AUTHOR'S NOTE: This chapter contains mature scenes not suitable for young readers.
ALES
"CHEERS!"
Nag-inuman ang grupo kinagabihan. Wala pa rin ako sa mood at ayoko na sanang sumali sa kanila, pero nakakahiya nang humindi. Baka makahalata na rin kasi sila na may alam ako.
It's 10PM. Kauumpisa pa lang namin pero si Charlie, parang may tama na dahil sobrang daldal. As in ang ingay namin dito sa tabing-dagat kasi dito kami nag-set up ng table.
Nakikitawa na lang ako sa kanila, pero ang totoo, ubos na ang energy ko kaya natutulala na lang ako sa dagat.
Umabot na ng alas dose at hindi ko na talaga kinaya, kaya nagpaalam muna ako kila Charlie.
"C.R lang ako," sabi ko sa kanila.
"C.R na naman?" biro sa 'kin ni Charlie. "Balik ka, ah? Baka hindi ka na bumalik."
I just smiled at her. "Of course. I'll be quick." Tumayo na agad ako at umalis.
Narinig ko pa sila na tinanong si Theo kung okay lang ba ako. Baka raw hindi na ako bumalik.
"Hayaan niyo na." I heard Theo answer them. "Ubos na social battery niyan."
Napangiti na lang ulit ako habang naglalakad. He really knows me too well now. Na-appreciate ko na palagi niya akong sinasalo sa mga kaibigan niya.
Gusto ko pa sana talaga siyang makasama, pero tama siya, ubos na ang social batt ko. Palusot ko lang na magsi-C.R kasi ang totoo, wala na akong balak bumalik.
Pagkapasok ko sa room, humiga agad ako sa kama. This is a double deck bed. Sa taas dapat ang pwesto ko, pero nakihiga muna ako rito sa kama ni Charlie sa ibaba.
Hinubad ko ang eyeglasses ko at pumikit. Hindi naman ako inaantok. Wala lang talaga akong gana dahil sa nalaman ko ngayong araw. I still couldn't get Gia out of my head. Sobrang nakaka-praning, partida hindi naman ako girlfriend.
Nababagalan na tuloy ako sa oras kasi hindi na ako nag-eenjoy. This is just a quick weekend trip. Bukas, uuwi na rin agad kami, pero feeling ko ang tagal-tagal na namin dito sa Baler.
Mayamaya lang, may biglang kumatok sa pinto nitong kwarto. "Ales?"
Napangisi ako. It's Theo. Sabi na, imposibleng hindi niya ako sundan. "That's open," I just said.
Pumasok agad siya at dumiretso rito sa hinihigaan ko. "Wala ka ng balak bumalik, 'no?" sabi niya sa 'kin.
"I feel sleepy already."
"Maaga pa ang alas dose para sa 'yo, ah? Kelan ka inantok ng ganitong oras?"
I smirked. "Oo na, kilalang-kilala mo na ako." Huminga ako nang malalim. "Sobrang nakakaubos lang kasi ng energy si Charlie. Hindi na ako makasabay."
"Sabi na, eh. Gano'n talaga 'yon. Nasanay na nga lang kami. 'Di bale, nasabi ko naman na sa kanila na pagod ka na. Sasamahan na lang muna kita rito." Bigla siyang humiga sa tabi ko.
"Baka hanapin ka nila?"
"Ayos lang 'yon."
Wala na ulit akong sinabi. Tumuwid lang ako ng higa at natulala.
I could feel Theo staring at me. "Bakit nga ba kanina ka pa tahimik? Hindi ka ba nagandahan dito sa Baler?"
"Nagandahan."
"Bakit parang wala ka sa mood?"
Tiningnan ko siya. "I don't know. Maybe I just miss you."
"Paanong miss? Magkasama naman tayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/346157950-288-k786946.jpg)
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #3: Theo Alvarez
General Fiction[NSFW] Theo Alvarez, a fearless adventurer with rugged good looks, indulges in a one-night stand with an erotic writer named Ales Lim. As fate reunites them, Theo takes her on an exhilarating journey of pleasure and lust that fuels the pages of Ales...