this setup works. But as his ex-fubu, I wanted to warn you, Ales."

"Warn me about what?"

"Don't fall in love with Theo."

I felt my heart stop for a second. I did not expect her to say that straight to me. Ni hindi man lang siya nag-alinlangan.

Hindi tuloy ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa kanya habang nanginginig ang mga kamay.

"Wag kang mahuhulog sa kanya kung ayaw mo siyang mawala sa buhay mo," dagdag niya pa.

"Hindi kita naiintindihan."

"Nawawalan na siya ng gana sa babae kapag nahulog na sa kanya. For him, wala ng thrill kaya bigla na rin siyang mawawala. That's his dark side. Hindi mo mahahalata kasi magaling siyang magpa-fall. You know, the aftercare, the deep talks, all those times he's willing to spend with you—magaling siya sa gano'n. I'm sure ginagawa niya rin 'yon sa 'yo. But don't be tricked. Kasi iiwanan ka rin niya kapag nalaman niyang in love ka na. That's the truth about Theo. Once you fall, it's over."

Bigla nang bumigat ang dibdib ko. My throat tightened and I could barely utter a word. Nakatingin pa rin ako sa kanya at pilit na pinapakitang hindi ako apektado, pero sa loob-loob ko, gusto ko nang bumigay.

"That's what he did to me. To most of us," she even added. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Okay naman dapat kami, eh. I was there whenever he needed me. Pinupuntahan ko siya sa Manila, pero mas madalas, siya ang pumupunta sa 'kin sa Siargao. And I was confident that time, kasi alam ko na kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanya, sa akin pa rin siya babalik. He told me I was his favorite. Limang taon kaming may gano'ng setup. But just last year, everything changed. Hindi ko na kasi napigilan, na-attach na ako sa kanya. Who wouldn't, right? Kahit na alam ko na ang ugali niya pagdating sa mga babae, hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na mahulog. Akala ko kasi iba ako, na handa siyang sumugal sa 'kin. One night, umamin ako ng nararamdaman ko sa kanya. The next day, nawala na siya. Umalis siya ng Siargao nang walang paalam. Hindi ko na ulit siya nakita pagkatapos no'n. And now look at us, he acts as if I am a stranger to him. Parang hangin na lang ako kung daan-daanan niya. Kaya kung ayaw mong matulad sa 'kin, wag kang mahuhulog. This is his game, and he plays it very well."

Hindi maproseso ng utak ko lahat ng sinabi niya. I remained still despite my legs trembling and me fighting back my emotions.

Pumikit na lang ako para piliting kalmahin ang sarili ko. "Don't worry," I said. "There's nothing going on between me and Theo. At imposible na mahulog ako sa kanya."

Nanginginig pa ang mga labi ko nang sabihin ko 'yon kasi alam kong hindi 'yon totoo.

Ngumiti naman siya nang mapait. "Hindi kita pinipilit na maniwala sa lahat ng mga sinabi ko, ah? It's up to you. Natakot lang ako para sa 'yo kasi nakita ko kung gaano kayo kalapit sa isa't isa. You look smart and definitely not an easy woman. I know you won't fall for someone like him." Nginitian niya ulit ako. "Guard your heart, Ales."

'Yun na lang ang sinabi niya, tapos bigla na akong iniwan.

My vision immediately went black and I almost collapsed to the ground. Mabuti na lang napahawak agad ako sa nakasandal na surfboard.

The Savage Boys Series #3: Theo AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon