ALES
HINDI KO NA namalayan kung gaano katagal akong nakatulog. Basta pagkagising ko, katabi ko na si Theo. Nakadapa siya rito sa kama at natutulog nang mahimbing.
I wrapped the blanket around my naked body and just watched him sleeping. Hindi ko 'to nagawa nung unang beses na may nangyari sa 'min kasi iniwan ko agad siya. This time, hindi ko na siya matatakbuhan.
Mga datingan niya talaga ang gusto ko, eh—'yung mga mukhang nambabalibag sa kama.
Pinagmasdan ko ang tattoo niya sa likod. It only added to his sex appeal. 'Yung ang linis ng katawan niya kapag nakaharap, pero once na tumalikod, meron siyang isang malaking tattoo sa buong likod niya. I haven't slept yet with someone as hot as him.
Binuhat ko na ang sarili ko at bumangon ng kama nang hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. I need to go to the bathroom.
Pagkabukas ko naman sa pinto nitong kwarto, nakita ko agad na na-assemble na pala ang bookshelf.
Tiningnan ko si Theo na nakadapa pa rin. Ang tagal ko bang nakatulog para hindi maramdaman na nag-a-assemble pala siya? But I appreciate it. Tinapos niya pa rin pala talaga ang pinagagawa ko.
Nag-CR lang ako at nagbihis, tapos bumalik na ulit sa kwarto.
I sat down at my desk and opened my laptop. May naisip akong mga bagong eksena kaya isusulat ko na agad bago ko pa makalimutan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng steamy scene nang bigla na lang may sumulpot na mukha sa tabi ko. "Psst, ano 'yan?"
"OH MY GOD!" Napatayo talaga ako mula sa upuan dahil sa gulat.
Hinawakan naman agad ako nitong si Theo habang tawang-tawa sa 'kin.
Hinampas ko siya sa braso niya. "Don't do that! Magugulatin ako."
Natatawa pa rin siya. "Sorry sorry, hindi ko alam na magugulat ka nang gano'n. Ang seryoso mo kasi."
"I'm writing."
"Nawala sa isip mong may kasama ka?"
Nagpigil ako ng ngiti. "Actually, yes. Hindi kasi ako sanay na may kasama sa apartment. Tapos kanina ka pa tulog."
Umupo na ulit ako sa tapat ng desk. Grabe, para talaga akong na-mini heart attack do'n.
Hinila niya naman ang stool ko rito sa kwarto para tumabi sa 'kin.
Bigla akong napatitig sa kanya. Hindi kasi nakatali ang buhok niya ngayon. He looks way sexier when his long, wavy hair is down.
Hindi ko napigilan, hinaplos ko ang dulo ng buhok niya. "You have beautiful hair."
"Salamat. Pinapa-treatment ko 'yan kada buwan."
Natawa ako. "I really like your humor."
"Seryoso 'yon. Pinapa-treatment ko talaga 'to sa pinsan kong babae. Tapos binibigyan ko na lang siya ng pang-merienda niya."
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #3: Theo Alvarez
General Fiction[NSFW] Theo Alvarez, a fearless adventurer with rugged good looks, indulges in a one-night stand with an erotic writer named Ales Lim. As fate reunites them, Theo takes her on an exhilarating journey of pleasure and lust that fuels the pages of Ales...