Chapter 16

10.8K 246 27
                                    

ALES

SEVERAL MONTHS HAVE passed. Wala na yatang araw na hindi ko kasama si Theo. Kulang na lang, mag-live in na kaming dalawa.

We go out almost every day, fuck almost every night. Hindi kami nagsasawa. Dahil nga sa mga ginagawa niya sa 'kin, malapit ko nang matapos ang manuscript ko. I'm actually down to my last few chapters. Konting-konti na lang talaga, at proud din ako sa sinusulat ko this time. I feel like my editors and readers are going to love it.

Ang dami na rin tuloy naming nalalaman ni Theo sa isa't isa dahil hindi na kami mapaghiwalay.

Dati, pa-mysterious pa ako at takot mag-open up because of trust issues, pero ngayon, ang vulnerable ko na kapag magkasama kami. As in sobrang kumportable ko sa kanya.

Sobra rin naman siya kung mag-alaga sa 'kin. Kapag alam niyang busy ako sa pagsusulat o kaya stressed ako dahil sa editor ko, nandyan agad siya para asikasuhin ako.

He cooks food for me and makes sure I always have the energy to write. Kapag may kailangan akong puntahan, sinasamahan niya ako kahit na alam kong puyat siya galing sa Third Base. I appreciate that he always makes time for me. Para ngang nakakalimutan na niyang extrovert siya kasi mas pinipili niyang mag-stay sa mundo ko.

Ang saya lang namin the past few months. Ayoko na lang aminin pero ang totoo, naa-attach na ako sa kanya.

I know it's wrong to feel this way. We still don't have a label, and we both knew this was just all for fun.

Kumukuha nga lang dapat ako ng inspirasyon sa kanya para sa pagsusulat ko, 'di ba? Pero parang totoo na kasi lahat. 'Yung pag-aalaga niya sa 'kin at pag-spend niya ng time kasama ako, parang hindi na basta 'service' lang. Nasasanay na ako.

Being with him alone makes me happy. Feeling ko kapag nagtuloy-tuloy pa 'to, hindi ko na siya kakayaning mawala sa 'kin.

Ngayong hapon, magkikita ulit kami ni Theo.

He'll come with me to my publishing house's office to claim some book royalty checks. Sa ibang araw pa kasi pupunta roon si Jazz kaya sa kanya na lang muna ako nagpasama.

Saktong nag-text na siya na nasa ibaba na siya, kaya kinuha ko na agad ang sling bag ko at lumabas ng apartment. I'm just wearing my usual basic top and jeans.

"Hi." Ang gwapo na agad ng ngiti niya sa 'kin pagkapasok ko sa kotse niya.

I bit my lip to suppress my little smirk. "Anong ngiti na naman 'yan?"

"Ngiti ng taong na-miss ka."

"Oh, come on. I was just at your house yesterday."

"Bakit, hindi ba pwedeng namiss kita agad-agad?"

Pinalo ko na lang siya sa braso. Natawa na lang naman siya, tapos nag-drive na paalis.

'Yang mga banat niyang ganyan kaya lalo akong naa-attach, eh. Hindi mahirap mahulog dito sa lalaking 'to.

"Mamayang gabi pala," sabi niya, "pagkatapos ng lakad natin, sama ka sa 'kin sa Third Base?"

"Sure. But why, anong meron?"

"Nag-text sila Charlie. Miss na raw nila ako. Hindi raw kasi ako nagpapakita sa kanila."

"E bakit nga ba kasi hindi ka nagpapakita sa mga friends mo?"

"Alam mo naman siguro ang sagot diyan."

I smirked at him. "Hindi kita pinagbabawalan, ah."

"Oo nga. Choice ko na sa 'yo sumama. Ano, game ka mamaya sa club? Iinom daw sila ro'n."

The Savage Boys Series #3: Theo AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon