THEO
"SAAN ANG LAKAD niyo ni Ales?" tanong sa 'kin ni Arkhe habang nasa kusina ako at nag-aayos ng mga dadalhin naming pagkain.
"Sa tabing-dagat, tatambay lang," sagot ko sa kanya. "Hindi kayo aalis ni Sab?"
"Tulog na si Sab. Maaga natutulog 'yon."
"Ah, kaya pala ako ang kinukulit mo."
Ngumisi siya. "Buti sinama mo si Ales, may naka-kwentuhan si Sab."
"Oo nga e. Nakalimutan nga nilang nandito tayo. Silang dalawa lang ang nagsama buong araw."
"Mukhang seryoso ka kay Ales, ah. Ilang buwan na kayo no'n?"
"Matagal-tagal na rin. Tinutulungan ko siya sa sinusulat niyang libro."
Kumunot ang noo niya. "Libro?"
"Oo. 'Di ba sinabi ko na ngang writer siya. Sobrang galing magsulat."
"Alam ko. Pero ikaw ang tumutulong sa kanya? Anong alam mo sa pagsusulat ng libro?"
Napangisi ako. "Sa ibang bagay ko siya tinutulungan."
"Anong bagay?"
"Basta, wag mo nang alamin."
"Tangina mo, parang may kagaguhan ka na namang pinasok."
"Wala. Nagmamagandang-loob lang ako para matapos na niyang isulat 'yung libro niya."
Natawa na lang siya sa 'kin. Kilalang-kilala ako nitong kapatid ko kaya siguradong kahit na ano pang palusot ko, hindi siya maniniwala sa 'kin.
"Kayo pala ni Sab, kumusta?" tanong ko na lang.
"Ayos naman. Sobrang masaya. May art exhibit ulit siya sa susunod na linggo kaya aalis na naman kami."
"Puro kayo gala, ah. Kelan niyo ba ako bibigyan ng pamangkin?"
"Mamaya pag-alis niyo, gagawa kami."
"Tarantado ka talaga."
• • •
TUMULOY KAMI NI Ales sa pagtambay sa tabing-dagat.
Dala namin 'yung pickup truck ng pinsan ko para dito kami sa likod iinom at mag-foodtrip ng mga binaon naming pagkain. Nagpatong lang kami ng makapal na kumot para kumportable kaming makaupo.
Kanina pa nga umiinom ng beer si Ales. Ayoko sana talaga siyang payagan, kaso ang tigas ng ulo. Ayos na lang din kasi halata ko namang masaya siya.
Gusto niya yata 'yung mga ganito--'yung walang ibang tao at tahimik lang. Kaming dalawa lang kasi rito. Sa bandang dulo kami tumambay, tapos ang naririnig lang namin, 'yung mga alon ng dagat.
"I like your family," sabi niya habang namumulutan ng barbeque.
"Ang saya sa 'min, 'di ba? Sa iisang lugar lang kasi kami lahat lumaki kaya ang dami namin kapag may gano'ng okasyon."
"Sobrang nag-enjoy ako sa birthday ng Mama mo. Parang biglang nawala ang stress ko sa pagsusulat."
"Halata nga, eh. Halos lahat ng palaro ni Unice kanina, sinalihan mo. Akala ko aayaw ka kapag niyaya ka niya. Sobrang kulit pa naman no'n."
"Makulit ba talaga siya? Parang mabait naman siya sa 'kin."
"Pakitang-tao lang 'yong bubwit na 'yon. Natatawa na nga lang kami nila Arkhe kanina kasi parang naninigas siya kapag ikaw ang kausap. Idol ka yata talaga no'n kaya hindi makakilos nang maayos."
Napangiti siya. "She has a copy of all my books. Pinirmahan ko lahat. Nakakahiya nga kasi pinanonood ako ng mga pinsan mo."
"Proud lang din 'yung mga 'yon. Buti nga nakasundo mo agad sila."
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #3: Theo Alvarez
General Fiction[NSFW] Theo Alvarez, a fearless adventurer with rugged good looks, indulges in a one-night stand with an erotic writer named Ales Lim. As fate reunites them, Theo takes her on an exhilarating journey of pleasure and lust that fuels the pages of Ales...