THEO
NATULOY KAMI NI Ales papuntang Batangas para sa birthday ng Mama ko.
Masaya ako kasi hindi ako soloista ngayon. Nasabi ko na rin kila Mama na may kasama ako kaya masaya rin sila. Ewan ko lang dito kay Ales kung masaya ba 'to. Kanina pa tahimik sa byahe, eh.
Ilang araw niya nang sinasabi na kinakabahan siya. Sinasabi ko rin naman na wag siyang kabahan kasi pamilya ko lang naman 'yon.
Nung nagyaya ako, parang excited pa siya. Pero nung malapit na kaming umalis, parang gusto niya nang mag-backout. Doon pa naman kami matutulog. Bukas na kami uuwi.
"Ales," tawag ko na sa kanya na tahimik lang na kumakain dito sa pinaghintuan naming convenience store. "Hindi ka na nagsalita diyan. Ang cold mo sa 'kin ngayon, ah."
Natawa siya. "I'm sorry, I'm just really nervous."
"Relax ka lang kasi. Alam kong takot ka sa tao, pero hindi kita pababayaan do'n. Mabait ang pamilya ko."
"I know, I could sense it." Huminga siya nang malalim. "I'm fine now. Nag-iipon na lang ako ng social battery."
"Kaya mo 'yan. Nakayanan mo nga 'yung kasal ng ex mo."
"Exactly." Tumingin siya sa 'kin sabay bumulong. "Hey, we're not gonna do anything naughty in your mom's birthday, right? Baka may baon ka na naman diyan."
Natawa ako. "Wala. Good boy ako ro'n. Pero kung may gusto kang gawin, ayos lang."
Tiningnan niya ako nang masama.
Natawa na lang ulit ako. Gustong-gusto ko siyang inaasar kasi nagagandahan ako sa mga mata niya kapag nagsusungit siya.
Sa totoo lang, parang paganda nga siya nang paganda sa paningin ko. Simple lang siya, hindi katulad ng mga babaeng nakasama ko dati na ang daming arte sa katawan. Hindi siya pala-ayos. Katulad ngayon, naka-pantalon lang siya at simpleng T-shirt, pero ang lakas ng dating niya sa 'kin.
"How's your mom like?" Bigla niyang tanong habang kumakain siya.
"Mabait," sagot ko. "Sobrang maasikaso sa 'ming magkapatid tsaka kay Papa. Medyo nanghina nga lang siya simula nung na-ospital."
"Bakit siya na-ospital?"
"Nagkaproblema siya sa puso. Tumatanda na rin kasi. Buti nga maayos na ang lagay niya ngayon."
"You seemed so close to your family."
"Sobra. Maliit na pamilya lang kami, eh. Pero mukhang marami kasi lahat ng mga kamag-anak namin, nasa Batangas. Ang dami naming magpi-pinsan. Mamaya makikilala mo silang lahat."
"Great. Now you're scaring me again."
Natawa ako. "Hindi ka kakagatin ng mga kamag-anak ko, wag kang matakot. Dala mo ba laptop mo?"
Tumango siya.
"Magsulat ka na lang sa bahay kapag naubusan ka na ng social battery."
Ngumiti siya sa 'kin. "How thoughtful of you. But I'll be fine, don't worry. Ayoko namang magsulat habang nasa birthday party ng Mama mo."
"Sa gabi kasi, baka mag-inuman kami ni Arkhe tsaka ng mga pinsan namin. Hindi ka pwedeng sumama."
"Why not?"
"All boys. Tsaka nagkakalat ka kapag lasing, eh. Kaya do'n ka na lang sa kwarto ko, magsulat ka."
Sumimangot siya. "Grabe ka naman. Para namang hirap na hirap ka talaga sa 'kin nung last time na nalasing ako. Eh nag-enjoy ka nga."
"Oo nga. Partida hindi pa ako makapag-paputok sa loob mo no'n. Ngayon pwede na sa loob kasi nagpi-pills ka na."
Nanlaki ang mga mata niya sabay hampas sa 'kin. "Ano ka ba! Ang ingay mo kahit kelan."
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #3: Theo Alvarez
General Fiction[NSFW] Theo Alvarez, a fearless adventurer with rugged good looks, indulges in a one-night stand with an erotic writer named Ales Lim. As fate reunites them, Theo takes her on an exhilarating journey of pleasure and lust that fuels the pages of Ales...