ALES
I NEARLY BLACKED out.
Nahulog ko ang cellphone sa sahig at balisang-balisa akong napaupo sa kalapit na silya. I felt like I had been ripped to pieces.
Akala ko hanggang doon na lang ang gagawin sa 'kin ng pamilya ko. I didn't know they even took pictures of me and Eithan. Wala na talaga silang tinira sa 'kin.
"Ano 'to, Ales?" madiing tanong na ni Theo. "May nangyari sa inyo ng lalaking 'yon?"
Pinilit kong tumingin sa kanya kahit na punong-puno na ng luha ang mga mata ko at para akong mauubusan ng hininga.
"I-I don't know." My voice caught in my throat. "It's a setup. T-they set me up."
Umiwas agad siya ng tingin at pumikit. Kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata niya. His fists even trembled, and that terrified me even more.
Tinakpan ko na lang ng mga kamay ang mukha ko kasi takot na takot na ko. "I'm sorry, Theo. Believe me, I really didn't know what happened. Sinet up ako ng pamilya ko nung engagement party ni Audrey. Hindi nila sinabi sa 'kin na nandoon din pala si Eithan. H-he drugged me that night, and I think...I think he raped me."
Hindi ko na kinaya at tuluyan na akong napahagulgol! Buong katawan ko na ang nanginginig at pakiramdam ko bigla na lang akong babagsak.
Agad namang lumapit si Theo sa 'kin at pilit na inalis ang pagkakatakip sa mukha ko.
"Ano?" May pinaghalong galit at pag-aalala sa tono ng boses niya.
"I'm so sorry. Masyado akong nagtiwala sa kapatid ko, hindi ko inakala na magagawa niya 'to sa 'kin. She only invited me to her party to trick me. Si Audrey mismo ang nagdala kay Eithan sa kwarto ko. Hindi ko alam na may nilagay pala si Eithan sa iniinom ko at nawalan ako ng malay. I tried my best to fight, pero hindi ako nakawala...
...When I woke up, I was already naked and couldn't remember anything. Pinipilit ko, pero wala talaga akong maalala. All I know was that I saw a used condom on the floor. Bukod do'n, hindi ko na alam. Ni hindi ko rin alam na kinuhanan pala nila kami ng litrato."
Hindi na siya nakasagot. Bigla na lang ding tumulo ang mga luha niya habang nakatulala sa 'kin.
I looked away and clutched my chest. Pakiramdam ko may malaking bato na nakadagan sa dibdib ko at hindi ako makahinga. Mas lalo akong nasasaktan ngayong nakikita ko siyang umiiyak.
"Sinaktan ka ba niya?" His voice cracked as he asked.
"I can't remember. Basta pinilit niya akong dalhin sa kama bago ako tuluyang nawalan ng malay. I had bruises, the same ones I get every time we do that."
Nanghina siya at napahawak sa kanto ng mesa. Parang siya na ang mawawalan ng malay dahil sa mga sinisiwalat ko. Natatandaan ko na muntik niya pang makita ang mga pasa ko noong araw na 'yon, pero tinago ko sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin agad?" tanong niya. "Maniniwala naman ako sa 'yo. Kahit ano pa 'yan, paniniwalaan kita. Bakit hindi mo agad inamin?"
"Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat ang nangyari kasi alam kong masasaktan kita. Ang dami mo nang pinalagpas at inintindi dahil sa pamilya ko, e. Baka hindi mo na 'to kayanin."
"Asawa mo ako, Ales. Mahal na mahal kita kaya kakayanin ko lahat. Ako lang ang kakampi mo rito."
Mas lalong naiyak. "I'm sorry. I really didn't know what to do that time. Everything was so traumatic. Sobrang gulo ng utak ko at hindi ko alam kung paano hihingi ng tulong kasi ayokong magkwento nang paulit-ulit. It will traumatize me even more. Pero maniwala ka sa 'kin, hindi ko 'to ginusto. I did not cheat on you, Theo. Mahal na mahal kita at kahit kailan hindi kita kayang lokohin."

BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #3: Theo Alvarez
General Fiction[NSFW] Theo Alvarez, a fearless adventurer with rugged good looks, indulges in a one-night stand with an erotic writer named Ales Lim. As fate reunites them, Theo takes her on an exhilarating journey of pleasure and lust that fuels the pages of Ales...