Chapter 31

8.5K 164 14
                                    

ALES

NATULOY KAMI NI Theo sa pagpunta sa pamilya ko.

Ilang buwan din muna ang pinalipas namin bago kami tumuloy. Hinintay niya pa kasi muna na maging handa ako at naglipat pa muna kami ng mga gamit niya sa apartment para masigurong settled muna ang lahat.

Of course, I wanted to savor our life as newly weds first.

Ngayon, pakiramdam ko haharap ako sa giyera. Nasa byahe na kami at habang palapit nang palapit sa bahay, lalo akong pinagpapawisan nang malamig.

I admit I don't feel good right now. Hindi pa rin talaga ako kumportable na magpakita sa nanay at mga kapatid ko. It's been years since I left those toxic people. Ayoko lang ipahalata kay Theo kasi alam ko kung gaano ito ka-importante sa kanya. I can't be selfish and unfair to my husband.

"Ito ang bahay niyo?"

Bigla niyang tanong nang huminto na kami sa tapat ng bahay.

I stared at my old home, too. "Yeah. I used to live here."

"Sobrang laki! Hindi mo sinabi sa 'kin na mayaman ka pala?"

Ngumiti ako. "No. Pamilya ko lang ang mayaman. This was my father's house na inangkin na ng nanay ko."

Hindi na siya nakasagot. Titig na titig lang siya sa bahay namin mula sa bintana ng kotse na parang hindi pa talaga siya makapaniwala.

I won't deny, it's a really huge house inside an exclusive village. Kaya rin siguro ako lalong hindi kumportable ngayon kasi malalaman niya kung ano ang nakagisnan kong buhay na matagal ko naman nang kinalimutan. Sanay na ako sa pagiging broke ngayon.

Niyaya ko na siyang bumaba ng kotse.

Gulat na gulat pa rin ang itsura niya. Pinagmamasdan niya ang bahay habang papunta kami sa gate.

Nag-doorbell lang ako at nagpakilala sa nagbabantay. Pinapasok naman agad kami.

Si Theo, napatingin sa 'kin. "May guard kayo?"

I smiled a little. To be honest, nahihiya ako sa kanya kasi alam kong hindi ganito ang pagkakakilala niya sa 'kin.

Nilibot niya ng tingin ang buong labas ng bahay hanggang sakto, may sumalubong sa 'kin na babae.

"Ma'am Alessia?"

My eyes quickly lit up. "Yaya!" Dito pa rin pala siya nagtatrabaho.

"Ma'am Alessia, ikaw nga!"

Nagmadali itong lumapit sa 'kin at nagyakapan kaming dalawa. I missed her so much. Akala ko hindi ko siya makikita rito.

"Ma'am, kumusta ka na?" tanong niya sa 'kin. "Ngayon ka na lang ulit dumalaw."

"Oo nga po, eh. Is my mother here?"

"Oho. Nandoon sa pool."

"Okay. Is my sister with her?"

"Wala ho si Ma'am Audrey, nasa opisina."

"I see. Sige, didiretso na lang kami sa likod. Wag mo munang sasabihin kay Mama na nandito ako."

"Opo, ma'am. Sobrang nakakatuwa po talaga na makita kayo ulit. Lalo kayong gumanda."

Napangiti na lang ako. "Thank you, yaya."

Muli ko siyang niyakap, tapos hinawakan ko na ulit ang kamay ni Theo para tumuloy na kami sa paglalakad.

Tiningnan niya naman ulit ako. "May yaya ka rin?"

Nagpigil ako ng ngiti. "Dating yaya. She took care of me."

Ngumiti rin siya sabay napailing-iling. Hindi ko alam kung namamangha pa ba siya o na di-disappoint na kasi may mga bagay pa pala siyang hindi alam tungkol sa 'kin. I guess napa-sobra ang pagiging mysterious ko.

The Savage Boys Series #3: Theo AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon