Chapter 21

11.3K 295 91
                                    

ALES

NATARANTA AKO NG gising. Shit!

Ang bigat pa ng mga mata ko pero pinilit ko agad libutin ng tingin 'tong kwarto. I'm still naked under the sheets, and I knew I wasn't dreaming. I really did confess to Theo last night. Shit, shit, shit!

Sa sobrang kalasingan kagabi, hindi ko na napigilan ang bibig ko. I ruined everything! Sana lang hindi niya ako narinig. Please, sana wala siyang narinig. I don't want to lose him!

Bumangon na agad ako ng kama kahit na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. I hurriedly put my clothes on and went downstairs.

"Theo?" My heart was beating so fast!

Nung nakita ko siya na nagluluto lang sa kitchen, medyo nakahinga ako nang maluwag pero ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

Napansin niya agad ako, pero hindi ko siya magawang tingnan. Pumwesto lang agad ako sa mesa sabay subsob ng mukha ko sa mga palad ko.

"What happened last night?" My lips were trembling. "Did I say anything hideous?"

"Ha?"

I looked up at him. "May narinig ka ba na sinabi ko kagabi? I was so drunk. Kilala mo ako kapag lasing ako, may mga nagagawa at nasasabi ako na hindi dapat. Kung meron man akong nasabi kagabi sa 'yo, don't believe it. It's not true, okay? It's not true."

Sinubsob ko ulit ang mukha ko sa mga palad ko. Fuck, what have I done! Naiiyak ako ngayon sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Para akong nagising mula sa isang matinding bangungot.

Hindi naman sumagot si Theo. Narinig ko lang siya na huminga nang malalim. "Wag kang mag-alala, wala kang sinabi."

Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya "Really? Y-you didn't hear anything?"

Umiwas siya ng tingin. "Wala." Tapos bigla na siyang tumalikod para bumalik sa pagluluto.

Shit. Napatungkod ako rito sa mesa sabay sabunot sa buhok ko. Something doesn't feel right. Sinabi na niya na wala siyang narinig, pero hindi pa rin ako kampante. Ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam ko.

Hinanda na niya ang mga pagkain sa mesa pagkatapos.

Pansin ko na hindi na siya masyadong umiimik. Kahit na nung kumakain na kami, hindi niya ako gaanong kinakausap. Parang lumilipad ang isip niya.

Ayoko nang mag-overthink kasi nasasaktan na talaga ako, pero ramdam ko ng may nag-iba.

Pagkatapos kumain, nagsabi lang siya na ihahatid na niya ako sa apartment.

I honestly don't want to leave yet. Natatakot ako, gusto ko pa sana siyang makasama. After all, it's still my birthday. Iniisip ko na lang na baka pagod at puyat din siya dahil sa party kagabi, tapos ang aga niya pang nagising ngayon para asikasuhin ako. He also needs to rest.

Habang nasa kotse kami, ang tipid niya pa ring magsalita. Tutok na tutok lang siya sa pagda-drive.

Pagkahinto namin sa tapat ng apartment building, hindi muna ako bumaba ng sasakyan. Hinihintay ko kasi na itanong niya sa 'kin 'yung palagi niyang tinatanong bago kami maghiwalay, pero tulala pa rin siya at halatang wala sa sarili.

Ako na lang ulit ang nagsalita. "Hindi mo ba ako tatanungin kung kailan mo ulit ako makikita?"

Huminga siya nang malalim. "Baka busy ka. Unahin mo na lang muna 'yung mga dapat mong gawin."

My shoulders slumped. Pakiramdam ko may biglang pumiga sa puso ko. "W-wala na akong gagawin. Natapos ko na ang manuscript ko, ipapasa ko na lang."

"Ipasa mo na lang muna."

The Savage Boys Series #3: Theo AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon