Chapter 12

17.4K 268 25
                                    

AUTHOR'S NOTE: This chapter contains mature scenes not suitable for young readers.

ALES

"I STILL COULDN'T believe you're attending that asshole's wedding," banat sa 'kin ni Jazz.

Nandito kasi ako sa bahay nila. I asked her help to do my hair and makeup.

"Ako rin naman, hindi makapaniwala," sagot ko. "This is probably one of the worst days of my life. Kung hindi dahil kay Theo, hindi ko talaga 'to makakayang gawin."

"Ibang klase rin ang trip niyan ni Mr. Long Hair mo, ha."

"Sinabi mo pa. He's too adventurous. Ewan ko nga kung paano ko nagagawang sumabay sa lalaking 'yon."

"But are you really ready? You will see Eithan again after he called off your own wedding."

"Of course I'm not. I will never be ready. Simula nga nung natanggap ko ang invitation niya a month ago, hindi na ako nakatulog nang maayos. Gabi-gabi kong naiisip lahat ng katangahan na ginawa ko para sa kanya. Like really, I was so stupid. Tapos hanggang ngayon naiinis pa rin ako kung paano niya ako na-manipulate para ibigay ang virginity ko sa kanya."

"Gago talaga 'yong Hen Lin na 'yon. Tapos ang kapal pa ng mukha niya na imbitahin ka sa sarili niyang kasal."

"Yeah, that asshole." Bumuntonghininga ako. "Bahala na talaga mamaya. Nandiyan naman si Theo. O baka uminom na lang ako during the wedding para mawala ako sa sarili."

"Baliw ka. Wag kang magkalat do'n kahit na alam kong binaboy niya ang puso mo. Just stick to the plan. Pagselosin niyo siya para ma-realize niya kung gaano kagandang nilalang ang niloko niya."

Napangisi na lang ako.

"O, tingnan mo na ang masterpiece ko ngayon." Pinaharap na ako ni Jazz sa salamin.

And I almost gasped when I saw myself in the mirror. Halos hindi ko nakilala ang sarili ko.

She put my hair up in a bun and put on some soft makeup on me. Naka-contact lens ako ngayon at nagandahan ako kung paano niya binigyan ng character ang mga mata ko. Magaling talagang mag-makeup 'tong si Jazz, eh. Actually, kapag may mga book signing events ako, sa kanya ako palagi nagpapaayos.

"Oh, 'di ba," sabi niya pa habang nakahawak sa mga balikat ko at parang nanay na proud na proud. "Sweet girl ang atake mo today. Dapat matalbugan mo ang bride."

I chuckled. "Siraulo ka talaga. But I like it. Thank you at pinagmukha mo akong tao, even just for a day."

"Tumigil ka nga. Ang ganda-ganda mo eh. Lalo na 'yang Asian eyes mo na ang fierce kung tumingin. Hindi pa ba nai-inlove si Theo sa mga 'yan?"

Napangiti na lang ako. Speaking of that guy, sakto na nag-text na siya sa 'kin.

"He's here."

Sumilip naman agad si Jazz sa bintana nitong kwarto nila. "Oo nga, nandito na ang prom date mo. Bumaba ka na. Magliligpit lang ako saglit."

"Okay." Nagpasalamat lang ulit ako sa kanya, tapos lumabas na para puntahan si Theo.

Naabutan ko siya na naghihintay na sa tabi ng kotse. Natigilan nga ako bago pa ako tuluyang makalabas ng gate.

Grabeng gwapo naman nitong lalaking 'to ngayon?

Like, I was really taken aback. I like his rugged and dirty look, pero ang lakas din pala ng dating niya kapag naka-pormal siya. Bakat na bakat ang malapad niyang dibdib at naglalakihang biceps sa suot niyang fitted long-sleeved polo. Ang linis din ng pagkakaayos ng man bun niya. I have never imagined he could look this dapper.

The Savage Boys Series #3: Theo AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon