ALES LIM
"ANO?! MAG-ISA KANG PUPUNTA NG SAGADA?"
Nailayo ko 'tong phone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Jazz, kasamahan kong writer at nanay-nanayan ko sa trabaho.
Napahinga na lang ako nang malalim. "Wala ka nang magagawa. Nakasakay na 'ko sa bus at paalis na rin 'to in a few minutes."
"Good luck, 'nak! Sana makauwi ka nang buhay, knowing na hindi ka naman talaga nagso-solo travel kasi bobita ka pagdating sa mga road directions tsaka baka hikain ka lang sa mga ganyang pamumundok."
"Thank you, ha? Nakakatulong ka sa 'kin."
"E ano ba kasing gagawin mo ro'n sa Sagada?"
"Maghahanap ng bagong lalaki."
"Ales naman!"
Natawa ako. "Alam mo naman kasi kung bakit. Mag-iisang taon na akong inaatake ng writer's block. Kapag hindi ko pa natapos 'yong libro ko, career ko na ang matatapos."
"Diyos ko, Alessia Louise Lim. Ako 'tong kinakabahan sa 'yo e! Kaya mo ba talaga mag-isa ro'n? Gusto mo sumunod ako?"
"I'll be fine. Sagada lang 'yon, kayang-kaya."
Napahinga na rin siya nang malalim. "Sure ka, ha? Sige, sana lang talaga makahanap ka na ng inspirasyon mo ro'n para sa libro mo."
I smiled a little. "Babalitaan kita. O sige na, paalis na yata 'tong bus. I-cha-chat na lang kita bukas pagdating ko sa Sagada."
Nagpaalam na ako at binaba ang tawag.
Sa wakas naman, naghanda na rin itong bus sa pag-alis. Dumating na kasi 'yung huling grupo na kanina pa hinihintay. Late na nga sila tapos ang iingay pa. Parang mga teenagers na ngayon lang nakalabas ng bahay.
Naghubad na ako ng eye glasses at nagsalpak na lang ng earphones para makinig ng music buong byahe.
"TOUCHDOWN, SAGADA!"
Napaka-ingay talaga nitong grupo na kasabay ko sa bus. Lalo na 'tong babae na sumigaw ng touchdown. Ang tining ng boses.
Mabuti na lang at mukha namang worth it ang mahigit 12 hours na byahe galing Manila. This place is a small, quaint town with a laidback culture. Peaceful lang at ang ganda ng klima. I really prefer cold weather destinations over hot beaches. Sana naman makapagsulat na ako rito.
Inayos ko ang suot kong jacket bago ako dumiretso sa Tourism Office.
Sa totoo lang, tama si Jazz. I don't usually travel, lalo na't mag-isa. This is my first spontaneous trip and I don't have any itinerary at hand. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin. Pinakikiramdaman ko na lang 'yong ibang mga turista rito.
"Hi, miss!" Biglang may kumalabit sa 'kin.
Pagtingin ko, 'yong babae pala na matining ang boses at kasamahan nung maingay na grupo.
I just smiled at her.
"Solo traveler ka?" tanong niya. "Gusto mong maki-join sa 'min?"
"Uhm, no, I'm good."
"Sige na! Mas masaya 'yon tsaka makakatipid ka sa mga tours. By the way, I'm Charlie. Ikaw?"
"Ales."
Hindi ko alam kung narinig niya 'yon kasi bigla na agad niya akong pinakilala sa mga kaibigan niya kahit hindi pa naman ako pumapayag na maki-join.
Anim sila sa grupo pero napako lang ang tingin ko ro'n sa isa nilang kasamahan na lalaki.
Grabe, ang lakas ng dating. Ba't ngayon ko lang napansin 'to? Ang tangkad niya at ang lapad ng katawan niya. And he looks so sexy with his disheveled man bun. Mukha siyang fictional character na hinugot mismo sa isang erotic book.
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #3: Theo Alvarez
General Fiction[NSFW] Theo Alvarez, a fearless adventurer with rugged good looks, indulges in a one-night stand with an erotic writer named Ales Lim. As fate reunites them, Theo takes her on an exhilarating journey of pleasure and lust that fuels the pages of Ales...