Chapter 29

8.1K 182 10
                                    

AUTHOR'S NOTE: This chapter contains mature scenes not suitable for young readers.


ALES

"JAZZ, WHERE ARE you?" Inip kong tanong kay Jazz sa telepono. "My wedding will start in an hour."

"Oo na, ito na! Malapit na ako! Siraulo ka kasing babae ka. Bakit ba bigla-bigla ka na lang nagpapakasal!"

Natawa na lang ako sabay haplos sa suot kong white blazer dress. "I'm sorry. Nag-propose kasi si Theo, eh. E 'di kasalan na agad."

"Pero sana man lang sinabihan mo ako nang mas maaga! Hindi 'yung kanina mo lang ako tinawagan na para bang yayayain mo lang akong mag-kape diyan sa Batangas. Naku! Siguraduhin mo lang talaga na hindi ito prank, ha?"

I chuckled. "Of course not. Jazz, please be fast. Theo's parents are already here. Ikaw lang sa side ko ang pinapunta ko."

"Leche ka kasi! Kung sinabihan mo agad ako, e 'di sana kahapon pa ako nandyan. O sige na, pinalilipad ko na sa asawa ko 'tong sasakyan para makarating kami on time."

"Okay, we'll just wait for you. Ingat kayo. Bye."

Binaba ko na ang tawag, at napangiti na lang ako sa sarili ko rito sa tapat ng salamin sa ladies' room.

Today is my wedding day.

Civil wedding lang naman kasi gusto ko talaga ng private. Dito pa nga kami magpapakasal sa Nasugbu para talagang walang makaalam. Family lang ni Theo, kasama si Arkhe at Isabela, tapos si Jazz ang pinapunta namin. Masayang-masaya na ako ro'n.

Plano rin naman namin na magpakasal sa simbahan. 'Yun talaga ang gusto ni Theo. Pero sabi ko, marami pa namang pagkakataon para roon. Gusto ko lang talaga na maikasal kami agad. As long as Theo and I become one legally, that's all that matters.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nag-propose talaga siya sa 'kin. That just happened a month ago. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pagkatapos ng pagkikita namin sa Sagada, nagsusunod-sunod na lahat. Wala na talaga kaming sinayang. At ngayon, in just an hour, magiging mag-asawa na kami at magsasama nang masaya. I can't wait.

Inayos ko lang saglit ang sarili ko, tapos lumabas na ng C.R.

Theo is waiting for me outside. Ang gwapo-gwapo niya ngayon. He's wearing a white long-sleeved polo, and his hair is tied up in a half-knot.

Pagkalapit niya sa 'kin, hinaplos ko agad ang pisngi niya. His neatly trimmed beard also added to his rugged charm.

"Ang gwapo mo naman masyado," biro ko sa kanya.

He smirked at me. "Masanay ka na. Araw-araw mo 'tong makikita kapag nai-kasal na tayo."

Natawa ako sabay hampas sa dibdib niya. "Napakayabang naman."

"Biro lang. Natawagan mo na si Jazz? Nasaan na raw siya?"

"Yeah, she's near. Tarantang-taranta pa rin nga."

"Bakit ba kasi kaninang umaga mo lang siya sinabihan?"

"Para wala na siya masyadong tanong. Pupunta na lang siya. Effective naman, tingnan mo, kulang na lang lumipad na sila ng asawa niya papunta rito."

Napangiti siya sabay hinaplos ang nakapusod kong buhok. "Ang ganda mo lalo ngayon. Mukha kang magiging asawa ko."

Inikutan ko lang siya ng mga mata na. "Oo na. We should thank Sab. She hired a professional hair and makeup artist just for me."

"Sige, mamaya, kauusapin natin sila ni Ark." Hinaplos niya ulit ang buhok ko. "Sigurado ka ba na wala ka ng ibang gustong pasunurin sa kasal natin bukod kay Jazz?"

The Savage Boys Series #3: Theo AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon