THEO
MAY TINATAGO YATA sa akin ang asawa ko.
Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap nang maayos. Akala ko wala lang siya sa mood nung umuwi siya galing sa party ng kapatid niya, pero gano'n pa rin siya hanggang ngayon. Habang tumatagal, palala nang palala.
Palagi lang siyang malungkot at wala sa sarili. Ni hindi ko na siya nakikita na nagsusulat. Madalas ko pa siyang nahuhuli na nakatulala lang. Minsan, bigla na lang siyang nawawala sa tabi ko at nagkukulong sa banyo namin. Naririnig ko siyang umiiyak.
Naaawa na ako sa kanya. Asawa ko siya, syempre kapag malungkot siya, nalulungkot din ako. Hindi ako sanay na nakikita siyang umiiyak kasi alam kong matapang siya na babae.
Humithit ako rito sa yosi ko habang nakatambay ngayon sa rooftop ng apartment.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari kay Ales. Ilang beses ko na siyang tinanong kung ano bang problema kasi ramdam kong may hindi siya kinikwento, pero ayaw niya talagang magsalita. Ewan ko kung nahihiya na ba siya sa 'kin.
Hindi niya na nga ako masyadong kinikibo, at kung kauusapin niya man ako, sobrang tipid lang. Umiiwas din siya kapag lumalapit ako o kapag hinahawakan ko siya. Magkasama kami sa iisang bubong, pero parang ang layo-layo niya sa 'kin.
Apektado na rin tuloy ako. Hindi na ako makapagtrabaho nang maayos. Ngayong gabi, hindi na naman ako pumasok sa Third Base kasi nag-aalala ako kay Ales. Dito sa rooftop lang ako madalas na nagpapahangin. Gulong-gulo na rin kasi talaga ang utak ko.
Naglabas ako ng cellphone.
Tatawagan ko na si Jazz. Kahapon ko pa 'to naiisip na gawin, nahihiya lang ako. Ayoko sanang magkaroon siya ng ideya na may problema kami ni Ales, pero baka lang may alam siya.
Ilang ring lang, sumagot na agad siya sa 'kin. "Hello? Theo?"
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Jazz, pasensya sa istorbo."
"It's okay. Katatapos ko lang magluto para sa mga junakis. Anong meron?"
"Gusto ko lang sanang itanong kung nagkausap na ulit kayo ni Ales?"
"Recently? Hindi pa. Actually, hindi ko pa ulit siya nakikita at nakaka-chika simula nung kinasal kayo. Bakit?"
"Hindi ka niya tinatawagan?"
"Hindi. E busy siya sa 'yo, eh. Why, is there a problem?"
Napahilamos ako ng kamay sa mukha. Tsk, wala rin pala siyang alam sa nangyayari.
"Theo, may problema ba?" tanong niya ulit.
Bumuntonghininga ako. "Wala. Wala naman. Jazz, pwede bang makiusap?"
"Of course!"
"Yayain mo naman si Ales na lumabas. Palagi lang kasi siyang nagkukulong dito sa apartment."
Bigla siyang natawa. "Hay naku, masanay ka na diyan sa asawa mo. Hindi talaga 'yan mahilig lumabas. Pero nakakatuwa ha, tumawag ka pa talaga para lang diyan. Buti pinapayagan mo pa rin siyang makipagkita sa 'kin."
Tipid akong ngumiti. "Oo naman. Importante ka kay Ales. Tsaka ikaw lang ang kakilala kong kaibigan niya."
"Ay, best husband of the year ka diyan! Okay, I'll invite her out for coffee. 'Yun lang ba?"
"Oo, yun lang. Salamat, Jazz. Pasenya na ulit sa istorbo."
"Okay lang, ano ka ba. Tatawagan ko na lang si Ales. Bye!"
Nagpaalam na rin ako, tapos binaba ang tawag.
Hindi rin pala nagpaparamdam si Ales sa kanya. Talagang nagkikimkim 'tong asawa ko. Lalo tuloy akong nag-aalala kasi wala siyang pinagsasabihan.

BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #3: Theo Alvarez
Ficción General[NSFW] Theo Alvarez, a fearless adventurer with rugged good looks, indulges in a one-night stand with an erotic writer named Ales Lim. As fate reunites them, Theo takes her on an exhilarating journey of pleasure and lust that fuels the pages of Ales...